Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

Dr. Hayden Kho breaks up with Dr. Vicki Belo, but they reconcile after a few hours

Sep 2, 2008
Dr. Hayden Kho admitted that he and girlfriend Dr. Vicki Belo broke up last Saturday night, but reconciled after a few hours.


Kinumpirma ni Dr. Hayden Kho sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ang split nila ni Dr. Vicki Belo noong Sabado ng gabi, August 30. Ayon kay Hayden, "control issues" ang dahilan ng misunderstanding nila ng kanyang girlfriend.

Pero hindi raw tumagal ang kanilang paghihiwalay dahil nakipagbalikan din siya kay Dra. Belo noong Linggo ng madaling-araw (2 a.m.), August 31. Kaya ilang oras lang bale ang itinagal ng kanilang breakup.

Tinawagan daw ni Hayden ang kanyang girlfriend para ayusin ang lovers rift nila.

Balik sa normal ang relasyon ng dalawa. Kung si Hayden ang tatanungin, ayaw na niyang magkuwento tungkol sa mga nangyayari sa personal na buhay nila ni Dr. Belo, pero ito ang madalas na itanong sa kanya ng entertainment press.

Naiilang na si Hayden na sagutin ang mga katanungan ng mga reporter dahil ayaw niya na isipin ng mga tao na siya ang nagkukusa na magkuwento tungkol sa kanyang love life.

Continue reading below ↓

Sa isyu ng malaking agwat nila ng kanyang girlfriend, sinabi ni Hayden na "age doesn't matter" dahil very child-like daw si Dra. Belo.

Suportado ni Dr. Belo ang pag-aartista ni Hayden na nagdadalawang-isip pa rin dahil wala sa kanyang intensyon na maging artista. Pinilit lamang siya na sumali noon sa Celebrity Duets at hindi niya inaasahan na magtutuluy-tuloy ang pagkakaroon ng career sa shwobiz.

Huling nakitang magkasama in public sina Hayden at Dra. Belo sa Let's Celebrate! Birthday Blowout nina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa Araneta Coliseum noong August 27, kung saan isa si Dr. Hayden sa guest performers.

Kasama rin si Hayden sa cast ng Ako Si Kim Samsoon.
Read Next
Read More Stories About
Hayden Kho, Vicki Belo
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dr. Hayden Kho admitted that he and girlfriend Dr. Vicki Belo broke up last Saturday night, but reconciled after a few hours.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results