Marian Rivera cries upon hearing her father's voice

IMAGE 0


"Nagulat talaga ako kasi, wala talaga, as in wala! At hindiko ine-expect na siya ang pinakamalaking sorpresa sa akin. Nagulat talaga ako. Kayasalamat sa gumawa at humanap sa kanya, mahal kita!" relates Marian Rivera upon hearing her father's voice at the end of her and Dingdong's birthday concert last night, August 27. Inset, Marian with her father, Francsico Javier Alonzo Gracia, when she was just two years old.



Kung isang malaking sorpresa at pasasalamat para sa isahottest love teams ng bansa ngayon na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera sakanilang mga fans ang Let's Celebrate: The Dingdong & Marian BirthdayBlowout kagabi, August 27, sa Araneta Coliseum, isang malaking sorpresa rinang ibinigay sa kanila sa naturang birthday concert. Hindi nito napigilan ang sobra-sobrang mapaiyak habang yakap-yakap ni Dingdongnang marinig ang boses ng ama na bumabati sa kanya sa wikang Español mula saSpain.

May ilang segundo nang tapos ang naturang recorded messageni Francisco Javier Alonzo Gracia, pero patuloy pa rin sapag-iyak si Marian. Hindi itinago ng young actress na miss na miss na niya ang kanyang ama nalimang taon na niyang hindi nakikita.

Habang humihikbi ay ipinaliwanagni Marian ang kanyang saloobin. "Siguro marami po sa inyo ang hindi alam yungtungkol sa pamilya ko. Miss na miss ko na kasi ang Papa ko kaya ganun na langang naging reaksiyon ko. Sobrang mahal ko yun kahit hindi ko nakikita, kasilimang taon na kaming hindi nagkikita, kaya ang saya para sa akin," pahayag niyasa gitna ng entablado.

Pagkatapos ng concert, nakausap ng PEP(Philippine Entertainment Portal) at ilang entertainment press si Marian.Pagkatapos niyang marinig ang boses ng kanyang ama, kailan naman niyapinaplanong dalawin ito?

"Hindi ko pa po alam. Boses pa lang po, masaya na ako. Anopa kaya kung makita ko siya?" masayang-masayang pahayag ni Marian naoverwhelmed pa sa success ng kanilang birthday concert at hindi inaasahangpagbati ng kanyang ama.

Dagdag niya, "Kung may pagkakataon, gusto kong talaga akoang pumunta sa kanya, e."

Ayon kay Marian, five years na raw silang hindi nagkikita ngkanyang ama at madalas ay napuputol daw ang kanilang communication. Hindi basiya nakaramdam ng sama ng loob sa ama?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Never! Masama yun!" nakangiti niyang sabi. At saka isinunodna, ‘Tama na, maiiyak na naman ako, e!"

Nagulat daw siyang talaga na nagawa ng production team nama-contact ang kanyang ama.

"Nagulat talaga ako kasi, wala talaga, as in wala! At hindiko ine-expect na siya ang pinakamalaking sorpresa sa akin. Nagulat talaga ako. Kayasalamat sa gumawa at humanap sa kanya, mahal kita!" bulalas ni Marian.

Any message for her dad?

"Basta kahit na ano'ng mangyari, mahal kita. At sa lahat,higit sa pamilya ko na nagmamahal sa akin, especially sa lola ko, kahit na ano'ngmangyari, nandito ako para sa kanila. At hindi nagbago ang pagmamahal ko sakanila," pahayag ni Marian.

Posibleng manibago ang daddy niya kapag nakita na siya dahilibang-iba na siya at sikat na sikat na ngayon?

"Hindi pa rin! Ako pa rin ang batang gustung-gusto niya atmahal na mahal niya. Hindi magbabago yun, hindi!" may diin at natatawa niyangsabi.

SUCCESSFUL BIRTHDAY CONCERT. Masayang-masaya rin si Marian dahil sa tagumpay ng kanilangbirthday concert at sa dami ng taong dumating sa kabila ng pag-ulan atkinabukasan ay may pasok pa.

"Siyempre, sobrang saya! Bilang artista, bibihira lang namanang chance na mag-concert ng ganito at Araneta pa, sobrang laki! At para namanghindi malabo ang mata ko, nakita ko naman na puno naman siya. Sobrang ligayanamin ni Dong at sabi ko nga, gagawin namin ito dahil mahal namin silang lahat."

Para kay Marian ang ginawa naman nila sa AranetaColiseum ay hindi para ipakitang mga concert performers sila, dahil alam namannilang hindi. Since it was a birthday celebration, so ang inisip nila ay angmaging masaya sila at makapagpaligaya sila ng mga sumusuporta sa kanila.

"At saka ano, hindi na namin inisip na baka magkamali kamirito, mapapahiya kami," dagdag niya. "Parang enjoy na lang namin ito, kasi ginagawanaman namin ito para sa kanila. At alam naming mahal nila kami at kahit ano paang gawin namin, iintindihin at mamahalin nila kami".

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa kanilang speech sa katapusan ng show, hindi nakalimutangpasalamatan nina Dingdong at Marian ang isa't isa sa kung anuman ang meronsilang tinatamasa sa kanilang career ngayon.

Sa tanong ng PEP kung pagkatapos ng Marimar at Dyesebel aygugustuhin pa rin nilang silang dalawa pa rin ang mapanood ng mga tao namagkasama sa isang project, parehong mabilis ang naging tango ng dalawa.

Sabi ni Marian, "Siyempre, kung pagbibigyan ng chance,bakit hindi, di ba? Bakit hindi pa rin kaming dalawa ni Dong?"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN