Zsa Zsa Padilla very proud of daughter Karylle's performance in "West Side Story"

Sep 4, 2008
Zsa Zsa Padilla gives daughter Karylle a big hug after the latter's performance as Maria in the musical play West Side Story last night, September 3, at the Meralco Theater. "Proud, very proud! Siyempre excited ka. Ninenerbyos ka, lahat! I am very proud kasi ‘pag pumapalakpak ang mga tao, parang gusto kong sabihin na, ‘Anak ko ‘yan!'" says Zsa Zsa.

Proud na proud si Zsa Zsa Padilla sa performance ng kanyang anak na si Karylle sa press night ng musical tragedy, West Side Story, na ginanap kagabi, September 3, sa Meralco Theater. Si Karylle ang nag-perform bilang Maria, opposite Christian Bautista as Tony.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Zsa Zsa after the performance, winika ng singer-actress na naiyak siya habang pinapanood ang kanyang anak.

"Naiyak ako nang mapanood ko ang wedding scene nila. Sabi ko, maiiyak ako ‘pag wedding na ni Karylle, naiyak din ako noong namatay si Christian. Nagulat ako kasi nalimutan ko na kasi ang kuwento nito. I was able to watch the movie kasi," kuwento ni Zsa Zsa, na medyo naluluha-luha pa.

Dagdag niya, "First time kong napanood si Kaye, pero nagpunta ako noong rehearsals niya. Siyempre, proud na proud ako sa kanya. Kasi dream ng lahat ng singers and actresses na makalabas sa entablado. Kasi nga, talagang bihira naman ang gumagawa ng musical sa pelikula. It's very fulfilling saka yung natutunan niya sa entablado ay priceless talaga."

Continue reading below ↓

Did she imagine Karylle doing a musical play?

"Napakahirap nga ng material na ito. Sabi ko nga, itong nakita nating ito, dress rehearsal pa lang ito. Ang dami pa nilang puwedeng gawin to improve on it. Manonood pa ako uli. Actually, I was encouraging Kaye to do something like this, kasi you have everything to gain with the experience," saad ng Divine Diva.

Ano ang feeling ng isang mommy watching her daughter perform?

"Proud, very proud!" bulalas niya. "Siyempre excited ka. Ninenerbyos ka, lahat! I am very proud kasi ‘pag pumapalakpak ang mga tao, parang gusto kong sabihin na, ‘Anak ko ‘yan!'"

Winika pa ni Zsa Zsa na she would invite her friends na manood ng West Side Story.

Nang tanungin kung ano ang masasabi niya sa performance ni Karylle, tumangging magbigay ng pahayag si Zsa Zsa.

"Ayoko, baka sabihin nila na stage mother ako!" natatawang sabi niya. "But I was interviewed by the members of the TV crew. Nahuli nila ako during the break. I don't want to comment unless I am asked. Wala pa naman nagtanong sa akin regarding that, pero I am confident enough that Karylle did a very good job, kasi she really played her character well."

Continue reading below ↓

Binanggit ni Karylle na dream niyang magpunta ng London to try her luck sa West End, na counterpart ng Broadway sa New York. May plano raw si Karylle na mag-audition dahil sa naririnig niyang kuwento ni Joanna Ampil, who also plays Maria in West Side Story, tungkol sa pag-perform nito bilang Kim sa Miss Saigon. Suportado raw ni Zsa Zsa ang kanyang anak sa bagay na ito.

Mas gusto ba niya na mag-try sa London si Karylle o ang mag-asawa ito? Hindi ba parang Karylle is preempting the possibility of marrying early?

"Marami pang dreams na gustong i-fullfil si Kaye. Hindi pa naman yata darating ‘yong time na ‘yon," sabi ni Zsa Zsa, na inamin na talagang she felt sentimental nang mapanood ang eksenang ikinakasal sina Christian at Karylle.

"Bigla akong naiyak nang mapanood ko ito. Pero humagulgol talaga ako sa death scene. Nagkaroon lang ako ng realization na darating ang araw, mag-aasawa rin si Kaye," saad niya.

Continue reading below ↓

Although may boyfriend si Karylle—si Dingdong Dantes, who also watched last night—tila hindi pa nakikita ni Zsa Zsa ang moment na ikinakasal ang kanyang anak.

"Doon ko lang na-realize, when they sang ‘One Heart, One Mind,' na darating din ang moment na mag-aasawa si Kaye. Kung kailan ‘yon, hindi pa naman ako pressured. No pressure," nakangiting pagwawakas ng Divine Diva.

Read Next
Read More Stories About
Zsa Zsa Padilla, Karylle
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Zsa Zsa Padilla gives daughter Karylle a big hug after the latter's performance as Maria in the musical play West Side Story last night, September 3, at the Meralco Theater. "Proud, very proud! Siyempre excited ka. Ninenerbyos ka, lahat! I am very proud kasi ‘pag pumapalakpak ang mga tao, parang gusto kong sabihin na, ‘Anak ko ‘yan!'" says Zsa Zsa.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results