Pokwang confident she will not get booted out of "Wowowee"

IMAGE 0


"Hindinaman. Walang ganun. Hindi. Kasi nakikita naman nila kung gaano ko kamahal angtrabaho ko at hindi ako nagbibigay ng problema," says Pokwang who's veryconfident she will not get the boot from Wowowee.



Naging week-long ang selebrasyon ng komedyanteng si Pokwang sa rami ng mganagmamahal sa kanya. Last Tuesday, August 26,sinalubong ni Pokwang at ng mga malalapit sa komedyante ang kanyang kaarawan.Kinabukasan pa, August 27, actually, ang talagang birthday ni Pokwang. Secretnaman daw kung ilang taon na siya.

"Wishko sana wala nang network war...etchos! World peace. And sa career, wala na akongmawi-wish pa. Kuntento na ako sa trabaho ko.

"Ah,sa mga nagmamahal sa akin, yun na lang. Ang pamilya ko, sana walangmagkakasakit, buo kami...okey na sa akin ‘yon ng bonggang-bongga.

"Atsa ABS-CBN, ang wish ko, sana lalong yumabong. Yung mga sumuporta at tumulongsa akin sana gabayan pa sila ni Lord para magkasama-sama pa kami ng matagal,"dalangin pa ni Pokwang nang makatsikahan ng PEP (Philippine EntertainmentPortal).

Overflowingtalaga ang saya ni Pokwang.

"Celebrationkasi ito, 'no. Ito kasi yung...we're blessed. Naramdaman ko yung lahat ngnagpunta ngayon dito, lahat ng nakita ninyo, ito talaga yung mga nakatulong saakin. Ito yung talagang pinasasalamatan ko ng bonggang-bongga. Sila yungmga naging parte ng buhay ko kaya natupad ang mga pangarap ko."

Yunna rin daw ang way ni Pokwang bilang pasasalamat sa magagandang dumating sabuhay niya. Isang malaking blessing din kay Pokwang na nalampasan niya angpagsubok nung magkaroon siya ng isyu sa dalawang bigating celebrities nasina Annabelle Rama at Joeyde Leon.

"Ay,ano ‘yan, kumbaga ‘yan sa nilulutong putahe, spice ‘yan. Dagdag pampasarapsa buhay. Hindi ko kinukuha ang negatibo. Leksyon lang ‘yan para sa akin.Sa rami ng blessings huwag nang magreklamo. So, yung nangyari sa amin niMr. Joey de Leon, kumbaga inspirasyon. Para mas lalo kong pagbutihin ang trabahoko."

GETTING BOOTEDOUT OF WOWOWEE. Sa hulingpananalita ni Joey kay Pokwang, nasabi raw ng TV host na any moment puwedengmawala sa Wowoweesi Pokwang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"In fairness naman kay Papi [Willie Revillame],eto...kung ipinagtanggol niya ako, this time ako naman ang magtatanggol sa kanya.

"Hindiko nakikita sa kanya yun [ang pagtanggal sa kanya sa show ni Willie]. Hindi korin nararamdaman sa kanya ‘yon. Ang nakikita ko sa kanya pinu-push niya kamipara maging...alam mo ‘yun? Ma-develop ang pagiging host at saka yungpagmamahal sa trabaho dahil grabe siya, e. Alam mo ang aga-aga niyapumasok."

Sisikatdaw kasi si Pokwang dahil nagkaroon siya ng isyu kay Joey. At ang sabi, kapagsikat na, saka naman daw natatanggal sa show ni Willie na Wowowee.

"Hindinaman. Walang ganun."

Confidentba siya na hindi siya matatanggal sa show?

"Hindikasi nakikita naman nila kung gaano ko kamahal ang trabaho ko at hindi akonagbibigay ng problema."

PIOLO AND SAM. Ano pa angine-expect niya sa kanyang career?

"Ine-expectko sana makatrabaho ko na yung mga pinapangarap ko na makatrabaho."

Gayanino?

"Dependesa istorya. ‘Pag halimbawa, romance-comedy, it's either Piolo [Pascual] orSam [Milby]," tapos ni Pokwang.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN