Rhian Ramos dispels rumors linking her to Rayver Cruz

by Ruel J. Mendoza
Sep 2, 2008
"Matagal ko nang kilala si Rayver. I met him sa isang event na pareho kaming guest last year pa. And we've been texting naman each other. Kumustahan lang naman. There's nothing serious going on between us," clarifies Rhian Ramos. Rayver Cruz is the latest young actor being linked to Rhian.

Pagdating sa mga usapin tungkol sa boys, madalas talagang maintriga ang GMA-7 young actress na si Rhian Ramos.

Pagkatapos niyang ma-link sa mga tulad nina Richard Gutierrez, Mo Twister, PJ Valerio, Paolo Paraiso, Marco Alcaraz, Mark Herras, at pati na sa non-showbiz guy na si Phillip Gozon, na anak ng GMA-7 president and CEO na si Atty. Felipe Gozon, sa ABS-CBN 2 young actor na si Rayver Cruz naman naiuugnay si Rhian ngayon.

May nagpakalat kasi ng balita via Internet and text message na nahuling nakikipag-date si Rhian sa dating ka-love team ni Shaina Magdayao sa isang Spanish restaurant sa loob ng BF Homes Subdivision in Parañaque City. Ang pangalan pa nga raw ng restaurant ay Amalia's Resto.

Naganap daw ang naturang secret date ng dalawa last August 26. At ayon pa sa email, after ng early dinner date ng dalawa ay tumakbo pa si Rhian papunta sa premiere night ng For The First Time sa SM Megamall.

Continue reading below ↓

Nang tanungin namin si Rhian sa press conference ng pelikulang I.T.A.L.Y. (I Trust And Love You) ng GMA Films tungkol sa tsismis na ito, hindi naman ito nag-deny na kasama nga niya si Rayver noong gabing iyon sa isang restaurant. Pero hindi naman daw niya matatawag na date iyon dahil, ayon sa kanya, ay nagkatawagan lang daw sila noong araw na iyon.

"Matagal ko nang kilala si Rayver. I met him sa isang event na pareho kaming guests last year pa. And we've been texting naman each other. Kumustahan lang naman. There's nothing serious going on between us.

"Nagkataon that day, which was Tuesday, wala naman akong work except sa pupunta ako sa premiere night ng movie ni [‘Chard and KC Concepcion] sa SM Megamall. Nag-text sa akin si Rayver and he asked if we can meet up and have an early dinner somewhere near lang.

"Since I'm coming from Alabang and he's from Parañaque, nag-meet up na lang kami sa alam niyang malapit na restaurant. I cannot qualify it as a date kasi parang nag-meet up lang kami. Parang magkakaibigan na gustong magkita-kita lang."

Continue reading below ↓

Dagdag pa nga sa kumalat na balitang date ay ang public display of affection nila ni Rayver.

"My gosh, ano ba ‘yon?" sabay tawa ni Rhian.

"Bakit naman namin gagawin iyon? Ang dami kayang mga tao sa resto. ‘Tsaka hindi namin gagawin ni Rayver ang gano'n. Nakakahiya naman because we were just there to eat and talk. Yun lang naman ang ginawa namin talaga. Eat and run nga ako kasi pupunta pa ako noon sa premiere night."

Ang nakakagulat pa sa balita ay si Rhian daw ang nagbayad ng kinain nila ni Rayver.

"Sobra naman ‘yan!" malakas na tawa niya. "Grabe! Ako na ngayon ang nanlilibre sa lalake!

"I really don't know where all these news are coming from. Nakakahiya naman kay Rayver because siya yung nag-invite na kumain ‘tapos ako ang magbabayad. Parang hindi yata tama.

"Ang alam ko is that yung kinain namin was already paid and a gentleman always takes care of the bill, ‘di ba? Nakakatawa naman ‘yan. Hindi ko kinaya ‘yan!"

Continue reading below ↓

Tiniyak ni Rhian na hindi naman daw nanliligaw si Rayver sa kanya. Tinuturing nila ang isa't isa bilang magkaibigan lamang. Pero paano kung biglang magsabi si Rayver na gusto siyang ligawan? Okey lang ba kay Rhian?

"Ay naku, parang magugulat naman ako. I just wanted to be friends with Rayver. Wala naman sigurong masama roon, ‘di ba? We know each other for quite a long time now. Siyempre, I would be surprised kung bigla siyang manligaw.

"Malinaw naman sa kanya na friends lang kami. But if he wants to take it to a different level, iba na iyon. We come from different TV networks at isang factor iyon kung bakit hindi puwedeng mag-work just in case. Okey lang naman na magkaibigan kami."

Sa nalalapit na 18th birthday niya sa October, invited kaya si Rayver?

"But of course. Lahat naman ng mga kaibigan ko ay imbitado. Depende naman iyon siguro kung papayagan si Rayver. Like what I said, we belong to different networks. Ayoko namang mapagalitan si Rayver dahil um-attend siya ng debut ko. Bahala na siguro kung papayagan siya. But definitely, I will invite him to my debut."

Continue reading below ↓
Read Next
Read More Stories About
Rhian Ramos, Rayver Cruz
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Matagal ko nang kilala si Rayver. I met him sa isang event na pareho kaming guest last year pa. And we've been texting naman each other. Kumustahan lang naman. There's nothing serious going on between us," clarifies Rhian Ramos. Rayver Cruz is the latest young actor being linked to Rhian.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results