Dingdong Dantes teams up with Piolo Pascual for campaign ad

IMAGE 0


"Maganda nga ngayon kasi nagkakaroon ng fusion ng twodifferent networks, much more that he [Piolo] has already established his name,his career, his personality. So, noong sinabi nila sa akin na I'll beworking with him, para sa akin, isang magandang opportunity siya. So, withouthesitation talaga, I was excited about the project," says Dingdong Dantes (right) about working with Piolo Pascual (left).



Nagulat si Dingdong Dantes nang mabalitaan niyang nakalabaspala sa print ang ginawa nilang pictorial kasama sa hottest Kapamilya leadingman na si Piolo Pascual. Buong-akala raw niya aysa September pa ito ire-release kaya hindi pa siya nagsasalita tungkol saPond's endorsement nila ni Piolo.

"Actually, akala ko nga next month pa. Pero biglang lumabasna nga raw, like sa YES! magazine [September 2008 issue]. Pero yung TVC yata,hindi pa. I think isa yun sa dapat na abangan nila kasi, maganda yungconcept ng commercial. We have to look for the next Pond's girl. We're insearch for two women and ide-date namin sila," masayang kuwento ni Dingdong saPEP (Philippine Entertainment Portal).

Ayon kay Dingdong, five years ago raw ay nagkasama na silani Piolo sa Japan nang magkaroon sila ng show with the Side A band. Nasundan na lang itonang magkasama naman sila sa Rampa for A Cause na in-organize ng Gutierrezfamily two years ago.

"Yung mga ganoong incident, pero ngayon lang talaga kaminagkasama for one project," banggit ni Dingdong.

Okey raw kay Dingdong yung idea na ginagawa ng mgaadvertisers na napagsasama ang mga artista ng parehong networks—GMA-7 and ABS-CBN.

"Maganda nga ngayon kasi nagkakaroon ng fusion ng twodifferent networks, much more that he [Piolo] has already established his name,his career, his personality. So, noong sinabi nila sa akin na I'll beworking with him, para sa akin, isang magandang opportunity siya. So, withouthesitation talaga, I was excited about the project."

Ang idea raw kasi ng naturang campaign ad ay two of thehottest and two of the prime talents ng both networks ang pinagsama ngPond's.

"Well, it is on the producer's perception. Yun ang tingin ngmga kliyente dahil siguro, nakikita nilang swak kami doon sa hinahanap nilangimage ng produkto. Siyempre, ayaw ko rin namang sabihin on top or hottest,siguro it's just good to say that we just fit doon sa hinahanap nilangqualities," paliwanag naman ni Dingdong.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Okay raw agad ang working relationship nila ni Piolo kahitmagkaibang network ang ginagalawan nila. Malaking factor daw siguro na maycommon friend sila—si Direk Joyce Bernal.

"Siyempre kapag nasa set kami ng Dyesebel, ikinukuwento niya[Direk Joyce] sa amin si Piolo. Alam n'yo yung immediately, meron nakaming common tao na kilala na parehong malapit sa amin. Although, mas malapittalaga siya [Piolo] kay Direk Joyce dahil best friend sila."

Every month ay tila walang palya na may bago siyangendorsement na nilu-launch. Ano ang masasabi niya rito?

"Ano ako, e, practice what you preach ako. Kung ano ang sinasabi ko, ginagawa ko talaga. So, lahat ngmga endorsements ko, wala naman akong hindi pinapaniwalaan doon," sabi niDingdong.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN