Phillip Salvador's ex-lover Cristina Decena talks about forgiving him

Sep 4, 2008
Phillip Salvador once had a relationship with businesswoman Cristina Decena. In this PEP interview, Cristina relates how she has already forgiven Phillip but is unable to do anything about Ipe's conviction and another case against him.

Nagkaroon ng pagkakataon ang PEP (Philippine Entertainment Portal) na makausap si Cristina Decena, ang controversial businesswoman na naugnay kay Phillip Salvador.

Nauwi sa alitan at demandahan ang dating pag-iibigan nila ni Phillip. Isa sa mga demanda niya ang naibasura na ng korte, isa naman ay nag-convict na kay Phillip, habang may isa pang ongoing.

Kailan lang, sa dating action star din at dating Caloocan mayor na si Rey Malonzo naman naiuugnay si Cristina. Pero kung open si Cristina na pag-usapan yung kay Ipe, siyang kabaligtaran naman with Rey.

LET'S TALK ABOUT IPE. Aniya, "Ayoko nang pag-usapan pagdating kay Mayor. Kaya ayoko nang pag-usapan kasi, hindi naman importante. At saka, hindi naman ako nawalan, di ba?

"Yung kay Phillip naman, kahit pag-usapan natin, kasi totoo. Minahal ko talaga nang totoo. Parang blinded by love ako. At lahat ng ibinigay ko, in return, hindi ko naman pinagsisihan kung bakit binigay ko. Binigay ko yun out of love. Pero, may business side at may personal side. At ang pinaglaban ko naman, yung business side. Lahat ng binigay ko out of personal, hindi ko na hinahabol yun."

Continue reading below ↓

With her and Phillip, hindi raw niya masasabing pagkatapos ng lahat, magkaibigan na silang muli. And yet she believes okey naman na silang dalawa.

"Noong magkita kami minsan sa Hotel Rembrandt, nag-uusap nga yung abogado ko at abogado niya kung paano isasarado ang kaso. Kasi, convicted na. ‘Tapos, umaapela sila. Kaso, kapag pala ang isang tao ay convicted na, hindi ka na puwede ng recap, bawal na. Wala ka nang magagawa.

"Sabi ko nga, sayang, sana kung noon pa lang, humingi siya ng tawad sa akin. E, yun lang naman ang hinihingi ko sa kanya, yung humingi siya ng public apology. E, hindi niya ginawa yun. Nagtuluy-tuloy ang kaso. ‘Tapos, noong humingi siya ng tawad, convicted na siya. Wala na kong magagawa."

May ongoing case pa siya against Phillip. Ito yung may kinalaman naman sa condominium na tinitirhan daw ni Ipe at ng kanyang asawa sa may Pinnacle sa Mandaluyong, at unang tinirhan ni Ipe with Kris Aquino noon.

Continue reading below ↓

"Sa September 9, ako na yung uupo para sa cross [examination]. Sabi ko nga sa abogado ko, hindi ba nag-usap na tayo na sinasarado ko na ang kasong yun. Na pinatawad ko na siya. E, hindi raw ganoon ang proseso sa batas. Kailangan daw, dahil nag-file kami ng kaso, kailangang ayusin muna. At lahat daw ng darating, kailangang harapin. Kaya darating pa rin ako para sa cross [exam]. Pero sabi ko nga kay Ipe, ‘Pinapatawad na kita."'

FORGIVING IPE. Napag-alaman ng PEP na kung may ilang milyon din daw ang ibinayad ni Cristine para sa naturang condo unit, pero, tila tanggap na rin daw niyang wala na siyang magagawa ro'n at pinapatawad na nga raw niya si Ipe.

"Oo nga, kasi, ang totoong pagpapatawad, hindi ba yung isasarado mo ang lahat? Parang gusto ko na rin isarado ang lahat para magkaroon ako ng peace of mind. Anyway, napakita ko naman sa lahat ng tao na nagsasabi ako ng totoo. Na nalinis ko rin naman ang pangalan ko. Maganda naman ang buhay ko ngayon. E, di patawarin ko na lang kung sinuman ang gusto kong patawarin.

Continue reading below ↓

"Kasi, ang pagpapatawad naman sa tao, doon ka rin magkakaroon ng totoong pagpapatawad sa Panginoon, di ba? So, parang ngayon, gumagawa na lang ako ng puro kabutihan. Ngayon kasi, parang wala na ‘kong mahihiling sa mundo.

"Yung mga anak ko naman, mga healthy naman. Mababait naman silang anak. At napatunayan ko rin na kahit single parent ako, mapapalaki ko rin naman sila nang maayos. Sa business, successful naman ako. So, ano pa ang mahihiling ko sa buhay ko kundi peace of mind na lang, di ba? Paano ako magkakaroon noon kung hindi ko pinapatawad ang tao na there was a time naging bahagi rin ng buhay ko?"

Siya na rin daw mismo ang nagsabi sa abogado niyang tigilan na nila ang pagdidiin kay Phillip. Gagawin din daw niya kung ano pa ang puwedeng gawin, as long as hindi naman siya ang mawawalan ng kredibilidad in the process.

LEAVE IT ALL TO GOD. Kahit yung malaking perang involved na puwede niyang habulin at bawiin ay ipinagpapasa-Diyos na lang daw niya.

Continue reading below ↓

"Wala na sa akin...kahit hindi na niya ‘ko bayaran. Kahit pa sa pag-aaral ng mga anak ko yun. Tutal kinita ko na rin yun. At saka, ano pa ang magagawa ko kung wala rin naman siyang pambayad, di ba?

"Yung sa convicted na siya, limang milyon din yun. Pero ano ang magagawa ko, wala raw siyang pambayad, e. Yung sa Pinnacle, 20 million din yun. Pero, wala raw, e...so, sabi ko nga, ano ang magagawa ko?

"Ako naman, napapagod na rin ako kaka-attend ng hearing. Eh, di, tama na lang. Patawarin ko na lang kahit walang pera. Tutal, naibalik na rin naman sa akin ng Diyos sa ibang paraan [yung mga nawala]."

There was a time na tila hinamon na rin daw niya si Ipe na kung gusto nito, yung condo sa Pinnacle ay ibalik na nga sa kanya at ibibigay na lang niya ang isang condo na mas maliit para may titirhan pa rin ito. Pero hindi raw pumayag si Phillip.

Continue reading below ↓

"Hindi raw puwede. Kasi, yun lang daw ang tanging lugar na nagba-bonding sila ni Joshua. Yung anak niya kay Kris. So, tinuloy ko yung kaso. Noong tinuloy ko nga, napa-convict ko nga siya, kasi, labasan ng ebidensiya, e. Hindi ko rin naman pupuwedeng sabihin na salita lang nang salita, siyempre, kailangang labasan ng ebidensiya."

IS HE SINCERE? Tinanong ng PEP si Cristina kung sa paghingi ba ng sorry noon ni Ipe ay naramdaman niya ang sincerity nito?

"Well, kung sincere man siya or hindi... But since ngayon, panay Bible ang dala niya at nangangaral siya ng salita ng Diyos, para bang yung mangaral ka ng salita ng Diyos kung sincere man o hindi, kung hindi ka sincere, mas lalo kang nagkakaroon ng kasalanan. Kung sincere man at marami kang napapabuting tao, e, di parang sa iba na lang siya bumawi."

Dugtong pa niya, "Kaya hindi na rin ako interesadong tutukan itong pangalawang kaso, kasi, na-convict na siya noong una. ‘Tapos, kung mapapa-convict ko na naman siya, wala nang karapatang mag-Court of Appeals. Dire-diretso na sa bilangguan. Papaano kung mapapa-convict ko ulit? Magiging masaya ba ‘ko kung maipapakulong ko ang taong dating minahal ko rin, di ba? Magiging masaya ba ‘ko kung alam ko na may mga anak siya na magdurusa dahil ang tatay nila nakakulong?

Continue reading below ↓

"So, ako pa rin ang talo pagdating ng panahon. Kahit sabihin pang nagkasala siya, sa konsensiya ko, nakapagpahirap ako ng kalooban ng mga bata, kaya bahala na siya..."

THINGS TO THANK FOR. Pero kung tutuusin nga raw, napakaraming bagay na dapat niyang ipagpasalamat, kaya doon na lang nakatuon ang pansin niya. Tulad na lang last week kunsaan, na-recognize siya ng 10th Annual Global Excellence Awards at the Baiyoke Sky Hotel, Bangkok, Thailand for 2008 Global Achiever Awardee for Entrepreneurship & Humanitarian Services. Sa kategoryang ito ay siya nga lang ang bukod-tanging Filipino na pinarangalan sa Bangkok.

Hindi lamang siya sa business nagiging successful kundi maging ilang sector ay nabibigyan siya ng parangal. Na kahit pala dumaan siya sa matinding pagsubok in the past, ngayon ay masasabing vindicated siya nang husto.

"Sa totoo lang, yung mga nangyayari ngayon, pati yang mga ganyang award, hindi ko naman ine-expect ‘yan. Hindi ko inaasahan na may darating na ganyan. Like kung nakakatulong man ako sa kapwa, especially with my foundation, wala ka namang iniisip na kapalit doon. Gagawa ka lang talaga para makatulong, pero ang Diyos, at may mga taong nakakakita pala na siyang magre-reward sa ‘yo, at ang tawag ko ru'n, bonus."

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Phillip Salvador once had a relationship with businesswoman Cristina Decena. In this PEP interview, Cristina relates how she has already forgiven Phillip but is unable to do anything about Ipe's conviction and another case against him.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results