Pauleen Luna says no third party caused breakup with ever-busy Mayor Gatchalian

IMAGE 0


Young actress Pauleen Luna took the hot seat on Showbiz Central's "Don't Lie To Me" segment, where she answered with four truths and two lies.



Bago maisalang sa lie-detector test, inisa-isa muna ngShowbiz Central ang mga lalaking naugnay kay Pauleen Luna mula noon hanggangngayon. Ilan sa kanila ay sina Keempee de Leon, Marvin Agustin, Mark Herras, JCde Vera, Gab Valenciano, Diether Ocampo, at Mayor Sherwin Gatchalian.

Sa "Don't Lie To Me" segment ni John "Sweet" Lapus saShowbiz Central noong Linggo, August 31, mahuhulugan ng kung anumang bagayang itinuturing ni Pauleen na "ate" at co-host niya sa Eat Bulaga! na si RubyRodriguez every time na "Lie" ang lalabas sa lie-detector machine sa magigingsagot ni Pauleen. Si Ruby raw kasi ay hindi lamang party and gimmick buddy,pero confidante din ng young actress.

Ang unang tanong ni Sweet kay Pauleen ay kung totoo ba nahindi masyadong pabor ang mga magulang niya kay Marvin Agustin kung kaya silanag-break.

Hindi naman itinanggi ni Pauleen at "Yes" agad ang sagotniya. True enough, sumang-ayon naman ang lie-detector machine sa kanya.

Nang i-follow-up ni John ang tanong kay Pauleen, tumangginang magbigay ng pahayag ang dalaga. Paliwanag niya, "I don't wanna tackle na thatsubject. But everyone knows naman na we broke up because I followed myparents."

Ikalawang tanong ni Sweet kay Pauleen ay kung totoo ba napinagselosan siya ni Kristine Hermosa noong balitang nali-link siya kay DietherOcampo.

"Yes" ang sagot ni Pauleen na sinang-ayunan muli nglie detector. Pero hindi na nag-follow-up pa si Sweet dahil, aniya, opinion lang naman daw yun ni Pauleen.

Sa ikatlong tanong, nasabi raw ni Michelle na napagbintanganito ni Pauleen na tumatawag-tawag kay JC noong sila pa. Totoo ba na pinagsabaysilang dalawa ni JC?

Pauleen answered "No," pero "Lie" and lumabas sa lie detector. Dahil dito, nahulugan sa unang pagkakataon si Ruby ng chocolate drink.Umapela si Ruby at sinabihan ang inspector na ayusin daw dahil hindinagsinungaling si Pauleen.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tuloy, naitanong ni John kung sa backstage ng ShowbizCentral ay nagkita, nagkasalubungan, at nagkapansinan sila ni Michelle, naguest din that afternoon. Sinagot ito ni Pauleen ng "No."

Paliwanag ni Ruby, "Hindi naman sila nagkasalubungan.Nakaupo na si Pauleen noong dumating siya. Hindi lang nagpansinan kasi naka-shadessi Michelle, baka hindi lang nakita [si Pauleen]. E, nakaharang pa ako kayPauleen!"

Nag-follow-up si Sweet kay Pauleen na hindi lang silanagpansinan, pero hindi rin ba sila magkaaway? Instead na sagutin ito ni Pauleenng yes or no, smile lang ang isinagot ng young actress.

"Nakakaloka!" tili ni Sweet, sabay sabi na nate-tension siya.

Ang ika-apat na tanong naman ay kung totoong nag-date ba sila ni GabValenciano recently.

Pauleen answered "No." Result: "Lie." This time,dinurog na cheese curls naman ang nahulog kay Ruby. Apela ni Ruby, "Alam n'yosiguro, nagulat lang sila dahil totoong nagkita sila sa Embassy. Totoongnagkita sila dahil yung araw na yun, hindi ako nakasunod. Inuna ko ang trabaho.‘Tapos, nagkita nga sila. Ikinuwento niya [Pauleen] sa akin kaagad na nagkita sila."

Dagdag ni Pauleen, "We were actually 12 people. ‘Tapos siGab, hindi ko siya kasama, ibang grupo ang kasama niya."

Balitang kakulangan ng time ang dahilan ng hiwalayan nila niMayor Gatchalian, pero totoo rin ba na third party talaga ang rason ng kanilanghiwalayan?

"Very much No," ang mabilis na sagot ni Pauleen atsumang-ayon naman ang lie detector.

Paliwanag niya, "We're both busy. We all know naman na he'sa mayor of Valenzuela. He's very devoted with all his constituents and helpinghis city grow more, so very busy talaga."

Kilala rin daw ni Pauleen yung constituent ni Sherwin nanali-link dito ngayon. Pero aniya, hindi raw yun totoo. Besides, up to now aymay communication at nag-uusap pa rin daw sila ng Valenzuela mayor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN