Zanjoe Marudo sees himself married by age 30

IMAGE 0


"Kung susuwertehin, sa edad na 30, para naman bata paako, at ma-enjoy ko ang aking mga magiging anak," says Zanjoe Marudo.



At 26, nakikita ni Zanjoe Marudo na magpapakasalsiya at lalagay sa tahimik after four years. Gusto nga raw niyang makapagpatayong bahay rito sa Maynila, pero kung bibigyan siyang layang mangarap, siyempre, ang gusto niya ay sa Forbes ang kanyangmagiging tahanan.

"Pero, hindi pa naman dumadapo sa utak ko angkasal," sabi pa ni Zanjoe nang usisain siya ng PEP (PhilippineEntertainment Portal), lalo na't malaganap na ang chikang sila na nga ni Mariel Rodriguez.

"Kung dumating ang point na mapapag-aral ko ang mgaanak ko sa magagandang eskuwelahan, yung point na hindi kami namumroblema sapera, palagay ko, yun na ang time na pupuwede na siguro.

"Yung iisipin mo naman ang sitwasyon kung magkakaroonna ng mga anak at kung ano ang magiging future nila," sabi pa ni Zanjoe.

Ayaw niyang makita ang mga anak niyang dumaranas ng hirapdahil nagkulang siya sa paghahanda at pagsisikap. Nakikita nga ni Zanjoe naposibleng mag-asawa na siya sa edad na 30.

"Kung susuwertehin, sa edad na 30, para naman bata paako, at ma-enjoy ko ang aking mga magiging anak," nangingiting sabi pa ngmodel turned actor.

Napansin nga ng ilang reporters sa interview kay Zanjoe sa9501 Restaurant na pinapauso niya ang bowtie bilang fashion accent.

"Wala lang," aniya. "Napapansin ko lang kasina wala pang gumagawa ng ganito. Puro naka-necktie ang nakikita ko, atnababasa ko kasi sa fashion magazines, in ang ganito, at may mga nakita na rinkasi ako sa Amerika nang mag-tour kami roon ng Coverboys."

Tinatanong tuloy kay Zanjoe kung sino sa kanila nina Rafael Rosell, Jon Avila,at Victor Basa na nagsitungo roon ang parangnagpaka-wild.

"Walang naging wild," sabi pa ni Zanjoe."Naging matino naman kami roon. Sa show lang kami talaga humahataw, atyung mga nanonood sa amin ang nagiging wild kapag darating na sa number nanaka-underwear lang kami at naghuhubad na ng shirt."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Among the Coverboys na kasama roon, si Zanjoe angbukod-tanging first-timer. Nagkaroon tuloy siya ng pagkakataong madalaw ang amaniya sa New Jersey.

"For me, yun na ang most exciting part ng trip, at kayamost memorable sa akin ang una kong pagpunta sa U.S."

Hindi naman niya nakalimutan si Mariel dahil sa pagbabalikniya, pinasalubungan niya ito ng damit.

Hindi naman daw underwear ang ibinigay niya kay Marieldahil, "Hindi ko alam ang sukat niya!"


Ikinatawa tuloy ito ng maraming intrigera.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN