Rhian Ramos clarifies issue linking her to the son of GMA-7's big boss

Sep 3, 2008
"Mabait naman po siya, pero hindi po ganoon ang tingin ko sa kanya. Ang tingin ko po sa kanya, siyempre kapatid po siya ng boss ko. At saka, I don't think din naman na ganoon ang tingin niya sa akin. Siyempre, we get along but I get along with a lot of people. At saka, walang masama run. Nothing romantic," says Rhian Ramos about Phillip Gozon (left) , who is being linked to her.

During the contract signing cum mini-presscon for Rhian Ramos as the first celebrity endorser of B Club yesterday, September 2, hindi na pinalampas ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang pagkakataong yun para itanong kay Rhian ang ilan sa mga information na ipinapadala pa rin ng ilang mga fans about her.

Isa na nga rito ang tungkol kay Phillip Gozon, anak ng chairman at president ng GMA-7 na si Atty. Felipe L. Gozon at kapatid ng GMA Films president Annette Gozon-Abrogar. Ayon sa balita, si Phillip ang itinuturong boyfriend talaga ng 17-year-old actress. Nakita pa nga raw silang magka-date bago lumipad si Phillip patungong Boston.

"Date? I haven't been dating him or kahit sinuman," tanggi ni Rhian. "Hindi ako nakikipag-date sa kahit sinong tao, lalaki man or babae. Nakita ko siya [Phillip], pero hindi date yun.

"Siyempre, kapatid niya po si Ma'am Annette Gozon at may ginagawa akong movie ngayon for GMA Films. Kunwari may meeting kami, at saka ngayon pa lang, pinaplano na namin ang debut ko. Maraming bagay na kailangang ayusin, kaya palagi kaming nagmi-meet ni Ma'am Annette.

Continue reading below ↓

"So, that was the time na nagkikita kami ni Phillip. Like for example, dinner sa bahay ni Ma'am Annette para pag-usapan yung debut, e, ano ang magagawa ko, bahay naman nila yun? Masama bang nandoon siya?" natatawa niyang sabi habang nagpapaliwanag.

May nagsasabi rin na may napili na si Rhian na maging escort niya sa kanyang debut at ito raw ay walang iba kundi si Phillip. Totoo ba ito?

"Alam n'yo yun, hindi ko kinu-consider ang sarili ko sa same category as him. Kasi, may respeto ako sa kanya, e. Ayoko namang sabihing ka-level ko siya, kasi ganoon lang ako, e," tila nahiiya pang pagde-describe nito sa kanyang dalawang fingers kung gaano lang daw siya kaliit, compared to Phillip.

Pero kung si Rhian ang tatanungin, would she want Phillip to be her escort?

"Mabait naman po siya, pero hindi po ganoon ang tingin ko sa kanya," sabi ni Rhian. "Ang tingin ko po sa kanya, siyempre kapatid po siya ng boss ko. At saka, I don't think din naman na ganoon ang tingin niya sa akin. Siyempre, we get along but I get along with a lot of people. At saka, walang masama run. Nothing romantic. Parang hindi ko rin masasabing close friends, wala, kilala ko siya dahil he's the brother of my boss."

Continue reading below ↓

RAYVER IS JUST A FRIEND. With Rayver Cruz naman, natatawa si Rhian sa pagsasabing "trip lang ng tao" kaya raw sila nali-link.

"Tulad nga po ng sinabi ko kanina," sabi ni Rhian, "if ever man na magkikita kami ng mga kaibigan ko, hindi date ang tawag dun. Kaibigan ko si Rayver at oo, lumabas kami, hindi ko naman yun ide-deny. Pero, hindi rin date.

"Kaming dalawa lang po. Wala naman po kaming common friends. Saan kami makakakuha ng common friends? Nandoon [ABS-CBN] siya, nandito [GMA-7] ako. Nagkakilala po kami before pa dahil nagsu-show kami out of town, puro series of shows yun, so sino pa ba ang kakausapin ko, e, di siya, di ba?" paliwanag niya.

RHIAN'S DEBUT. Kung may isang event na nakaka-excite nang todo kay Rhian ngayon, ito ay ang kanyang debut on October 3. Hindi pa nga lang siya sure kung gagawin ba niya ang party niya before or after her actual birthday.

Continue reading below ↓

"Well, October 3 po talaga ang debut ko, pero yung party mismo, I'm not really sure; puwedeng October 4 para Saturday. Convenient para makapunta lahat. Puwede rin one week before para ‘pag-air no'n, birthday ko talaga," saad ng dalaga.

Mapapanood daw sa GMA-7 ang full coverage ng kanyang debut.

"Yeah, may balak pong i-air talaga. Noong una kasi talaga, ayokong mag-party. At first, parang ang naiisip ko, bakit ko ise-celebrate tumatanda ako? Ganoon yung naisip ko. Next thing, na-realize ko rin naman na siguro nga, dapat kang mag-party.

"Parang, ‘Ano ka ba naman, Rhian, ang dami-daming tumutulong sa buhay mo. Dapat, at least, mag-thank you ka.' Yung get-together na mag-thank you. Next, nag-evolve na rin sa hindi ka lang naman magpapasalamat sa mga taong nakakasama mo personally, pero siyempre malaking bagay yung mga fans. So, gusto ko rin makita at ma-enjoy rin nila ang birthday ko, kaya nag-decide kaming iere na. Para makita rin nila."

Continue reading below ↓

Ang magiging venue raw ng kanyang debut ay sa bagong studio ng bagong building ng GMA-7, na katapat lang ng dating building ng GMA Network Center sa Timog Ave., Q.C. Yung isang studio raw kasi ay may capacity na 2,000.

"Naisip po kasi namin na parang binyagan yung studio, at least, malaking event. At saka malaking part ng buhay ko ang GMA, so bakit nga ba hindi doon gawin?" aniya.

Natatawa si Rhian na talagang ang haba na ng guest list niya. "Kasi gusto ko, the most possible number ng people, gusto ko siyang mapuno. At saka gusto kong malaki talaga siya, di ba?"

18 ROSES & 18 CANDLES. Meron na rin daw siyang list ng 18 Roses at 18 Candles niya, pero hirap na hirap daw siyang mag-categorize sa mga ito.

"Siyempre mga leading men ko. Sina Richard [Gutierrez], JC de Vera, Mark Herras... Importante sa akin na nandoon sila, kung hindi, magtatampo ako. Siyempre, 18 Roses yun.

Continue reading below ↓

"Director ko, si Direk Topel Lee, kinulit ko siyang talaga! Siyempre, siya ang nagdirek ng Ouija, My Only Love, Sundo, e, may balak pa kaming gumawa ng Ouija Part 2. Ilang projects ko na rin ang idinirek niya at kung saan ako nanalo, so importanteng kasama talaga siya.

"Actually, kinukulit ko pa si Sir Joey Abacan [of GMA Films]. Pero sabi niya, ‘Ano ka ba? Walang manonood niyan!' Pero kinukulit ko pa rin siyang talaga!" natatawa niyang kuwento.

What about the 18 Candles?

"Siyempre, si Juday [Judy Ann Santos], si Iza [Calzado], si Jolina [Magdangal]. Dapat nandoon sila, kasi mga cousins ko sila, di ba [sa Ouija]? So, dapat nandoon sila. Sa iba, medyo nangungulit pa ako. Ligawan ko nang konti para pumayag talaga lahat."

Wala pa raw talaga siyang escort or last dance. Nalaman daw kasi niyang dapat pala, may romantic something sila ng kung sinuman ang pang-18th dance niya, kung kaya't nahihirapan daw siyang maglagay rito.

Continue reading below ↓

"Puwede kayang wala na lang 18 dance?" tawa niya. "E, kasi, wala pa naman akong nagiging boyfriend. I am not allowed pa naman na maligawan. Yun ang rules ni Mommy, dapat hanggang wala akong 18, hindi pa ako allowed na magpaligaw. So, paano naman?

"At saka, ang hirap pala, ‘yang mga order sa 18 Roses at 18 Candles, may mga meaning pala ‘yan. So, talagang hirap na hirap akong mag-categorize."

Parang napaka-ironic naman yata na sinasabi niyang bawal pa siyang magpaligaw, pero ang daming guys na ang napapabalitang nanliligaw at ang iba pa nga ay boyfriend na niya?

"E, wala, gusto akong gawan ng kuwento, ano ang magagawa ko?" natatawa lang niyang sabi.

RHIAN'S BIRTHDAY WISH. Ano naman ang birthday wish niya?

"Ever since 15 [years old] ako, naging priority na talaga sa akin yung career ko at saka school. So, gusto ko lang na tuluy-tuloy ang mga blessing sa buhay ko. Sa aspect na yun, sa career, sa school. Sana tuluy-tuloy na ‘to. Sana tuluy-tuloy na yung suporta ng mga brand na ine-endorse ko ngayon, at yun din ang time frame na lalabas ang La Lola, sana mag-hit. Basta, anything to do with my career and school, sana tuluy-tuloy na."

Continue reading below ↓

May mga pagbabago bang makikita sa kanya ngayon?

"Well, siguro mas mature na," sagot niya. "Hindi ko naman ibig sabihin na parang physically mature na parang sexy. Ang ibig kong sabihin, mature na emotionally."

Pero naa-anticipate niya ba na one day, she will also pose sexy for the cover of a men's mag?

"Not really, well, so far, I don't feel naman the need to do it. Masaya naman ako sa career ko. Kahit naman hindi ako nagpapakita ng part ko, steady naman ang flow ng career ko. Steady naman," pagtatapos ni Rhian.

Read Next
Read More Stories About
Rhian Ramos, Rayver Cruz
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Mabait naman po siya, pero hindi po ganoon ang tingin ko sa kanya. Ang tingin ko po sa kanya, siyempre kapatid po siya ng boss ko. At saka, I don't think din naman na ganoon ang tingin niya sa akin. Siyempre, we get along but I get along with a lot of people. At saka, walang masama run. Nothing romantic," says Rhian Ramos about Phillip Gozon (left) , who is being linked to her.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results