Robin Padilla OKs love team for daughter Queenie

Aug 28, 2008
"Okey lang na magkaroon ng love team si Queenie kasi bagay naman siya sa mga drama-drama. Yun ang puwede, kasi malalim mag-isip ang anak kong ‘yan. Nabawas-bawasan na nga ang pagiging revolutionary niyan, e. Pero yung pagiging matulungin niya at pagiging involved niya sa mga issues sa Mindanao, nandoon pa rin," says Robin Padilla about his daughter Queenie Padilla.

Hindi napigilan ni Robin Padilla na maiyak sa tuwa habang pinapanood ang kanyang anak na si Queenie na umaawit sa entablado ng Music Museum sa Greenhills, San Juan City, kagabi, August 27.

First public performance ni Queenie ang pag-guest nito sa concert ng tinaguriang "King of Moro Songs" na si Datu Khoemeni. Hindi binigo ni Queenie ang mga kapatid niyang Muslim na pumuno ng naturang venue dahil pasadong-pasado ang boses niya bilang isang singer.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Binoe, sinabi nito na mahilig daw talagang kumanta si Queenie at nag-offer na nga ang Viva Records para sila ang mag-produce ng album nito.

"Matagal nang may offer ang Viva. Gusto nila, solo album pero gusto naman ni Queenie ay silang tatlong magkakapatid ang magkaroon ng album. Nandito na si Kylie at si Shen [Sherileen Zel] naman ay darating para magsama-sama na ulit sila.

"Natutuwa ako kasi ito ang gustong gawin ni Queenie. Mahilig 'yan sa mga iba't ibang klaseng mga awit na ako mismo hindi ko maintindihan. Kilala n'yo naman ako, hanggang Elvis Presley lang ang alam natin!" malakas na tawa ni Binoe.

Continue reading below ↓

Papasok na rin nga sa pag-aartista si Queenie at kasama na nga ito sa bagong TV series ni Binoe sa GMA-7 na Totoy Bato. Pinayagan na ito ni Binoe na pasukin ang pag-arte at okey lang daw sa kanya na magkaroon ito ng love team.

"'Yan yung plano noon pa ng Viva kay Queenie. Bata pa kasi siya noon kaya hindi ako pumayag pa. Pero ngayon, okey na kasi nakikita ko naman na gusto rin ng bata. Pero si Queenie lang ang puwedeng may love team. Si Kylie kasi, mga bata ang audience niya kaya kahit walang love team, okey lang.

"Itong pagiging singer nga niya, nagugulat ako. Hindi ko akalain na magkakaroon ako ng mga anak na kaygaganda ng boses. Kaya yung talento nilang ‘yan, gusto kong ipagyaman nila kasi malayo ang mararating nila.

"Okey lang na magkaroon ng love team si Queenie kasi bagay naman siya sa mga drama-drama. Yun ang puwede, kasi malalim mag-isip ang anak kong ‘yan. Nabawas-bawasan na nga ang pagiging revolutionary niyan, e. Pero yung pagiging matulungin niya at pagiging involved niya sa mga issues sa Mindanao, nandoon pa rin."

Continue reading below ↓

Malaki nga raw ang concern ni Queenie sa mga taong naapektuhan sa kaguluhan ngayon sa Mindanao. Kaya kapag may pagkakataon ay sumasama ito sa isang grupo na parating nagbibigay ng tulong.

"Kelan lang ay sumama nga siya sa isang grupo, ito nga iyong kina Datu Khoemeni, na bumisita at tumulong sa mga naging evacuees sa Mindanao. Maawain siya sa mga bata roon na hindi na nakakapag-aral dahil sa nagaganap na kaguluhan doon. Gustung-gusto niyang makatulong talaga.

"Nitong ngang huli, gusto ulit niyang sumama sa grupo na pupunta naman sa isang lugar doon. E, narinig ko sa TV na medyo magulo at nagkakabarilan, sinabi ko sa kanya na huwag muna kasi baka kung mapaano siya roon. Ang pinakamaaapektuhan kasi ay ang mommy niya [Liezl Sicangco]. Hindi nga nito gusto ang ideya na pumasok siya sa showbiz, yung maipit pa kaya siya sa giyera?

"Kaya tama lang na nag-guest siya sa fund-raising concert na ito ni Datu Khoemeni kasi ang kikitain ng concert ay magiging malaking tulong sa mga evacuees sa Mindanao. Natutuwa ako at nag-guest si Queenie dahil malaking bagay ang maitutulong niya sa maraming tao."

Continue reading below ↓

At dahil marami ang nagagandahan kay Queenie, imposibleng walang may gustong manligaw dito. Publicly in-announce na nga ni Binoe na okey na raw na ligawan si Queenie.

"Puwedeng-puwede na," pagmamalaki ni Binoe. "Nakikita ko naman kay Queenie at sa ibang mga anak kong babae na napakaresponsable nilang mga bata.

"Alam ko na kakayanin nila ang bagong sitwasyon ng buhay nilang ito. Kaya okey na kung may manligaw sa kanila. Basta huwag lang nilang kalimutan na bigyan ako ng dowry. Tradisyon iyon sa kulturang Muslim, e.

"Pero siyempre, nandito pa rin ako para magbantay sa mga anak ko. Gustong ligawan sila sa tamang lugar at iyon ay sa tahanan namin. Hindi puwede yung sa labas o dinadaan lang sa tawag o text. Kailangan pormal para makilala siya ng ibang miyembro ng pamilya."

Kahit nga sobrang busy si Binoe sa sunud-sunod na trabaho, nagagawa pa rin niyang puntahan ang mga special occasions ng kanyang mga anak. Busy nga si Binoe sa pag-shoot ng pelikulang Sundo ng GMA Films with Katrina Halili, Sunshine Dizon and Rhian Ramos, at magsisimula na siyang mag-taping para sa Totoy Bato.

Continue reading below ↓

"Importante sa akin ang mga activities ng mga anak ko. Wala kasi ang ina nila rito at nasa Australia, kaya ako ang tumatayong ama at ina nila.

"Nagpapaalam naman tayo nang maayos sa mga bossing natin para payagan tayo. Minsan lang naman magkaroon ng kakaibang ginagawa ang mga anak ko kaya kailangan nandoon ako parati para sa kanila."

Read Next
Read More Stories About
Robin Padilla, Queenie Padilla
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Okey lang na magkaroon ng love team si Queenie kasi bagay naman siya sa mga drama-drama. Yun ang puwede, kasi malalim mag-isip ang anak kong ‘yan. Nabawas-bawasan na nga ang pagiging revolutionary niyan, e. Pero yung pagiging matulungin niya at pagiging involved niya sa mga issues sa Mindanao, nandoon pa rin," says Robin Padilla about his daughter Queenie Padilla.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results