Alessandra de Rossi cites lack of work as reason she left GMA-7

IMAGE 0


"Walang anim na buwan, pero yung huling soap ko kasi sakanila, maliit lang ang role ko. Minsan once every two weeks lang ang tapingko. Pero sa totoo lang, naging mahirap din sa akin ang magdesisyon," explains Alessandra de Rossi about her decision to leave GMA-7 and move back to ABS-CBN.



Guest starring role lang si Alessandra de Rossi sa I LoveBetty La Fea, ang pinakabago at sinasabing pinakamagarbong series ng ABS-CBN, naPinoy version ng sikat na Colombian TV series.

Nakausap ng PEP (PhilippineEntertainment Portal) si Alex sa ginawang set ng Betty La Fea, ng Ecomoda Manila, sa 11thFloor ng ELJ Bldg. last night, August 28, for the grand press conference of the seriesstarring Bea Alonzo and John Lloyd Cruz.Magsisimula na ito sa Primetime Bida ng ABS-CBN sa September 8.

After ng guest-starring role niya sa I Love Betty La Fea,Alessandra will start her own soap opera on ABS-CBN.

"Iba naman siya, drama siya. Masasabi kong ibang-iba siya samga ginagawa kong huli na puro mga fantasies ang ginawa ko. Maiba naman itothis time. Alam ko na medyo fit ang pagka-kontrabida niya. Kasi,bida-kontrabida. Hindi tipong galit lang siya nang walang dahilan. Ito yungtipong malalim ang pinanggagalingan ng character," kuwento ni Alessandra.

May mga gusto ba siyang makatrabaho ngayong nasaABS-CBN na ulit siya?

"Siyempre, sina Piolo Pascual, although nakatrabaho ko namansiya sa Manila, yung [indie] movie na siya ang nag-produce. And then, sina JohnLloyd Cruz, Bea Alonzo, okey na, nagawa ko na. Si Anne Curtis, gusto kosiyang makita kasi nami-miss ko na siya. At saka si Angel Locsin, gusto kong reunion!" at saka tumawa nang tumawa ang dating Kapuso star.

WHY SHE LEFT GMA-7. Naniniwala raw si Alessandra na naiintindihan naman siya ngmga tao kung bakit niya kinailangang umalis sa GMA-7 at ito ay dahil kailanganniya kasing magtrabaho. Pero aminado siyang matagal na siyang may offers from the Kapamilya network.

"Oo, matagal na," sabi ng young actress. "Pero noong timekasi na yun, palaging may pumapasok na isang show. E, ang huling soap kosa kanila [GMA-7], April pa, which is ang tagal ko nang walang ginagawa, soyun."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero direktang sinagot ni Alex ang nagsulat at pinaratangansiyang "ingrata" dahil sa desisyon niyang lumipat.

Aniya, "Hindi ko alam kung paano mo nasabi 'yan! Humarapka sa akin ngayon at sabihin mo kung paano mo masasabing ingrata ako sa kahitna anong paraan! Kasi, wala akong makitang dahilan para masabihan ng ganoon.And in fairness naman sa lahat ng lumapit sa akin, walang nagsabi na mali angdesisyon ko at sigurado nga ako na nasa tama naman ako."

Matagal din daw kasi siyang natengga sa GMA-7.

"Walang anim na buwan, pero yung huling soap ko kasi sakanila, maliit lang ang role ko. Minsan once every two weeks lang ang tapingko. Pero sa totoo lang, naging mahirap din sa akin ang magdesisyon.

"Kasi, dalawa ang pinag-anuhan ko, e—saying no and sayinggoodbye. Kapag nag-yes ako rito [ABS-CBN], goodbye ang ibig sabihin nun. E,mahirap mag-no sa isang napakagandang offer. Parang, hay, good luck! Peronaniniwala naman ako na kung sinuman ang naka-bonding ko roon [GMA-7], mga kaibigan konaman silang tunay at makikita at makikita ko pa rin sila ulit," saad niAlex.

BEING BACK IN ABS-CBN. Kumusta naman siya ngayon sa Kapamilya network?

"Masaya, medyo hirap lang ako kasi medyo mahigpit ang mgaguards dito. May konting kasamaan ang ugali. Kailangan mo ng ID at kapag walakang ID, hindi ka nila kilala. E, wala pa kong ID kaya medyo inookray pa nilaako! Like, ‘Bawal po kayong pumasok dito.' E, di lilipat nalang! Although, naiintindihan ko naman kasi yun ang patakaran dito.

"Pero naiintindihan ko naman, like si Bea, super-bait. SiJohn Lloyd na kaklase ko dati noong nandito ako sa ABS...may school dito, di ba?Si Direk Erick Salud na director ko dati sa Cyberkada, parang bumalik lang akonoong 13 ako."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

So, wala nang ilang factor sa kanya?

"May ilang kasi hindi naman nila ako nakitang lumaki. PeroI'm sure, masasabi nilang walang nagbago sa akin. Kung ano ako ngayon, yun ako ten years ago," sabi ni Alex.

GOING BACK TO ITALY. Ipinaaala ng PEP kay Alex na there was a time na sinabiniyang kinu-consider din niya ang bumalik ng Italy. Ano na ang nangyari?

"Yes, pero noong time na yun, dumating ang Darna,e. Hindi ko rin naman siya matatanggihan. Kumbaga, yung pesos, nasa mukhako nung time na yun, e. Bakit naman ako aarte, di ba?

"Pero after nun, nakalimutan ko na. Naiisip ko kapag nalulungkotako. Maraming beses na, ‘O, ano na ang gagawin ko after nito? Siguro, uuwi natalaga ko sa Italy.' Pero tingnan natin kung ano ang pangarap ni God, kasi maramiakong ideas, marami akong gustong gawin. Hindi lang sa showbiz lang, businessor kung anuman," lahad ng young actress.

RHIAN'S VILLAIN. Ang nag-trigger ba para tanggapin niya ang offer ng ABS-CBN aydahil sa offer sa kanya ng GMA-7 na gumanap bilang kontrabida ni Rhian Ramos sa La Lola?

"No! Bakit, logo ba siya ng GMA para matakot ako sa kanya?"diretso niyang sagot. "Hindi naman! Kumbaga, kung anuman ang amin, tapos nasiya, matagal na, more than a year na ‘yan na nangyari. Nagkataon lang talaga."

Pero may lumalabas na nabastos daw kasi siya rito. Totoo baito?

"Well, ikaw ba, kung may kagalit ka, o-offer-an ka na magkontrabidasa umapi sa yo, ano naman ang mapi-feel mo? Well, hindi naman yun angdahilan. Siguro alam n'yo naman na kung ano ang na-feel ko. Kumbaga, ang tagalmong walang project, ‘tapos o-offer-an ka ng role na hindi mo matatanggap. So,anong kakainin ko bukas? Puwede ba akong umalis? Pero hindi ako galit. As in,sobrang naiintindihan ko na baka wala lang silang maisip," pagtatapos ni Alex.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN