Piolo Pascual welcomes Richard Gutierrez, if he transfers to ABS-CBN

IMAGE 0


"Masmaganda nga yun, e. Mas maganda, mas marami yung competition. Mas maramingnabibigyan ng trabaho and, at the same time, I think kung wala kang karibalo kalaban, hindi masaya. So, I think we can all benefit from it, John Lloyd[Cruz], Sam [Milby], Dingdong, Richard, all of us," opines Piolo Pascual whenasked hypothetically about Richard Gutierrez's transfer to the Kapamilyanetwork.


Confident si Piolo Pascual na patuloy pa ringtatangkilikin ng publiko ang tamabalan nila ni AngelLocsin kahit open na ang relasyon ng young actress kay Luis Manzano. In fact, napakalakas ng feedback sakauna-unahan nilang tambalan sa telebisyon, sa teleseryeng Lobo ng ABS-CBN, kaya naman binigyan agad sila ng first movieproject ng Star Cinema Productions.

"Eversince we started our love team, our team-up, wala namang I think nakakapekto sarelationship namin or sa team-up namin. Actually, lumakas pa nga becauseang dami nung love team na thread sa Pinoy Exchange [website], may grupo sa iba'tibang parte ng mundo. So, hindi ko naman nakitaan na may conflict. And besidesLuis and I are friends. Every Sunday we see each other sa show," lahad niPiolo.

BELIEF IN DESTINY. Masayaraw si Piolo para kina Angel at Luis. Kung happy si Angel kay Luis, kumustanaman ang puso ni Piolo? Ano na ang nangyari sa churchmate niya na gusto sananiyang ligawan?

"Wala na siya dito, e. She's from here. But actually she's based in some otherparts."

Hindi siya nanghinayang na nawala yung girl?

"Well, I believe in perfect timing. I believe in destiny. I believe if it's foryou, it's gonna happen."

Okey lang daw kay Piolo kung hindi pa dumarating ang babaeng para sa kanya. Bising-busy pa rin naman daw siya sa kanyangcareer.

"Kasi sa sampung taon ko na pagtatrabaho, grabe, para akong kabayo. Daig ko paang kabayo, di ba? Sa grabe ko magtrabaho, hinahanap ng katawan ko.Kapag nagbabakasyon ako sa Amerika ng two weeks nami-miss ko yung trabaho.

"Pero nowadays po, at least po in between work nakakapag-prepare ako before Istart a new show, a new movie. So, at least there's time to... may downtime todo other stuff, like for instance this movie with Angel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"After Lobo I was planning to do anindie film habang nagtri-train ako for the movie, natapos ko po yung Manila. Natapos ko siya ng hindi kosinasadya. Dapat mag-a-adjust ako habang gingawa ko yun sa movie na gagawinnamin ni Angel. E, natapos ko siya. Sa sobrang kaadikan ko sa trabaho, aftertraining dumidiretso ako sa location."

BORROWING PIOLO. Nabanggit ng Regalmatriarch Mother Lily Monteverde na hindi na niya itutuloy ang demandakay Angel Locsin at ang kapalit nito ay ang pagpapahiram sa kanya ng StarCinema either kay Piolo or John Lloyd Cruz paraitambal kay Marian Rivera.

"Exclusive po ako sa Star, e. ‘Pag pinahiram po... Pero nakapirma ako sa Starng three pictures, three years. Depende po kay Tita Malou [Santos, ManagingDirector ng Star Cinema]."

Kapag natuloy ang tambalan nila ni Marian lalong iigting ang kumpetisyon nilani Dingdong Dantes.

"No, Dingdong and I are friends. I have no issues against the guy. I actuallyadmire him because grabe rin naman ang pinagdaanan ni Dingdong. Kungmagkaroon man ng competition, it will be a healthy competition. Both of us willbenefit from it."

RICHARD'S TRANSFER. E, kung lumipatnaman kaya si Richard Gutierrez sa ABS-CBN, okeyba sa kanya?

"Bakit naman po hindi? Sa Star Cinema nakagawa siya, e. I never had anyproblems. Ako naman ang taong hindi maisyu, e. The more, the merrier, aslong as we can provide jobs to a lot of people, not just to actors butto our production staff or crew, well and good."

Sa tingin niya hindi sisikip ang mundo nila sa ABS-CBN kapag lumipat siRichard?

"Mas maganda nga yun, e. Mas maganda, mas marami yung competition. Mas maramingnabibigyan ng trabaho and, at the same time, I think kung wala kang karibalo kalaban hindi masaya. So, I think we can all benefit from it, John Lloyd[Cruz], Sam [Milby], Dingdong, Richard, all of us."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi kaya siya mai-insecure kung mas mataas ang makuhang talent fee ni Richardkesa sa kanya kapag lumipat na ang kapatid ni RuffaGutierrez sa ABS-CBN?

"Ah, I'll cross the bridge when I get there," pagtatapos ni Piolo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN