Ruffa and Raymond Gutierrez both like KC Concepcion to be Richard's girlfriend

IMAGE 0


"Kung si KC na nga talaga ang maging girlfriend ni ‘Chard?Of course! Two thumbs up," says Raymond Gutierrez (right). Bigsister Ruffa (left) seconds Raymond's statement, but she has an advice: "Feeling ko kahit na gustung-gusto ko silang dalawa in real life, siguro dapatunahin muna nila ang career."



Super excited at kinikilig sina Ruffa at RaymondGutierrez para sa kanilang kapatid na si Richard sa pakikipagtambal nito kay KC Concepcion sa pelikulang For The First Timeng Star Cinema, na nagsimulang ipalabas sa sinehan noong August 27.

Halatang botong-boto sina Ruffa at Raymond sa Richard-KClove team nang makausap sila ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa castparty na inihanda ng Star Cinema sa Florabel Restaurant after ng premiere night na naganap noong August 26, sa Cinema 9 and 10 ng SM Megamall, natalaga namang dinumog ng mga fans, family, and friends nina Richard at KC.

Ang sabi ni Ruffa ukol sa chemistry ng dalawa, "Ang chemistry nila, talagang kitang-kita on and off screen.Talagang makikita mo at hindi na kailangang umarte pa. Magandang-maganda silangtingnan onscreen."

Sumang-ayon naman si Raymond sa sinabi ng kanyang ate, "Their onscreen chemistry is great. Yunglooks pa lang nila bagay na bagay na—their features, their height, and the waythey carry themselves."

Just in case matuloy na nga na maging girlfriend na niRichard si KC in real life, ano'ng reaction nila rito?

Ang payo ng The Buzz host, "Well, tutal mga bata pa naman sila, maganda siguro is tostrengthen their friendship and take their time also. Kasi pangit naman ifafter one or two years, maghihiwalay din sila. Mabuti na yung lasting yungfriendship nila...Forever pero mas malalim. Feeling ko kahit na gustung-gusto kosilang dalawa in real life, siguro dapat unahin muna nila ang career."

Ang sagot naman ng Showbiz Central co-host, "For me kasi, I don't want topressure them na, ‘O, kayo na ba?' Hayaan na lang natin sila. When they havedecided, I'm sure all of us will know. Kung si KC na nga talaga ang maginggirlfriend ni ‘Chard? Of course! Two thumbs up."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

IMPRESSIVE ACTING. Hangang-hanga rin ang magkapatidsa ganda ng pelikula at sa kakaibang akting na ipinakita nina Richard at KC.

Ani Raymond, "You know, ang mako-comment ko lang afterwatching the movie, I'm gonna book a flight to Greece. Napakaganda andnapaka-romantic. And parang postcards yung ibang scenes. Napabilib din ako saakting ni ‘Chard pati ni KC, ibang-ibang sa KC at Chard na kilala ko. Nag-dramatalaga sila and they were able to show a different side of them.

"Si Richard napanood na nating nag-action, nag-comedy, peroito, one of the few times na drama yung ginawa niya. Si KC din for a first-timer, when you watch her, parang akala mo veteran na rin siya. So, I congratulatethe two of them."

Pahayag naman ni Ruffa, "Revelation sa movie si KC at sakasi ‘Chard. Sa tingin ko talagang pinigang-piniga nang husto ni Direk Joyce[Bernal] si ‘Chard dahil ibang-ibang klaseng lalim sa acting. At sa kanyang mgamata, ang nakita ko na hindi ko nakita sa mga past niyang movies...Of course, siKC talagang napaiyak din niya ako. Lahat ng kasamahan nila sa movie,magagaling, talagang congratulations."

KAPAMILYA SUPPORT. Bilang isang Kapamilya, ano naman ang masasabi ni Ruffa sa magandangtreatment ng ABS-CBN at Star Cinema sa kanyang kapatid na si Richard, knowingna isa itong Kapuso?

"Bilang isang Kapamilya, ako'y natutuwa na si Richard—naipinahiram ng GMA Films sa Star Cinema—ay talagang napakaganda ng pagwi-welcomeng mga taga-ABS at Star Cinema sa kanya, which ishindi namin hiningi, hindi hiningi ni Richard, o ng mommy ko. Kusa nila itongibinigay and talagang masasabi namin na maling-mali yung mga detractors ngABS-CBN.

"Kasi akala nila ima-manipulate nila yung promo, and hindinila tatratuhin ng maganda si Richard. Lahat yun hindi totoo...Talagangnapakaganda ng pagwi-welcome nila kay ‘Chard, at si ‘Chard, talagangoverwhelmed, sobrang saya, very honored at touched siya sa mga kasamahan ko saABS like Angel [Locsin], Piolo [Pascual], Aga [Muhlach], Cesar [Montano]—allthe big stars ay nagbigay ng greetings at endorsements para sa film. Theydidn't have to do it, but yet they did. Ibig sabihin talagang sumusuporta silakahit sa baguhan sa network namin. And that's how it should be in theindustry."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

‘CHARD AS KAPAMILYA. So, wish niya ba na makasama nasi Richard bilang Kapamilya sa ABS-CBN?

"Well, he still has a contract with GMA. Malaki angnaitulong ng GMA sa kanyang career. Let's not burn bridges. Masaya si Richardsa GMA. Masaya rin naman siya sa unang pelikulang ginawa niya sa Star Cinema.So, hopefully, one day, wala nang network war, at lahat puwede nang magsama-samain one station, lahat masaya."

Ipinahayag din ni Ruffa ang labis niyang pasasalamat salahat ng mga taong sumuporta sa premiere night ng For The First Time.

"Nagpapasalamat po ako sa lahat ng mga fans na pumunta sapremiere night sa Megamall. Hapon pa lang, ang dami nang tao. Nakakatuwa,siyempre lahat talaga ninenerbyos dahil nakikita namin, lahat pagod. Nakikitanamin ang mukha nina KC at ‘Chard, halos wala nang pahinga, haggard na, walangtulog. Talagang pinaganda nila itong pelikulang ito.

"I'm very happy na nagustuhan ng mga tao yung pelikula and,hopefully, kung anong support yung pinakita nila sa premiere night, ipakita rinnila yun sa opening day at sa mga susunod pang mga araw."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN