Singer Ronnie Liang denies courting Sarah Geronimo

Sep 1, 2008
"Ang masasabi ko lang, crush ko talaga si Sarah. Ayoko na lang magdagdag pa ng statement kasi ayoko namang masabihan na ginagamit ko lang si Sarah for my publicity. Meron na ngang lumalabas na isyu na ganun kaya ayoko nang lumaki pa. Dahil hindi naman po totoo," says Ronnie Liang about rumors that he is courting Sarah Geronimo (inset).

Malakas ang ugong-ugong na isa sa mga masugid na manliligaw ngayon ng Popstar Princess na si Sarah Geronimo ay ang Pinoy Dream Academy Season 1 third placer na si Ronnie Liang. Magkasama rin ang dalawa sa Sunday variety show ng ABS-CBN, ang ASAP '08.

Nang matiyempuhan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Ronnie sa press launch ng I Love Betty La Fea, kung saan isa siya sa cast, ay hiningan namin siya ng pahayag tungkol dito.

Totoo bang nililigawan niya si Sarah Geronimo?

"Ang masasabi ko lang, crush ko talaga si Sarah. Ayoko na lang magdagdag pa ng statement kasi ayoko namang masabihan na ginagamit ko lang si Sarah for my publicity. Meron na ngang lumalabas na isyu na ganun kaya ayoko nang lumaki pa. Dahil hindi naman po totoo," paliwanag ni Ronnie.

Dagdag niya, "Kasi kapag love mo ang isang tao, hindi ganun, e. Ako kasi naniniwala na kapag mahal mo ang isang tao, dapat walang gamitan. Dapat nandun yung respect, yung devotion."

Continue reading below ↓

Nagbabatian ba sila ni Sarah sa ASAP?

"Lagi naman po kaming nagbabatian. Wala namang nagbago sa pagkakaibigan namin."

So, may ginagawa na ba siyang move?

"Ayoko nang mag-elaborate about my love life kasi napi-preempt lang minsan. ‘Tapos sasabihan ka pa na nanggagamit. Ang masasabi ko lang, friends kami ngayon ni Sarah. We respect each other. Happy naman kami sa friendship namin," saad ni Ronnie.

Since ayaw nang pag-usapan ni Ronnie ang tungkol sa panliligaw kay Sarah, hiningi na lang ng PEP ang komento niya tungkol sa pagkakasama niya sa I Love Betty La Fea.

"Masayang-masaya ako. First time teleserye ko ito, 'tapos isa pang malaking project. Hopefully magampanan ko nang maayos yung role ko as Enrique. Yung role ko rito is mabait na HR Manager. Isa ako sa mga boss ni Betty. Una kasing role ko dapat is yung womanizer, pero pinalitan nga ng present role ko," pagtatapos ni Ronnie.

Continue reading below ↓
Wish din ni Ronnie na masundan pa ito ng iba pang acting projects.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Ang masasabi ko lang, crush ko talaga si Sarah. Ayoko na lang magdagdag pa ng statement kasi ayoko namang masabihan na ginagamit ko lang si Sarah for my publicity. Meron na ngang lumalabas na isyu na ganun kaya ayoko nang lumaki pa. Dahil hindi naman po totoo," says Ronnie Liang about rumors that he is courting Sarah Geronimo (inset).
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results