John Lloyd Cruz blushed at possibility of working again with ex-girlfriend Krista Ranillo

by Julie E. Bonifacio
Aug 30, 2008
John Lloyd Cruz confirmed that he and Krista Ranillo had a relationship but got the number of months they were together different from Krista's count.


Agad na nakuha ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang reaksyon ni John Lloyd Cruz sa mga pahayag ng ex-girlfriend niya na si Krista Ranillo sa presscon ng Your Song kahapon ng tanghali, Biyernes. Hindi sinasadyang inabutan pa kami ni John Lloyd sa Grams Diner sa ABS-CBN Loop pagkatapos ng presscon ng Your Song.

Gulat pero nakangiti si John Lloyd habang isa-isa naming nire-reveal sa kanya ang mga sinabi ni Krista about him. Hindi naman itinanggi ni John Lloyd ang naging relasyon nila ni Krista noon.

"Oo, mga seven months. Pero matagal na ‘yon," lahad ni John Lloyd.

Dito, mukhang nagkaiba lang sila ng bilang sa tagal ng kanilang short-lived romance.

Three months kasi ang sinabi ni Krista na tumagal ang kanilang relasyon ni John Lloyd at four months siyang niligawan ng aktor. It could be na isinama na ni John Lloyd ang pagbilang sa sinasabi ni Krista na courtship nila noon.

Continue reading below ↓

Iisa ang comment ng ilang entertainment press na nakausap ni Krista sa presscon ng Your Song at ito ay ang malaking pagkakahawig sa pisikal na katangian ng current girlfriend ngayon ni John Lloyd na si Liz Uy kay Krista.

May nagsabi naman na si Krista ang mas pinaganda at pumuti na version ni Liz.

"Talaga? Hmmm..." reaksyon ni John Lloyd.

Pagkatapos ay ipinakita namin kay John Lloyd ang FHM kung saan cover si Krista na nakasuot ng two-piece swimwear.

"Meron ako niyan," sabi ni John Lloyd. "Nakita ko yung loob."

Sa kabila nito, mas marami ang ngiti na sagot si John Lloyd sa aming tanong. Nag-blush naman siya when PEP mentioned to him the possibility na magkatrabaho sila ni Krista sa I Love Betty La Fea.

And then, kinuha namin ang reaksyon ni John Lloyd sa sinabi ni Krista na boto sa kanya ang mga magulang ng dating kasintahan.

"Good boy kasi talaga ako," nakangiting tapos ni John Lloyd.

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
John Lloyd Cruz confirmed that he and Krista Ranillo had a relationship but got the number of months they were together different from Krista's count.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results