Alessandra de Rossi still adjusting to her new "home"

IMAGE 0


"Niligaw na pusa? Ganun ang dating ko. Kailangankong mag-adjust kahit anong mangyari dahilnandito na ako. And there's no turning back. So, mahirap man, Diyos konaman! Ang tanda-tanda ko na, di ba? Ngayon ko lang naranasan yung pag-a-adjust,"relates Alessandra de Rossi on being new in ABS-CBN.



Napansin ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang pag-iyak ni Alessandra de Rossi habang iniinterbyu ng TV crew fromABS-CBN pagkatapos ng presscon ng ILove Betty La Fea. Hindi raw niya napigil ang kanyang emosyon sa isyu ngpaglipat niya sa ABS-CBN. Pilit na pinipigil daw niya na magingemosyonal.

"Oo,ayoko rin talaga," umpisa ni Alessandra nung makausap na ng PEP after her TVinterview. Inamin ni Alessandra na nanibago talaga siya sa "bagong mundo" na kinasadlakanniya.

"Three days pa lang ako, di ba? So, hindi mo naman talaga mai-expect na magingmasaya agad ako. Nami-miss ko naman talaga sila [GMA-7] but life must go on, di ba?"

Masama ba ang loob niya sa pag-alis sa GMA?

"No, bakit naman? Binigyan naman nila [ABS-CBN] ako ng magandang buhay."

Bakit siya hinayaan ng GMA-7 na lumipat sa ABS-CBN?

"E, wala silang maibigay, di ba? Syempre doon ka sa may magandang offer."

Meron naman daw offer sa kanya pero siya angtumanggi?

"Kayo ba gusto ninyo yung ganun? Kontrabida ako. Ayaw ko siyempre."

E, di masama talaga ang loob ni Alessandra sa pag-alis niya sa GMA?

"Oo naman. Siyempre naman. Hindi naman ako yung tipo na mukhang pera, e.Pero kailangan ko noon, e, di ba?"

ADJUSTING. Hindi pa raw siyanakapag-adjust sa paglipat niya sa ABS-CBN.

"Hindi pa, pero soon. Mga five years, charos!"

Ano ang kailangan niya para makapag-adjust?

"Hinay-hinay lang. Syempre, di ba, bigla kang...para kang galing sa truck ‘tapospinulot nung tinapon ka sa isang... Niligaw na pusa? Ganun ang dating ko. Kailangankong mag-adjust kahit anong mangyari dahilnandito na ako. And there's no turning back. So, mahirap man, Diyos konaman! Ang tanda-tanda ko na, di ba? Ngayon ko lang naranasan yung pag-a-adjust."

Wala ba siyang kakilala among the stars ng bago niyang show sa ABS-CBN na I Love Betty La Fea?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kilala ko na ‘yung iba, nakatrabaho ko na sila before. Mababait naman lahat, infairness. Wala kang masasabing masama kahit kanino. Kaya wala rin akongkarapatang mag-inarte na hindi ako welcome dito. Hindi, masaya ako talaga. Kayalang...syempre, di ba? Nakaka-homesick yung dating. Pero masasanay din ako."

THE MEN OF ABS-CBN. Nasa ABS-CBNnaman daw si Papa Piolo Pascual niya, na kasamaniya sa indie movie na Manila.

"Namanchi!" tili ng aktres.

Natuloy ba ang kissing scene nila ni Piolo sa movie?

"Hindi, e. Wala kaming ganung eksena sa movie."

After Piolo, kasama naman niya sa I LoveBetty La Fea si John Lloyd Cruz.

"Naman! Who's next?!"

Sino pa ba ang gusto niya?

"Dolphy! Why not, di ba?"

PEP mentioned na may teleserye ang Comedy King na si Dolphy at ang child starna si Makisig Morales.

"Ay, ‘yan! Gusto ko ‘yan. Ang kapal talaga ng mukha ko, ha-ha-ha!

"‘Yan ang mga idol ko, Aga Muhlach, Sharon Cuneta, bakit naman aarte pa ako, di ba?"

May kissing scene ba sila ni John Lloyd sa I Love Betty La Fea?

"May love scene kami kahapon."

Kumusta naman ang love scene nila ni John Lloyd?

"Wala. Puro daya. Hahaha! Yun yung eksena na nakahubad ako, pero naka-tube ako.Maganda.Naku, ano ba ito? Kung saan-saan ako napapasabak," sabi pa ni Alessandra.

RHIAN RAMOS. Kontrabida raw ang roleniya sa I Love Betty La Fea.Kontrabida rin ang role na binibigay sa kanya ng GMA-7 para sa La Lola, ang show na pagbibidahan niRhian Ramos.

"Wala namang pupuwede sa akin, e."

So, malinaw na si Rhian talaga ang dahilan kaya hindi niya tinanggap angproyektong inalok sa kanya ng GMA-7?

"Yeah. Well, hindi naman siya mismo. But well...oo," seryosong lahad niAlessandra.

Hindi sila pinag-ayos ni Rhian sa GMA?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi, gusto na nga nila na magkaayos kami. Gusto ko yun. Pero paramagkasama pa kami, siyempre hindi na. Isang beses na akong nagkamali sa harapanniya, sinigaw-sigawan niya ako. O, ayoko namang maulit yun, di ba?

"Siyempre, ako naman rin yung iiwas kasi in the end ako pa rin naman yung masama,e. Dahil kontrabida ako."

TONI GONZAGA. Nagkaroon din ng isyunoon si Alessandra sa dating GMA star na si Toni Gonzaga.Ngayong nasa ABS-CBN na silang pareho, nagkaroon na ba ng chance na magkita sila?

Pero imbes na sumagot si Alessandra kinuha muna niya ang kanyang telepono sabaysabi ng "hello," na kunwari'y may kausap, pahiwatig na ayaw niyang pag-usapan siToni.

Perohalimbawang may magandang offer na pagsasamahan sila ni Toni sa ABS-CBN, tatanggapinba niya?

"May offer ba ang RPN? Ha-ha-ha!

"Kawawa naman ako. Huwag naman ninyo akong masyadong ipitin. Hindi ko alamang isasagot ko sa mga ganyan," nangingiting tapos ni Alessandra.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN