Richard Gutierrez talks about being "vain"

IMAGE 0

Richard Gutierrez: "My brother [Raymond] always tells me that I need to be more vain."


Nakasuot si Richard Gutierrez ng pink noong binuksan ang bagong branch ng Flawless sa Greenhills Shopping Center noong ika-14 ng Setyembre.

Ang bungad niya, “I’m very comfortable wearing pink and I think every man should be comfortable. At kung wala kang itinatago, why not wear pink? Only a real gentleman wears pink.”

Bago ito nag-cut ng ribbon kasama si Katrina Halili, umikot muna sa buong shopping center si Richard habang nakasakay sa kanyang top-down sports car.

“It’s exciting and fun. At the same time, nakita ko yung maganda nilang boutique. Paminsan-minsan nagpupunta ako sa clinic nila but not on a regular basis. Meron akong mga products nila na ginagamit ko,” saad niya.

Tungkol naman sa kanyang pananaw pagdating sa image ng isang tao, sinabi niyang mas "conscious" ang mga tao ngayon.

Aniya, “I think people nowadays are more conscious of how they look and how they present themselves. And I think nowadays kasi, it’s all about how you present yourself, you know. If you look good, if you look sharp, I think people will accept or look at you differently. So, I think people are more conscious about how they look and I’m just glad that I’m part of that team that does that.”

Maiko-consider ba niyang vain siya?

“Well, you know what? My brother always tells me that I need to be more vain because si Raymond [Richard’s twin brother], very metikuloso talaga siya," ang sagot ng Codename: Asero star.

Sa pagpapatuloy niya, "As an actor and as an endorser of Flawless, I need to take care of my skin and the way I look. And guys look up to me, the teens look up to me, so I have that responsibility to always look sharp and good. It’s part of my job."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa kanyang napaka-busy schedule, may panahon pa ba siyang mag-unwind?

“Well, you know, I had one day off and I honestly didn’t know what to do because hindi ko alam ang gagawin ko nung magkaroon ako ng libreng araw. Nagpahinga lang ako sa bahay and spent time with my family. Ganun lang, simple lang...” ang kanyang pagtatapos.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN