Jennylyn Mercado grieves unconsolably during final night of her father's wake

Sep 5, 2008
Mrs. Lydia Mercado, Jennylyn Mercado's adoptive mother related that Jen was emotional and in denial during the last night of her father's wake.

Patuloy ang matitinding pagsubok ang kinakaharap ni Jennylyn Mercado pagkatapos niyang isilang by caesarean section ang kanyang 8.12 pounds baby boy, si Alex Jazz Mercado. Kasunod ng panganganak ni Jennylyn, isang trahedya naman ang dumating sa buhay ng aktres.

Pumanaw noong Martes ng gabi, August 19, ang adoptive father niya na si Rogelio Mercado, 69, dahil sa mga kumplikasyon ng diabetes.

"Iyak siya nang iyak. Parang hindi niya matanggap," sabi ng Mommy Lydia ni Jennylyn sa The Buzz.

Nung Biyernes, August 22, huling araw ng burol, naging emosyunal ang young actress nang makita ang mga labi ng kanyang ama. Tumanggi ang aktres na magbigay ng anumang pahayag sa kanyang pagdadalamhati.

"Pagpasensiyahan ninyo na lang muna si Jen ngayon, kakapanganak lang," paghingi ng paumanhin ni Mommy Lydia sa The Buzz.

Noong Sabado, August 23, sa Sgt. Mariano Crematorium sa Pasay City, isinagawa ang cremation ng mga labi ng adoptive father ni Jennylyn.

Continue reading below ↓
Read Next
Read More Stories About
Jennylyn Mercado, The Buzz
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mrs. Lydia Mercado, Jennylyn Mercado's adoptive mother related that Jen was emotional and in denial during the last night of her father's wake.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results