Krista Ranillo reveals three-month relationship with John Lloyd Cruz

by Julie E. Bonifacio
Aug 30, 2008
"Oo naman. Kasi okey naman siyang boyfriend noon. Pero, basta happy ako sa lahat ng nangyayari sa kanya. ‘Tapos happy din siya sa relationship niya," replied Krista Ranillo when asked if she still loves ex-boyfriend John Lloyd Cruz.

Almost 13 years ang agwat ng edad ni Krista Ranillo sa boyfriend niya for seven years at director na si Dominic Zapata. Apat na taon nawala sa limelight si Krista at hinarap ang kanyang pag-aaral ng Interdisciplinary Studies sa Ateneo de Manila University. After graduating from college, binalikan ni Krista ang kanyang showbiz career. Kasama ngayon si Krista sa bagong month-long episode ng Your Song na magsisimula na ngayong Linggo sa ABS-CBN.

KRISTA'S LOVE LIFE. Sa presscon ng Your Song kaninang tanghali, Biyernes, napag-usapan namin ang naging love life ni Krista. Hindi itinanggi ni Krista na ang una niyang naging boyfriend sa showbiz ay si Gabby Eigenmann.

"Pero masyado pa ako'ng bata noon. Kaya parang naglalaro lang kami," lahad ni Krista.

Sumunod na naging boyfriend niya si Cogie Domingo. Tumagal sila ng dalawang taon ni Cogie. Pero nagkahiwalay din dahil sa third party. Pero ayaw nang i-elaborate ni Krista kung sino ang third party na involved sa breakup nila ni Cogie.

Continue reading below ↓

"After Cogie, si John Lloyd. Paano ba kami nagkakilala ni John Lloyd? Parang nakalimutan ko ‘ata. Basta nag-guest siya sa kabilang istasyon [GMA-7]. Basta, before pa, after Tabing-Ilog days.

"Nag-guest siya isa lang, parang mga GMA ‘Love Stories' or something. ‘Tapos sila ni Roxanne Barcelo at si Direk Dom pa ang director nila. Kasi si Direk Dom, best friend ko for two years. Tinulungan niya ako kay Cogie.

"'Tapos magkaaway kami ni John Lloyd. Parang magbi-break na kami. Sabi ko sa kanya [Direk Dom]...parang galing naman ako ng taping naman sa Baguio, sa GMA-7, ‘tapos nagti-taping si Direk Dom with John Lloyd, sabi ko, ‘Tagalan mo naman yung eksena ni Lloydie. Pupuntahan ko siya from Baguio. ‘Pag pack-up na, ‘pag pack-up ko, didiretso ako.' So, talagang take five, take five!

"E, magaling naman si Lloydie na artista. Take one, okey na. Siguro nagtataka siya bakit ang tagal-tagal ng eksena? ‘Tapos sabi ko [kay Direk Dom], ‘Huwag mo munang i-take. Parang ipatengga mo muna.' Sabi ko, ‘Tagalan mo, Direk, please tulungan mo lang talaga ako para mag-usap kami ni Llodyie,' ganyan.

Continue reading below ↓

"E, kasi, nag-away kami ‘tapos feeling ko magbi-break kami. Parang yung away na, ‘O, sige break na tayo.' ‘Fine, break na tayo.' Nasa Baguio ako noon nagti-taping. That day, nasa taping sila ni Direk Dom, nagti-taping din ako sa Baguio. So, minadali ko talaga lahat ng eksena ko. Habang nasa Baguio ako nung magkaroon kami ng gap, kasi one month na ako na nandun sa taping," kuwento pa ni Krista.

SO SHALLOW. Bakit nga ba sila nagkagalit ni John Lloyd?

"Parang mababaw lang. Siguro dahil hindi kami nagkikita. ‘Tapos yung normal lang na, ‘O,sige, break na tayo.'

"'Tapos sabi ni Direk Dom, ‘Papano ‘yan isang eksena na lang si Lloydie?' Sabi ko, ‘Tagalan mo, please.' Tamang-tama, pag-pack-up, pag-alis nila, dumating ako. Sinalubong ako ni Direk Dom.

"'Eto hindi ko alam, nakuwento na lang niya [Direk Dom] nung kami na. Pagdating ko raw hindi ko pinansin si Direk Dom. Dumiretso raw ako kay Lloydie. So, ayun, nag-usap kami.

Continue reading below ↓

"Parang, sige nagkabati kami pero, yun nga nung pumunta ako sa States, mga three to six months kami doon, hindi na kami nakapag-usap."

Paano ba sila nagkakilala ni John Lloyd at nagsimula ang love affair?

"Ah, kasi kasama niya ang daddy ko sa Tabing Ilog. Daddy ko is daddy nu'ng someone sa Tabing-Ilog. Nakalimutan ko na kung sino... Kaye Abad ‘ata."

Na naging girlfriend din ni John Lloyd.

"Oo, pero break na sila noon. ‘Tapos si Kaye naman childhood friend ko rin kasi daddy ko at daddy niya, magbarkada."

Ilang months siya niligawan ni John Lloyd?

"Siguro mga four months niya akong niligawan. ‘Tapos naging kami for three months. ‘Tapos pumunta ako ng Amerika. Kaya kami nagkahiwalay kasi pumunta ako sa States noon. ‘Tapos nag-message pa nga siya sa The Buzz na ‘I miss you,' ganyan-ganyan. ‘Tapos hindi na lang kami nag-usap. Weird nga, e."

Wala silang closure ni John Lloyd?

Continue reading below ↓

"Oo, tapos hindi na kami. Pagbalik ko, nalaman ko iba na ang girlfriend niya. Si Ciara [Sotto] na. Pero okey lang."

Wala raw kasi silang communication ni John Lloyd nung nasa Amerika na siya. And after almost a decade, hindi pa rin daw sila nagkikita ni John Lloyd kahit na parehong nasa ABS-CBN na sila ngayon.

"Kahit si Cogie hindi kami nagkikita ever since nag-break kami."

Na-foresee na ba niya noon na magiging big star si John Lloyd?

"Actually, alam ko na naman ever since, kasi hanga ako sa talent niya. Pero happy din naman ako sa kanya."

WHAT IF? Paano kung balikan siya ni John Lloyd or yayain siyang mag-date para mag-usap at magkaroon ng closure?

"Okey lang," ngiti ni Krista.

Mahal pa rin niya si John Lloyd?

"Oo naman. Kasi okey naman siyang boyfriend noon. Pero, basta happy ako sa lahat ng nangyayari sa kanya. ‘Tapos happy din siya sa relationship niya."

Continue reading below ↓

Hindi kaya mag-away si John Lloyd at ang current girlfriend nitong si Liz Uy dahil sa kanya?

"Ay, hindi. Okey naman si Liz, e. Hindi kami close, pero I know of her. Pero ayokong mag-away kami ng girlfriend ni Lloydie."

Wish ni Krista na magkasama sila ni John Lloyd sa mga projects sa ABS-CBN. Pero hindi naman kaya ang boyfriend niya na si Direk Dom ang magalit kay Krista?

"Hindi," paniniyak ni Krista.

But what if magkatrabaho sila ni John Lloyd sa I Love Betty La Fea at isa siya sa mga babae ng character ng actor, pagkatapos ay magkaroon sila ng kissing scene, okey pa rin kaya ito kay Direk Dom?

"Ah, baka magseselos na talaga ‘yon."

MEETING JOHN LLOYD. Kasabay ng presscon ng Your Song sa 14th floor ng ELJ Building sa ABS-CBN kahapon ng tanghali, Biyernes, ang taping ng I Love Betty La Fea sa 11th floor ng same building. Biniro namin si Krista kung type niya na dalawin si John Lloyd sa taping nito sa ibaba.

Continue reading below ↓

"Saan yun? Sa baba lang? May banyo ba doon," nakangiting tanong ni Krista.

Ano kaya ang magiging reaksyon niya kapag nagkita sila ni John Lloyd?

"Magha-‘hi!' ako sa kanya."

Kikiligin kaya siya kapag nakita niya ang kanyang ex-boyfriend na walang closure?

"Oo, pero ewan ko. Hindi ko alam kung ano talaga ang magiging reaksyon ko kapag nakita ko siya. Hindi pa kasi kami nagkikita at hindi kami nagkausap," bitin na pagtatapos ni Krista.

Read Next
Read More Stories About
Krista Ranillo, John Lloyd-Cruz
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Oo naman. Kasi okey naman siyang boyfriend noon. Pero, basta happy ako sa lahat ng nangyayari sa kanya. ‘Tapos happy din siya sa relationship niya," replied Krista Ranillo when asked if she still loves ex-boyfriend John Lloyd Cruz.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results