Sam Milby uneasy with Anne Curtis's kissing scenes with other actors

Aug 30, 2008
"Ayaw ko. Pero alam ko naman na trabaho ‘yan. Siguro kung may kissing scene ako sa ibang babae na maganda siya, ‘tapos ano, passionate ang kissing, siguro naman ayaw din niya [Anne]. Pero alam niya, trabaho," says Sam Milby about rumored girlfriend Anne Curtis's kissing scenes with other actors.



Nilinaw ni Sam Milby sa birthday party ng komedyanteng si Pokwang, ang napabalitang hidwaan nila ng rumored girlfriend niya na si Anne Curtis. Mabilis kasing kumalat ang balitang nagkatampuhan sila ni Anne at kasunod nito ay natsismis na hiwalay na sila.

"Hindi kami puwedeng maging ‘off' kung hindi naging ‘on,' di ba? So, paano?" bungad ni Sam.

Nakiusap naman si Sam na para sa kanila na lang daw ni Anne kung anuman ang dahilan ng kanilang "breakup." Pero paano sila nagkabati?

"Nag-usap kami siyempre. Yun ang kailangan, pero minsan walang time kaya humaba yung away. Kasi ako I'm doing an indie film, ‘tapos sa Dyosa lang kami nagkikita. Pero hindi kami puwedeng mag-usap sa taping, kasi trabaho naman kami. Kaya mali yung lugar."

Inamin naman ni Sam na siya ang gumawa ng first move para sila magkabati ni Anne.

"Sabi ko sa kanya, tinext ko siya, siyempre we need pa...so, when we have free time, yun ang ginawa ko."

Continue reading below ↓

ANNE AND ECHO. Natsitsismis ngayon si Anne kay Jericho Rosales nung mabalita na wala na sila ni Anne.

"Siyempre naman they're doing a movie together. Laging ganyan sa showbiz."

Pero hindi rin maiaalis ang posibilidad na puwede talagang magkaroon ng ugnayan sina Jericho at Anne since walang girlfriend ngayon ang aktor, at hindi naman umaamin sila ni Anne na together nga silang dalawa.

"Sa totoo, puwede naman siya, kasi, I mean... Hindi naman bawal para sa kanya [Anne] na ligawan. Pero siyempre ayoko," madiing sabi ni Sam, sabay dilat ng mga mata niya.

"Hindi kami 'on' kaya hindi naman bawal para sa kanya, di ba?"

Pero hindi ba't inamin na nila before na exclusively dating na sila?

"Pero hindi kami 'on'. Ako, I'm not dating any girls but hindi naman bawal para sa kanya. It's not naman bawal."

KISSING SCENES WITH OTHER MEN. Magseselos kaya siya sa kissing scene ni Anne with Jericho?

Continue reading below ↓

"Siguro," malungkot na sabi ni Sam.

"Pero syempre, ayaw ko," nakadilat ulit na sabi ni Sam.

"Pero alam ko naman na trabaho ‘yan. Siguro kung may kissing scene ako sa ibang babae na maganda siya, ‘tapos ano, passionate ang kissing, siguro naman ayaw din niya [Anne]. Pero alam niya, trabaho."

Nasubukan na ni Sam na mapanood si Anne na ka-kissine scene si Aga Muhlach sa When Love Begins. May kurot ba sa puso niya nang mapanood ang halikan nila sa pelikula?

"Siyempre," diretsang pag-amin ni Sam. "Pero okey naman ako. ‘Tapos sabi ni Kuya Aga, ‘Oy, Sam, see? Okey naman, ‘no?' Okey naman ako. Ha-ha-ha!

"Okey naman. Pero siyempre, alam ko naman na trabaho."

PASSIONATE LOVE SCENE. Paano ‘yan, may balita na magkakaroon daw ng passionate love scene sina Anne at Jericho sa movie na Balara, ang filmfest entry ng Viva?

"May love scene? Trabaho yun. Siyempre ayaw ko, pero trabaho. Okey naman pero ayokong manood. Joke! Ha-ha-ha!

Continue reading below ↓

"Hindi, manonood ako para suportahan siya, katulad ng When Love Begins, di ba?" pagtatapos ni Sam.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Ayaw ko. Pero alam ko naman na trabaho ‘yan. Siguro kung may kissing scene ako sa ibang babae na maganda siya, ‘tapos ano, passionate ang kissing, siguro naman ayaw din niya [Anne]. Pero alam niya, trabaho," says Sam Milby about rumored girlfriend Anne Curtis's kissing scenes with other actors.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results