Rosanna Roces gives a revealing interview on "Juicy"

IMAGE 0


"Mina-manipulate nila ang masa para pagtakpan yung mga katarantaduhan nila. Sabiko nga, wala akong dapat i-explain. Wala akong atraso kahit kanino, sila angmay atraso sa akin. At hindi ko sila kawalan, ako ang kawalan nila!" laments Rosanna Roces about her disappearance in a soap opera on ABS-CBN.



Wala pa ring kupas ang controversial actress na si RosannaRoces. Muli na naman siyang gagawa ng ingay dahil sa mga pagsisiwalat atrebelasyon niya tungkol sa kanyang buhay ngayon, na mas pinatindi pa ng kanyangmga maaanghang at maiintrigang pahayag ukol sa mga isyu at mga taong nauugnaysa kanya.

Sa interview sa kanya kahapon, September 3, ng showbiz talkshow ng TV5 na Juicy, hosted by Alex Gonzaga, mukhang in fighting mood na namansi Osang sa kanyang mga pasabog.

Personal na nasaksihan ng PEP (Philippine EntertainmentPortal) ang interview na ito kay Osang, dahil naging co-host ni Alex ang writerna ito during the interview.

Narito ang mga naging pahayag ni Osang sa mga tanong naminni Alex:

JUICY: Kumusta na ang isang Rosanna Roces pagkatapos ngnapakaraming intrigang ipinukol sa kanya?

OSANG: "Pagkatapos noon, mas lalong gumaling, at mas lalongnaging inspired. Actually, pagka kasi inintriga ako ng hindi maganda, masnagpapasalamat ako sa kanila kasi nagagamit ko yun sa pag-acting, lalo na kapagmabibigat ang mga eksena."

JUICY: Worth it ba ang mga naranasan mo sa showbiz? Ito parin ba ang pipiliin mo?

OSANG: "Palagay ko hindi. Kasi kung ako lang, kaya ko lahat,e. Pero ang kawawa kasi yung mga anak ko, e. Pati yung mga lalaking nauugnay saakin, nawawalan sila ng identity. So, nagiging anak lang sila ni Rosanna,ganun. So ‘pag may kontrobersiyang sangkot ako, mas masakit sa kanila, althoughhindi nila ipinapakita, pero alam ko."

JUICY: Kumusta naman po ang inyong pagiging lola? Kumustanaman po ang inyong mga apo? Kumusta rin ang mga anak n'yo?

OSANG: "Okay naman lahat. Walang gusot. Tahimik ang buhay kongayon. Siguro dahil na rin sa ginawa kong pananahimik, kasi ang hirap dinnaman kasi na bawat galaw mo, alam ng publiko. Yun ngang hindi nila alam,nalalagyan pa ng ibang kahulugan. Natututo tuloy silang mag-imbento, which istotally wrong.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Mainam din, kasi yung privacy ko na nawala sa akinnaibabalik ko. At mas nae-enjoy ko ang buhay ngayon. Pati sa bagong apoko. Kasi yung naranasan ko sa unang apo, magulo, e. Pero kahit na naging maguloyun, alam ko, ‘pag binalikan niya yung ngayon, wala siyang masasabi sa lolaniya. Ipinagtanggol ko talaga siya."

JUICY: Kumusta naman ang inyong relationship with yourdaughter Grace and son Onyok?

OSANG: "Mas sweet ngayon. At saka may mga anak na sila, kayaalam na nila na kapag wala ako dati sa tabi nila, akala nila puro pera lang.Puro laruan lang ang ibinibigay mo, binabayaran mo yung oras, pero wala kanaman. Ngayon, alam na nila na kaya ka pala wala, e, kasi nagtatrabaho ka parasa kanila.

"Mula noong isilang sila hanggang ngayon, ako yung nandiyanpara sa kanila. Although ipinakilala ko na sila sa kani-kanilang ama. Perohindi rin naging maganda, kasi noong makilala nila, parang wala rin palangsilbi. Pero siyempre kailangang makilala rin nila."

JUICY: What makes Osang cry?

OSANG: "Marami. Iyakin ako talaga. Pero siyempre, hindi moyun pinapahalata lalo na sa mga bata. Lalo ‘pag ang involved family. Yun ngayung hiwalay ako. Pero alam mo, hindi ko alam kung paano ko yun kinaya. Yun nganoong magpa-Pasko yun, alam mo, yung pinakain kong spaghetti sa kanila,nagkaroon ng sabaw, e, sinamahan pa ng luha ko!

"Gabi-gabi yun, ang daming nights na wala ka namang kasama.Noon ngang gusto kong lumuha, ayaw na. Pero masarap din kasi sa acting,nagagamit mo yun. Natutunan ko yun. Hindi mo na kailangang mag-isip, kusa nalang papatak."

JUICY: Ano naman ang happiness para kay Osang?

OSANG: "Hay naku, little things, sobrang babaw! Kasi yungpersonality ko mismo, jolly ako, e. Ayoko ng malungkot. Kaya kahit katiting naano, natutuwa ako. Or makita kong masaya ang mga taong mahal ko, okey na saakin yun."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

(Biniro ni Alex si Osang kung sa mga jokes ba ay hindisiya natatawa?)

OSANG: "Huwag na, hindi mo kakayanin ang mga jokes ko!" (At tumawa nang malakas ni Osang.)

JUICY: Bumabalik na nga raw ba ang pasaway na Osang kaya rawhindi nagtagal ang project niya sa kabilang istasyon, ang ABS-CBN? (Hulingnapanood si Osang sa Book 2 ng Maging Sino Ka Man, pero sa kalagitnaan ngnaturang primetime series ay biglang nawala ang character niya.)

OSANG: "Marami kasing factor na bumubuo rito na manipulatedng ibang tao para palabasin sa harap ng masa, which are being hypnotized by themedia, na eto yung totoo, which is hindi. Marami silang mali na ibinibintang saisang tao para palabasing malinis sila sa management, sa taas. Marami ringmagkakasabwat na pilit kang gagawan ng isyu para akalain ng tao ikaw yungdahilan kung bakit bumagsak ang isang palabas.

"Noong ginawa ko naman ang Natutulog Ba Ang Diyos?, walanamang naging problema. At nakita n'yo naman ang buong puso ko, buong kaluluwako, nandun sa ginagawa ko. Kung bakit nawala yung director dun, hindi nilamasagot. At kung bakit iniwan ng mga taong talagang may hawak noon, hindi nilamasagot. Bakit nagkagulo-gulo? At kung naging pasaway ako, e, bakit akosumusuweldo habang wala ako dun? So, ibig sabihin, legalidad, may mali silangginagawa.

"Nilaban ko, e, ‘tapos nung mag-e-ending na, they werebegging for me to go back. Sinagot ko talaga, ‘Who would want to be in a dyingsoap opera? Sayang lang ang akting ko, pinaglalaruan n'yo ako.' At tanunginn'yo ako sa kahit sinong cast doon, maging totoo sa mga sinasabi nila. So,mina-manipulate nila ang masa para pagtakpan yung mga katarantaduhan nila. Sabiko nga, wala akong dapat i-explain. Wala akong atraso kahit kanino, sila angmay atraso sa akin. At hindi ko sila kawalan, ako ang kawalan nila!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

JUICY: Kung halimbawang kausapin ka ng management, ipatawag kadoon, para magkaayos-ayos na, are you willing to do that?

OSANG: "Alam mo ang dami nang... May na-suggest nga sa akin, bakit dawhindi ako pumunta sa babaeng executive para magpaliwanag ako. Bakit naman akomagpapaliwanag sa alam kong kasama sa conspiracy para siraan ako? E, wala ngaakong atraso, e, kayo nga ang may atraso sa akin. Baka lumabas niyan, parangnagmamakaawa pa ako sa project, di ba? Bakit? Kayo nga ang dapat mag-explain saakin kung bakit n'yo ako ginanun. Hindi ako dapat mag-explain sa inyo.

"So, hindi naman siguro ako magugutom, di ba, kung hindi akolalapit sa kanila? Which, ginawa ko na yun matagal na panahon na, apat na taon.Nagpapasalamat naman ako sa mga taong hindi naniwala, katulad ni Piolo[Pascual]."

JUICY: Nabalitaan po namin dun sa scene n'yo na kasama siPiolo Pascual, dun sa Manila, ay nabugbog n'yo raw si Piolo at nasaktan daw siPiolo?

OSANG: "Gusto ko kasi yung akting na hindi niya akomakakalimutan. Hindi kasi ako namemeke ng sakitan, sampalan. Ano ako, e,kumbaga, rebelde ako sa role. So ‘pag me sinabi yung director, althoughnagrerebelde ako, hindi yung hindi ko ginagawa yung sinasabi niya. Angpagrerebelde ko, konting sakit sa akin, mas maraming sakit na nangyayari. Medyonapapaganda, kaya lang masasaktan ka talaga.

"Pero yun naman kasi ang essence ngpaggawa ng pelikula, e, yung katotohanan lang, di ba? Yung galing dito [sabayturo sa puso]. Siyempre ang iisipin mo, totoong anak mo si Piolo. Pero yungsakit na ginawa ko sa kanya, nananakit ka, pero bilang ina nasasaktan ka rin."

JUICY: Kumusta na ngayon ang love life mo? Juicing-juicy ba?Kumusta na ang mga lalake o babae raw sa buhay ni Selya (her character's name in one of her movies)?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

OSANG: "Yun nga ang kaklaruhin natin. Hindi ho babae, atnever akong nagkarelasyon ng babae. Hindi naman ako against sa ano, sa homosexualityo ano. Pero hindi talaga yun ang gusto ko. Lalaki talaga ang dapat para sababae. Usong-uso na ngayon yung kapwa ko mahal ko. Ayoko talaga. Unang-una, maymga anak ako. Hindi talaga.

"Siguro kaya binibira ako ng mga kung anik-anik dyan, dahil hindiko sila pinapatulan. Diyusko naman, nakilala naman ako na kung ano yung roleko, ang mga lalaki sa buhay, di ba? Kung kelan naman ako tumanda saka naman akopapatol. Hindi naman ako katulad ng iba dyan, di ba? Lalaki pa rin ang gustoko. At saka ayoko ng pareho kami ng kinakain."

CONTROVERSIAL BOWL. Pagkatapos nito ay naglabas ng bowl si Alex, na naglalaman ngmga papel na may mga pangalan ng mga taong nauugnay kay Osang. Kailangan niyangmagbigay ng message o wish sa mapipili niyang pangalan.

Narito ang mga pangalang nabunot niya, pati na ang messagesniya na may nakatutuwa, pumupuri, pero mas maraming kontrobersyal na mgapahayag:

VICKI BELO—"Ano bang wish ko dito? Hindi, actually, nabasako yung sa YES! magazine, nadaanan ko lang nung taping ko with Piolo. Nungmakita ko na grateful naman pala siya dahil sa akin, ganun-ganun... Kasi ayokongsa bibig ko nanggagaling, e. Kahit paano, di ba, natuwa ako sa kanya?Na-cute-an ako kahit hindi siya cute!"

CRISTY FERMIN—"Puwede bang gayahin ko yung take it, takeit, na ibang pangalan yung sasabihin? Ang wish ko lang sa kanya, sana hindiniya pinaniwalaan yung mga taong nagpi-feed sa kanya ng mga maling balita, kasimas close ako. Itinuring ko siyang halos pangalawang ina, ninang ko pa sakasal. Parang sana tinanong niya muna ako kahit konti or naging sensitive manlang siya kahit konti, bago siya magsulat ng... Sabi ko nga, okay lang yungnakakasakit sa akin. Pero ang mga bata nasasaktan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"At sana medyo kinaklaro, o kung hindi man klaro masyado sakanya, sana tingnan din naman niya yung nakalipas niya, na nagkaganun din namansiya. Pero, hindi ba, kumbaga pareho lang ang dinaanan namin? Pero huwag sananiyang gamitin yung estado niya para makapanakit ng kapwa. Kasi iisang mundolang naman ang ginagalawan sa showbiz, e.

"Lahat tayo kailangang magpakumbaba, minsan yumuko ka. Kasimakakasalubong at makakasalubong mo yung taong binabanatan mo. At paano kungikaw ang hindi makatingin nang diretso, di ba? Oy, natutunan ko bilang host, ha,dati banat din ako nang banat. Pero siyempre, nakakahalubilo mo rin naman yungmga tao, ikaw yung mahihiya, kahit na sinulat lang naman ng writer yungsinasabi mo, di ba? Nakakaano din, lumiliit ang mundo mo. Kaya lagi mongsasabihin, writer ang nagsusulat noon ."

DINA BONNEVIE—(Gusto sanang palitan ni Osang ang papel nanabunot, pero sabi ng staff ng Juicy, hindi puwede.) "O sige, bawal daw. Hindi,kasi wala na namang intriga, e. Dina Bonnevie, masarap siyang katrabaho.Na-surprise ako dahil hindi naman pala siya ganun kalukring gaya ng sinasabinila, or mataray, or maldita. Ang sabi ko nga sa kanya, pagtapos nitongginagawa natin, mapapamahal ako sa iyo at mamahalin mo ako. Kasi malalamanniyang hindi rin totoo yung mga naririnig niya. Pero ang sarap niyangkabalitaktakan sa akting. Isa siya sa mga tunay na artista."

LOLIT SOLIS—"Ano ba yan? Hindi mo pa rin maaalis nabinabanggit pa rin nila ako, kesyo may ilusyon daw akong bumalik dun [GMA-7],whatever. Or para bang, ano pa ba yung gusto n'yong mangyari sa akin? Guston'yo bang sairin na ang dugo ko? Parang pinatumba n'yo na nga ako. Matapostumumba, tinadyak-tadyakan n'yo ako. Ano pa ang gusto n'yo? Parang, kailan silatitigil? Kulang na lang sabihin n'yo nagtitinda na ako ng taho. Hinihintaytalaga nilang mangyari yun, o nagma-manicure na lang ako, ganito, ganito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi n'yo naman alam ang buhay ko. At buti hindi ko pinaalamsa inyo dahil para bang...paano naman yung ibang tao na hindi makakalaban sa mgaginagawa n'yo, kawawa naman. Natuto akong mang-dedma na lang at pagtawanan nalang sila. Dahil, lalo ‘pag mali ang isinusulat, saka natatawa ako, ‘taposnakikita ng tao mali yung isinusulat nila.

"Kung meron mang magsasalita ng ganito, ganito, siguro nandiyansi Kuya Boy [Abunda] para patotohanan yun. Pero kita mo, wala kang maririnig,di ba? E, kailangan nila yun. I don't know kung paano napapakain nila yungpamilya nila sa pamamagitan ng kawalang-hiyaan. Malaking tanong sa akin ‘yan, e,bakit ganito? Bakit parang tinitira-tira nila ako, e, halos lugmok na ako?

"Ang sagot ng kaibigan kong Rei Nicandro, ‘Kaya ka nga nilatinitira kasi hindi sila makapaniwalang kaya mong malugmok. Na hindi ka nilamalugmok-lugmok. Yun yun.' At least, nakakuha ako ng sagot. Kung ako lang sasarili ko, mahirap isipin kung paano rin ako nakakabangon sa bawat dagok.Sometimes, it's not how you fall, but it's how you get up."

Sa mga maintrigang pahayag ni Osang, mukhang pagsisimulan nanaman ito ng panibagong mainit na balitaktakan sa showbiz. Abangan na langnatin, kung mas lalaki pa ang apoy na nilikha ng nagbabagang interview na itokay Osang.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN