GMA-7 executive Wilma Galvante: "We do not have any quarrel with Annabelle Rama."

Aug 29, 2008
"Hindi takot ang network kay Annabelle Rama, we have a professional relationship that we try to implement as best as we could," says Ms. Wilma Galvante about Annabelle Rama (inset), mother and manager of Richard Gutierrez.


Tinapos na ni Ms. Wilma Galvante, SVP for Entertainment TV ng GMA Network, ang pananahimik sa isyu niya at ng Kapuso network kaugnay ng mga paratang ni Annabelle Rama. Sa isang pakikipag-usap sa press, kasama ang PEP (Philippine Entertainment Portal), kahapon, August 28, sinagot at nilinaw nito ang mga nasabing isyung na-headline sa mga babasahin.

May kinalaman ang mainit na isyu sa diumano'y sinadyang pagtapat ng GMA-7 sa Let's Celebrate! The Dingdong-Marian Birthday Blowout nina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa opening ng pelikulang For The First Time na pinagbibidahan nina KC Concepcion at Richard Gutierrez noong August 27.

Si Richard ay anak at alaga ni Annabelle at isang Kapuso star. Pinayagan siya ng GMA-7 na gumawa ng pelikula sa Star Cinema ng ABS-CBN kapalit ng paggawa ng pelikula ni KC sa GMA Films next year.

NO QUARREL WITH ANNABELLE. Sinimulan ang tsikahan with the press sa tanong kay Ms. Wilma kung ano ang mangyayari sa future relationship nila with Annabelle, she being a talent manager at supplier ng talents sa mga show ng Kapuso network.

Continue reading below ↓

"Personally, we do not have any quarrel with Annabelle," sagot ng lady executive. "Wala rin akong quarrel with her and we have not violated any contract with her. We're always careful in implementing the contract. Wala talagang away.

"Ang pinagsimulan as far as this issue is concerned, e, ito ngang Let's Celebrate sa Araneta Coliseum. I do not do the booking, but I was told na ang available lang na schedule is August 27. Fully booked ang Araneta. We wanted a weekend, we wanted the last weekend. Kasi ie-air talaga ito sa August 31," paliwanag ni Ms. Wilma.

Why hold a birthday special for Marian and Dingdong?

"If you have two major stars who will celebrate their birthdays on the same month, if you're a producer, this is business, di ba, iisipin mo na this is material for a special. Talagang puwede mo siyang lamanan, puwede mo siyang i-hype, puwede mong i-celebrate. And then make an entertainment special, air it, get sponsors for it, and then ultimately entertain the audience, which is just the objective. The main thing is kahit mag-check ka sa booking office ng Araneta Coliseum, the only date that they were able to give us was August 27."

Continue reading below ↓

Ipinaliwanag din ni Ms. Wilma na ang busy schedule nina Marian at Dingdong ang pumigil para magawa ng mas maaga ang kanilang birthday special. Kundi may shows abroad, may pictorial o di kaya'y may shoot ng TVC for their endorsements.

"Wala kaming masamang intention, walang malisya dun. And that project, the whole schedule, is not just a personal approval also, or a personal whim on my end. It's approved by our programming committee—it's a body, it's the most important group. It's the most important meeting that happens in GMA because that's where we make our important decisions."

DOUBLE VICTORY. Nakarating na kay Ms. Wilma ang box-office result ng movie nina Richard at KC, at nag-extend siya ng congratulations sa dalawa at sa Star Cinema. Masaya rin nitong ibinalitang successful ang birthday special nina Marian at Dingdong.

"Nakita mo na ‘pag maganda ang project mo, ipa-patronize naman. Yung mga nagpunta naman sa Araneta kagabi, sabihin mo nang 7,000 or 8,000 people, yun na yun. Kasi isang gabi lang siya, e. 'Tapos very niched, para sa fans, para sa family, para sa friends. 'Tapos, sa nangyari, masaya yung tao. We have a very good special to air on Sunday [August 31]. Very strict ang Araneta sa policy nilang 'no ticket, no entry'.

Continue reading below ↓

"And then the movie ni Richard at saka ni KC, marami...even Mother Lily [Monteverde] says maganda yung performance ng movie. E, di mabuti, congratulations"

Naikuwento na tuloy ni Ms. Wilma na hindi nakapasok ang two busloads of fans from Laguna dahil walang tiket. Nagbakasakali lang ang grupo, pero kahit may uupuan pa sila sa Big Dome, wala silang tiket dahil ubos na ang na-issue na tiket, kaya hindi rin sila nakapasok.

Nasagot din ang tanong ng PEP at ibang press kung bakit sobra ang higpit ng security sa gabi ng birthday special. Noong rehearsal pala, may nahuli ang production na lalaking may baril na nasa loob ng Araneta.

Sabi ni Ms. Wilma, naiwan ng lalake ang baril sa CR at nakita ng isang staff ni Direk Louie Ignacio nang mag-CR ito. Binalikan ng lalake ang baril sa CR, kung saan nandun pa ang staff. Naka-fatigue ang naturang lalake at kahit hindi tinanong, nagpakilala siyang security at saka nagmamadaling lumabas. Sinundan ito ng security, pero hindi na nakita. Nasa Big Dome kami that rehearsal night (August 26).

Continue reading below ↓

"CONFLICT IS NOT OUR NATURE." Patuloy ni Ms. Wilma, "Kung may na-mis-inform man, o bugso ng damdamin, hindi namin yun gusto. You can't control the reaction of other people, but what we can control is our own reaction and we choose to keep quiet.

"It is not in our nature para mang-away. We do not do that. Conflict is not our nature. Hindi natin sasadyain na may gagawin tayo para samain ng iba, most especially yung mga artistang inaalagaan natin. You know, we are very happy and very proud na ang pinakamagaling ngayon, nandito sa GMA."

Nagbigay rin ng pahayag si Ms. Wilma sa akusasyon ni Annabelle na hindi tumulong ang GMA-7 sa pagpu-promote ng pelikula nina Richard at KC.

Aniya, "We were there for the cross promotions. Every show na sinabi namin na puwedeng um-appear yung dalawa, nandun, available yung show. SOP lang yata yung hindi natupad, kasi last minute sinabi nila na masyadong maraming mangyayari [sa ASAP '08], male-late yung dating sa SOP. So, fine, hindi nangyari 'yon. Pero even sa SiS kanina, nangyari, 'no? Yun, kung ano ang schedule.

Continue reading below ↓

"Wala kaming minamasama, yung bugso ng damdamin ng iba, hindi namin yung maku-control. And also, I do not want to indulge in yung mga schemes and mga fabrications, yung mga ganun. I do not want to go there. Kasi that is not the right way to approach things, di ba?"

Hindi pa raw nagkikita at nagkakausap sina Ms. Wilma at Annabelle. Huli silang nagkita sa birthday ng common friend nila. Nagbeso-beso raw sila at sinabi sa kanya ni Annabelle na galit ito sa kanya at nag-explain si Ms. Wilma na walang ibang schedule at nag-okay ang ina Richard. Pero the following day, galit na naman daw si Annabelle.

Ms. Wilma was asked if personally, disappointed siya kay Annabelle.

"Kung kilala mo ang isang tao, pati reaction niya, mapag-aaralan mo na. Will you worry? Will you be scared? You know how you will react and I'm okay. Ang energy niya, malakas at ayaw kong sabayan, it's not going to be productive at walang pupuntahan," sagot ng lady executive.

Continue reading below ↓

Inalam din ng entertainment press kay Ms. Wilma ang reaction niya o ng network sa ipinahayag ni Sharon Cuneta sa Sharon nang mag-guest doon si Annabelle kasama sina Richard at KC. (Click here to read related article.)

"Tingin ko, nadala rin lang siya ng damdamin. Sana maunawaan niya na there was no malice intended...wala talaga! As I said, I cannot control how other people will react," saad niya.

Naintindihan din ni Ms. Wilma kung bakit siya ang inaway ni Annabelle. Siya nga naman kasi ang head ng Entertainment TV group ng Kapuso network.

"Kahit ako, nire-report lang sa akin... 'O, Mam, eto yung schedule, eto yung available date, eto yung mangyayarai, ganyan...' So, ang importante sa akin, content, e. I am responsible and I will stand by it. I will be the one to explain for the department, for the network when it comes to entertainment television. I will be responsible for that," mariin niyang sabi.

Continue reading below ↓

RICHARD'S FUTURE IN GMA-7. Kinumpirma ni Ms. Wilma na hanggang 2010 pa ang kontrata ni Richard sa GMA-7, pero nakiusap na hindi siya puwedeng magsalita tungkol dito dahil sa confidentiality clause."

Sa interview sa kanya ng isang broadsheet, nabanggit niyang "prepared for eventuality" ang network kung totoong ipu-pullout ni Annabelle si Richard sa kanila.

"Oo, ia-address mo yun. ‘Pag may ginawa, you have to be prepared what to do next. Pero hindi ibig sabihin na prepared kaming mawala si Richard, hindi yun ang ibig kong sabihin and that's why we have a contract.

"Kung iniisip ninyong naligalig kami, wala. Kung wala kang masamang intention, hindi ka maliligalig. Inuulit ko ang pagsasabing sa mga nangyari, walang malisya yun. Kung may sumama ang loob, humihingi ako ng paumanhin doon. Hindi mo rin gustong may negative reaction. Kung hindi ka man naintindihan or they were misinformed and for their being negatively affected, sorry," lahad ni Ms. Wilma.

Continue reading below ↓

Ibig bang sabihin nito ay nagso-sorry siya kay Annabelle?

"Hindi ako nagso-sorry sa kanya," paglilinaw ni Ms. Wilma. "I am sorry not because I'm at fault. I feel sorry for how they reacted to it, nagalit sila, nagkaroon ng bugso ng damdamin. Pero there's no malice intended."

Ayon pa sa GMA-7 executive, pamilyar na raw siya sa ganitong bugso ng damdamin ni Annabelle, lalo pa't matagal na rin siya sa industriyang ito.

"Mahirap din yung sasabihin mo na, 'Sige, tanggapin mo na lang lahat 'yan.' Hindi ko tinatanggap 'yon. Kailangan klaro kasi 'yon. Hindi ko tinatanggap lahat 'yon, hindi ko lang papatulan," mariing sabi ni Ms. Wilma.

Si Ms. Wilma na rin ang nag-open sa general impression na takot ang network kay Annabelle, na itinanggi nito. Madalas daw kasing ipinapanakot ni Annabelle na ipu-pullout niya si Richard sa GMA-7.

"Hindi takot ang network kay Annabelle Rama, hindi. We have a professional relationship that we implement as best as we could."

Continue reading below ↓

Takot ba silang mawala si Richard sa GMA-7?

"Hindi ko ‘yan sasagutin. Mahal ng network si Richard, we have no problem with him."

Sa sinasabing rivalry nina Richard at Dingdong, sabi ni Ms. Wilma, okey ang professional rivalry, pero hindi kailangang maging magkaaway ang dalawa.

"We are very happy and very proud na dalawa sa pinakamagaling na talents ay nandito sa GMA," pagmamalaki ni Ms. Wilma.

Narito ang panghuling pahayag ni Ms. Wilma: "The general viewing public, the viewers are the boss. Hanggang magaganda ang show na ginagawa ninyo, wala silang pakialam sa away. Gusto nila ma-entertain ng good show. At the end of the day, kung pangit ang show mo, hindi ka panonoorin. Mabuti na lang, magaganda ang shows namin at magagaling ang talents ng GMA."
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Hindi takot ang network kay Annabelle Rama, we have a professional relationship that we try to implement as best as we could," says Ms. Wilma Galvante about Annabelle Rama (inset), mother and manager of Richard Gutierrez.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results