Mark Herras's fans challenge fans of Rhian Ramos to show themselves if they truly exist

Sep 4, 2008
"Konklusyon po talaga, hindi lamang ng aming grupo kundi mga Kapuso, ay si Rhian din ang nagpapakalat ng mga isyu sa kanya para magmukhang may fan siya, pero sa totoo lang wala siyang fans," says a fan of Mark Herras in an e-mail sent to entertainment columnists.

Isa sa bagong pinakasakit ng ulo sa mga manunulat ngayon ay ang rumaragasang giyera sa pagitan ng mga fans nina Mark Herras at Rhian Ramos na dinadaan sa paramihan ng e-mail. Tuwing umaga, napupuno ang Inbox ng ilang manunulat sa sagutang ginagawa ng mga kampo ng dalawa sa bida ng I.T.A.L.Y. (I Trust And Love You) ng GMA Films na magbubukas this September 17.

May practice kami na hindi pumapatol sa mga e-mail ng mga fans nang basta-basta. Bawat isang e-mail na nabanggit, ginu-Google muna namin ang e-mail address sa pamamagitan ng pag-check nito sa Yahoo! profile, Facebook, Friendster, at My Space. Kapag wala kaming ibang verification na nakuha, alam agad naming sadya lang ginawa ang e-mail address para makilahok sa isang usapan at hindi na namin ito binibigyan espasyo sa panulat namin.

Sa isang e-mail ng fans ni Rhian, nanakot sila na sa premiere daw ng I.T.A.L.Y. ay ibu-boo nila si Mark at may magtatangka pang mambato sa unang StarStruck Ultimate Male Survivor.

Continue reading below ↓

Na-interview ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Mark tungkol dito at simple lang ang naging sagot niya.

"Kung ibu-boo po nila ako, dedma lang. Alam ko namang hindi ko mapi-please lahat ang tao, lalo na sa mga fans ni Rhian na galit sa love team namin," sabi ni Mark sa huling presscon na ibinigay ng GMA Films para I.T.A.L.Y.

Ibang usapan na raw kapag nabato siya at nasaktan siya. Birong may halong katotohanan, hahanapin niya raw talaga ang mambabato sa kanya at kukumprontahin.

A FAN'S OPEN LETTER. Nakatawag-pansin sa amin ang isang e-mail mula sa isang Mark Herras fan, na na-verify namin ang e-mail address, na existent nga, tungkol sa bantang ito ng fans diumano ni Rhian.

It reads in full:

"Gusto ko lang po magbigay ng aking opinyon (sa totoo lang, opinyon din po ito ng mga ibang Kapuso fan groups na nakausap ko) tungkol sa mga fans ni Rhian Ramos. Ako po ay miyembro ng TOPAKS fan group (official fan group ng Mark-Jennylyn Mercado love team). Hindi po talaga ako pumapatol sa mga net wars ng mga fans ni Rhian at Mark, pero nakakapagtaka lang po talaga ang mga sinasabi ng mga fans ni Rhian, ganun na din po si Rhian. Palagi po kaming nagpupunta sa SOP, Showbiz Central, SiS, at pati na dati sa My Only Love tapings, pero never po talaga namin nakita na may fans si Rhian na pumunta sa kahit anong programang nabanggit ko.

Continue reading below ↓

"Nagtatanong-tanong na din po kami sa ibang fan group tulad ng mga Marian Knights, Marimarians, JCnatics, Kramies, etc., pero sila din ay wala kahit isang fan ni Rhian na kilala o nakikita. Malaki po talaga ang duda namin na wala naman po talagang fans ang babaeng ‘yan at mga IMAGINARY fans lang ang lagi niyang sinasabi sa Internet.

"Duda din namin ay kampo niya rin ang nagpapakalat at nagpapanggap na fans na galit kay Mark para mapag-usapan siya. Alam naman po namin na si Richard [Gutierrez] talaga ang gusto ni Rhian, pero gaya nga ng sabi ni Mark, management decision yun at wala din siyang magagawa.

"Hindi ko lang po talaga mapigil ang sarili ko sa ngitngit every time mapapanood ko ang babaeng ‘yan na sinasabi na ‘mga fans ko' dahil sa aming opinyon, WALA TALAGA AT IMAGINARY FANS lang meron siya.

"Hindi ba't sinasabi ni Rhian na mga ‘Internet-based' ang kanyang fans. Kung totoong ‘Internet-based' ang kanyang fans, bakit po kaya sa Pinoy Exchange [pinakamalaking forum ng mga artista] at iGMA Forum [official forum ng mga Kapuso artist] ay nilulumot yung thread ni Rhian? Nasaan na ang sinasabi niyang mga fans?

Continue reading below ↓

"Si Rhian din lang po ang kaisa-isang Kapuso artist na wala man lang kahit isang ‘love team' thread. Hindi na po kami magtataka dahil halos lahat naman ng mga naka-love team niya ay galit sa kanya ang mga fans. Yung sariling thread po ni Rhian sa iGMA, 1 taon and 5 buwan na eh, thread 1 pa rin po, ang http://www.igma.tv/forum/index.php/topic,577.660.html.

"Si Jen [Jennylyn Mercado] po, thread 109 na. Si Mark, thread 62 na. Kahit po ang mga baguhang artista ay halos lampas thread 10 na. Pero si Rhian, thread 1 pa lang. At dun sa thread 1 na po yun, siguro mga 90% ng post ay against her pa. So nasaan na po ang mga fans niya na mahilig mag-email? Wala man lang nagtatanggol sa kanya?

"Kaya sigurado po kami na wala naman talaga fans ‘yan. Mapa-Internet man o yung mga solid fans na pumupunta sa taping, premiere night, at iba pang solid event, WALA PO TALAGA. PRODUKTO LANG PO NG IMAHINASYON NI RHIAN NA MAY FAN SIYA.

Continue reading below ↓

"Ang mababang rating ng My Only Love at ng mga show niya ay isa rin pong ebidensiya na wala talagang fan base si Rhian.

"Konklusyon po talaga, hindi lamang ng aming grupo kundi mga Kapuso, ay si Rhian din ang nagpapakalat ng mga isyu sa kanya para magmukhang may fan siya, pero sa totoo lang wala siyang fans.

"May nabasa nga pala akong artikulo sa PEP na may coverage daw ang debut ni Rhian para sa kanyang fans, ang tanong po, MAY FANS PO BA TALAGA?

"Kung meron man fans si Rhian, HINAHAMON NAMIN SILA NA IPAGTANGGOL SI RHIAN O MAGPAKITA.

"Hindi po kami natatakot sa premiere ng I.T.A.L.Y. dahil sigurado kami wala namang fans si Rhian at gawa-gawa lang ang mga isyu para magmukhang may fans siya."

The e-mail ended there.

Matatandaan noon na sa premiere night ng Ouija, noong panahon na galit supposedly ang fans ni Rhian sa kanya ay nanakot din na kukumprontahin siya. Walang nangyaring ganoon sa premiere night. Nagtagal kami ng ilang manunulat sa labas ng sinehan kung may lalapit kay Rhian at guguluhin siya ngunit wala kaming nasaksihang komprontasyon.

Continue reading below ↓
Ipinadala rin namin ang e-mail ng fan ni Mark sa GMA Artist Center para sa kanilang reaksiyon at sa reaksiyon ni Rhian.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Konklusyon po talaga, hindi lamang ng aming grupo kundi mga Kapuso, ay si Rhian din ang nagpapakalat ng mga isyu sa kanya para magmukhang may fan siya, pero sa totoo lang wala siyang fans," says a fan of Mark Herras in an e-mail sent to entertainment columnists.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results