OFW sinorpresa ang ex-BF na nang-iwan: "Closure lang ang pakay ko”

by Mavell Macaranas-Dojillo
Dec 20, 2022
ofw ghosted boyfriend
Sa tulong ng isang gift shop, binigyan ni Maam Beca ng "I Love You Goodbye" surprise ang dating nobyo para magkaroon ng closure mula sa kanilang relasyon na tumagal ng 13 years.
PHOTO/S: Facebook (Mak&Maw's Gift Shop)

Puno ng dalamhati ang pahayag ni “Maam Beca” para sa dating boyfriend na si “Sir James” sa viral video ng isang gift shop.

“Bakit di mo ako hinintay, Langga?” tanong niya sa dating kasintahan sa video na kasalukuyang may 11 million views, 429,000 reactions, at 76,000 comments.

Si Maam Beca ay isang OFW na nag-set up ng “I love You Goodbye” car surprise sa tulong ng Mak&Maw’s Gift Shop para sa kanyang naging boyfriend ng 13 years.

Nitong September 2022 nalaman ni Maam Beca na mayroon ng iba si Sir James, at nag-overlap pa ang relasyon nila sa bagong pag-ibig ng huli dahil June pa lang umano ay "sila na."

Hindi sukat akalain ni Maam Beca na mauuwi ang kanyang relasyon sa ganito. Sa katunayan, nagpaplano na umano sila ng kasal at nakabili na rin siya ng bridal gown at iba pang gamit pangkasal.

wedding dress

BIKTIMA NG GHOSTING DAHIL SA THIRD PARTY

Inilahad sa video na ilang buwan nang kinikimkim ni Maam Beca ang kanyang hinanakit sa dating sinisinta.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pakiramdam umano niya ay iniwan siya sa ere habang sila ay nasa proseso ng paghahanda para sa kanilang kasal.

Kaya’t ginawa niya ang sorpresa para tuluyan nang maka-move on sa kanyang heartbreak at magkaroon ng closure na hindi naibigay ng dating nobyo.

Pahayag pa niya, “Para wala na ding magtatanong kung anong nangyari.”

Mapapanood sa video na nagtungo ang grupo ni Maam Beca sa pinagtatrabahuhan ni Sir James para i-reveal sa kanya ang surprise.

Hindi muna humarap si Maam Beca, at ang staff ng gift shop ang naghandog ng regalo kay James.

Bukod sa isang malaking stuffed toy at food package, may tatlong bagay sa sorpresa na may kanya-kanyang nakalahad na mensahe: ang banner na nagsasabing "Thank you for 13 years," isang kuwadro na may nakasulat na "I LOVE U GOOD BYE," at ang cake na may personal dedication.

Nakasaad sa cake, "Malaya ka na James, Pinapaubaya na kita!"

Kalakip din ng mga ito ang isang sulat kung saan ibinuhos ni Maam Beca ang nilalaman ng kanyang puso.

Kalaunan, nagkaharap ang dating magkasintahan at dito na bumuhos ang emosyon.

SUKI NG GIFT SHOP

Isang araw matapos mag-viral ang “mapanakit na surprise,” ipinost din ng gift shop ang isa pang video nina Maam Beca at Sir James na kuha almost three years ago.

Sa video na iyon ay makikita si Maam Beca, na nasa Hong Kong pa noon, na sinorpresa si Sir James para sa kanilang 10th anniversary.

Kalakip nito ang isang mensahe: “Salamat langga, sa walang sawang pag intindi sa akin na kahit topakin ako minsan.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

NETIZENS REACT

Samu’t sari ang reaksyon ng netizens na nakapanood ng video nina Maam Beca at Sir James.

Ang ilan ay may hugot mula sa mga sarili nilang karanasan.

May mga ex-OFW din ang nagpahayag kung gaano kahirap magkaroon ng long-distance relationship o LDR.

Mayroon ding mga naka-relate dahil na-experience din nila ang masaktan at lumuha nang hindi tinupad ng kanilang minamahal ang naging sumpaan.

Ang iba naman ay nagpahatid ng kanilang advice para sa mas mabilis na pagmu-move on ng dalaga.

Sa opinyon ng ilan, suwerte pa rin si Maam Beca na hindi natuloy ang kasal.

ghosting

ghosting

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bagamat marami ang nakisimpatya kay Maam Beca, mayroon ding nagbigay ng negatibong pahayag.

Sa mismong Facebook account ni Maam Beca, may nag-post ng pagkadismaya niya.

Nag-send ito ng private message kay Maam Beca at inakusahang “bitter” ito dahil sa pangyayari.

Caption ni Maam Beca (published as is): “I replied over hundreds message request pinagtyaga an q mag scrul te mapa thank you han lahat nang nag comment pero ikaw ang pinaka special sa lahat kaya deserve kita epost.

“1st of all ur not in my shoes teh."

Mayroon din umanong mga akusasyon na nagpa-Tulfo siya o nagpa-feature sa programang Raffy Tulfo in Action.

Sa isa pang post ay nilinaw ni Maam Beca, “closure lng ang pakay ko d ko naman ini expect na mag trend un ordinaryong tao lng po ako.”

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa tulong ng isang gift shop, binigyan ni Maam Beca ng "I Love You Goodbye" surprise ang dating nobyo para magkaroon ng closure mula sa kanilang relasyon na tumagal ng 13 years.
PHOTO/S: Facebook (Mak&Maw's Gift Shop)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results