Anne Curtis admits "LQ" with Sam Milby but keeps reason secret

IMAGE 0


AnneCurtis admited that she and rumored boyfriend Sam Milby had a spat. But she did notreveal the reason for the lovers' quarrel, saying instead that they had bigger fightsbefore. In fact, she said, one of their fights in the past even had them not talking to each other for onemonth.


Mabilis na na-link si Anne Curtis sa bago niyang leading man na si Jericho Rosales pagkatapos mabalita na nag-break nasila ni Sam Milby. Nilinaw naman agad ni Anne angisyu when PEP (Philippine Entertainment Portal) bumped into her sa birthdayparty ni Pokwang.

"Una, hindi kami puwedeng maghiwalay dahil hindi naman ‘kami,' diba? Wala naman kaming sinasabi na ‘kami' kaya paano kamimaghihiwalay," diin ni Anne.

Kahit hindi sila magsalita, kitang-kita naman sa mga kilos nila ni Sam angkanilang relasyon.

"It's normal lang to fight, di ba?"

VERY TRANSPARENT. Madali talagangmahalata sina Anne at Sam kapag magkagalit.

"Yeah," pagsang-ayon ni Anne. "Hindi kasi kami plastic na kahit na, yungeepek-epek ng ano, I mean...and it's normal lang naman mag-aaway, di ba?"

Ano bang pinag-aawayan nila?

"Wala, sa amin na lang yun. Private na lang yun."

May third party involved ba?

"Oh, no, walang third party."

Kapag may tampuhan sila ni Sam, gaano ito katagal?

"Three days."

Inamin ni Anne na nagkatampuhan ulit sila ni Sam last Sunday. Mabilis mahalata kapag may LQ (lovers' quarrel) sina Anne at Sam. Hindi raw pumupuntasi Sam sa dressing room ni Anne kapag may tampuhan sila.

"Hindi naman siya nag-i-stay sa dressing room ko talaga. Kasi lahat kami tumatambaysa gilid [ng stage]. So, hindi naman. Pero nagtampuhan talaga kami nungnasa ASAP kami."

So, from Sunday to Tuesday, may gap sila ni Sam?

"Nung Wednesday nagkabati na kami. Nag-usap kami."

For sure, super-effort si Sam sa panunuyo sa kanyapara magkabati sila?

"Yeah, siya ang unang nag-text."

Ito ba ang biggest fight ever nila ni Sam?

"No, we had bigger fights."

Sa di-kalayuan habang kausap namin si Anne, kumakain naman si Sam. Narinigniya ang tanong namin kay Anne at sumagot siya na nagkaroon na rin sila ngmatinding tampuhan ni Anne last year.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"One month kaming hindi nag-usap," pag-aalaala ni Anne sa nangyari.

Third party ang dahilan? Si Marianna del Rio ba‘yun?

Tumawa si Anne.


"Hindi, hindi. Wala. Sa amin na lang ‘yon."

Magsisimula pa lang sila ni Jericho na mag-shoot ng kanilang first movie peronatsistsismis na agad sila.

"Well, kasi I think ginagawan lang nila ng isyu. Kasi si Echo mahilig ma-ano saleading lady, ganyan. E, tulad ng sinabi ni Echo, iba na siya ngayon. Hindina siya ganun. Nalalagyan lang ng kulay kasi, siyempre, magwo-work kamitogether, which is a lot of time. Magba-Balerpa kami."

Kung hindi sila nagkaayos ni Sam, posible kaya na mahulog ang loob niyakay Jericho?

"Ay, OA! Hindi ganun ang focus ko ngayon. Hindi ko iniisip ‘yon. Professional si Echo."

LOVE IN TIME OF WAR. May kissing scene daw siAnne kay Jericho sa movie nila.

"Doon kasi makikita yung passion ng character namin. Kasi laging patagokami nagkikita. So, puro tinginan minsan."

May bed scene din sila sa movie?

"Kakukuha ko pa lang ng draft three today. Kaka-script reading lang naminkanina. Hindi ko pa alam."

Payag ba siya sa bed scene?

"Ano ba yun, bed scene? Hindi naman bed scene na ganun. Tulad ng sinabi niDirek Mark [Reyes] hindi siya love scene kasi hindi siya love core. It's reallypassion. Being in love with someone during the time of war. So, hindi siyalove."

Hindi kaya magselos si Sam sa kissing scene at iba pang maiinit na eksena nilani Jericho sa movie?

"Seloso ka ba," tanong ni Anne kay Sam na bising-busy sa pagkain.

Tumango si Sam.

"No, Sam naman is the type who understands," tapos ni Anne.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN