Paolo Contis is the only Kapuso in this year's Cosmopolitan's Top 10 bachelor centerfolds

IMAGE 0


"Hindi ko alam na ako lang pala ang nasa Top 10 list. Nevernaman ako nakapasok talaga sa Top 10 list, e. Ngayon lang talaga, kaya sobrang na-overwhelmedako. 'Tapos first time kong mag-pictorial talaga ng medyo daring....," says Paolo Contis about being included in this year's Top 10 Bachelor Centerfolds.



Si Paolo Contis lang pala ang GMA-7 talent na nakasama saTop 10 list ng 2008 Cosmopolitan Bachelor Centerfolds.

Kung last year ay sina Dingdong Dantes, Alfred Vargas,at Bruno Folster ay nakapasok sa listahan, natuwa naman si Paolo na kahit paanoay may isang Kapuso ang nakapasok this year.

Ang iba pang pasok sa Top 10 ay ang Kapamilya male stars na sina Derek Ramsay,Billy Crawford, Geoff Eigenmann, Ron Morales, at Bruce Quebral. Kasama rin sa listahan ang model na si Akihiro Sato at ang basketball player na si Macky Escalona.

"Hindi ko alam na ako lang pala ang nasa Top 10 list. Nevernaman ako nakapasok talaga sa Top 10 list, e. Ngayon lang talaga, kaya sobrangna-overwhelmed ako.

"'Tapos first time kong mag-pictorial talaga ng medyodaring. Sa shower kasi ako kinunan kaya kita ang mga pinaghirapan kong mgaabdominal muscles. Napakinabangan ko naman sila sa pictorial, in fairness!"sabay tawa ni Paolo nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

Dagdag ng host ng show na World Records, na-inspire siyang magpaganda ng katawan dahil sa kaibigan niyang si DingdongDantes. Pareho raw kasi sila ng trainor at sa same gym sila nagpapaganda ng katawan.Kaya naman sobrang sexy ngayon si Paolo kapag naghuhubad ito ng kanyangpang-itaas.

"Kahit ako nga nagugulat sa sarili ko!" malakas na tawaniya. "Pero talagang kinarir ko ang magkaroon ng ganitong physique. Maganda angresulta ng pagpapapawis ko sa gym at, siyempre, kung kasama ka rin lang sa Top10 list ng Cosmo, e, gandahan mo na ang gustong makita ng mga taosa iyo, di ba? Para mas bongga!"

Bukod sa paghu-host ng World Records, nasa main cast dinsi Paolo sa Codename:Asero at makakasama rin siya sa Gagambino.Pero may time pa rin naman daw sila na mag-date ng kanyang girlfriend na si Isabel Oli.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"May time pa rin naman. Hindi naman demanding si Isabel, e.Alam niyang workaholic ako kaya she understands kung minsan ay wala kaming timena magkasama. But when I do have the time, todo ang labas namin. As in, buongaraw magkasama kami. So, I am making up for lost time sa kanya."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN