Rhian Ramos expects controversy each time she has new project

by Rose Garcia
Sep 3, 2008
"Naku, ganoon naman talaga, di ba? Usually naman kapag may mga blessings, may kasama rin ‘yang intriga. Pero willing naman akong tanggapin yung mga bagay na yun, kasi worth it naman ang blessing, di ba?" says Rhian Ramos.

Kahapon, September 2, ay ini-launch si Rhian Ramos bilang kauna-unahang celebrity endorser ng B Club, na ang mga produkto ay mga sapatos at bags. Kamakailan lang ay si Rhian din ang napiling first celebrity endorser ng Sabella dress apparel.

Tila nagiging paborito yata siyang kunin bilang "first" endorser ng mga advertiser. Ano ang masasabi ni Rhian dito?

"Actually, hindi ko alam kung bakit ako. Basta masaya lang ako kaya hindi ko na ikukuwestiyon!" natatawa niyang sabi sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

"Flattering lang talaga," patuloy ni Rhian. "Wala akong masabi, natutuwa lang talaga ako. Siyempre, sino ba naman ang hindi matutuwa? Isipin mo pang napili kang celebrity endorser ng mga brand na yun, di ba?"

CONTROVERSY MAGNET. Sanay na sanay na si Rhian na tuwing may opportunity na dumarating sa kanya, siguradong may kakambal itong intriga, o may mga tao na pilit siyang gagawan ng isyu. So, ine-expect na raw niya na posibleng may panibagong intriga na naman ngayong may bago siyang endorsement.

Continue reading below ↓

"Naku, ganoon naman talaga, di ba?" sabi ni Rhian. "Usually naman kapag may mga blessings, may kasama rin ‘yang intriga. Pero willing naman akong tanggapin yung mga bagay na yun, kasi worth it naman ang blessing, di ba?"

Iniintriga bang kaya siya nagiging favorite endorser ay dahil tiyahin niya ang head ng GMA Artist Center na si Ms. Ida Henares, at kesyo siya ang binibigyan ng prioridad among the GMAAC talents?

"Oo nga, pero actually, yung mechanics po ng pagpili ng endorser, hindi ko po alam. Ang alam ko po, hindi naman yung manager ang pumipili but a certain brand yata. Ewan ko...wala akong alam. Basta ako, masaya ako na ako yun," nakangiti niyang sabi.

JC & MARK. By next week ay posible na raw magkaroon ng story conference para sa pagbibidahan niyang primetime series sa GMA-7, ang La Lola. A week after ay naka-schedule na sila para sa pagsisimula ng taping. Ayon kay Rhian, sure na siya na sila ni JC de Vera ang magkasama rito, pero hindi pa niya sigurado kung kasama rin si Mark Herras.

Continue reading below ↓

"Yung I.T.A.L.Y. namin ni Mark, lalabas pa naman, so mapapanood nila kami ro'n," banggit ni Rhian tungkol sa pelikula ni Mark. "Pagkatapos nga lang ng project na yun, hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa amin at kung magkaka-project pa kami. Siyempre, sana, kasi we work well naman together."

Sa tingin ba ni Rhian ay malaking factor talaga ang mga fans niya at fans ni Mark na naging very vocal sa hindi nila pagpabor sa team-up nilang dalawa?

"Well, I don't know kung bakit. Pero ako naman usually, ang iniisip ko yung sa positive side. So, masaya ko na it's a new beginning. Ayokong isipin na parang malungkot ako sa pagtatapos ng love team na yun. Kasi hindi ko rin naman alam kung tapos na ba talaga or magkaka-project na ba ulit kami.

"With the fans, siyempre naniniwala naman ako na binibigyan talaga ng priority ng GMA ang opinion ng mga fans, di ba? Kung ano ang gusto nila, kung ano ang ayaw nila. Siyempre, importante sa amin yun. Pero hindi ko alam kung ano ba talaga ang dahilan kung bakit ganoon," pahayag ni Rhian.

Continue reading below ↓

Napag-uusapan ba nila ni Mark ang tungkol sa pag-aaway ng kanilang mga fans?

"Oo," sagot niya. "Sabi nga namin, nalulungkot kami at saka parang napaka-unfortunate naman na nag-aaway ang mga fans namin. Pero ano ba ang magagawa namin, opinion nila yun. Hindi naman namin kailangang sabihin kung ano ang opinion nila. So, parang tanggap naman namin ang opinion ng mga fans namin, pero sana lang, sana matapos na. Pero hindi rin namin alam kung ano ang puwede naming gawin para matapos."

Ano naman ang expectations niya sa tambalan niya with JC?

"Well, siyempre, never naman akong magwi-wish ng masasamang bagay para sa sarili ko, di ba? So far, pabor naman ang mga fans namin sa team-up. Pero sa very few na pinagsamahan namin, natutuwa naman ako at saka gusto ko ugali niya. And I can imagine myself working with him araw-araw. So, masaya naman ako dun," saad ni Rhian.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Naku, ganoon naman talaga, di ba? Usually naman kapag may mga blessings, may kasama rin ‘yang intriga. Pero willing naman akong tanggapin yung mga bagay na yun, kasi worth it naman ang blessing, di ba?" says Rhian Ramos.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results