Judy Ann Santos and Claudine Barretto insist there is no issue between them

IMAGE 0


Judy Ann Santos (right) andClaudine Barretto (left) prove that all's well between them as the two happily greetedeach other during an encounter last September 3 inside one of the ABS-CBNdressing rooms. "Walanaman talagang intriga sa amin. Siguro hindi lang kami nabigyan din ng chance namaging close. We're friends. We are friends, oo, wala namang isyu sa amin,"explained Juday in an interview after Claudine left.


Muling nagkita sina Judy Ann Santos at Claudine Barretto matapos ang naging issue sa pagitannilang dalawa dulot ng mga komento na binitawan ng manager ni Juday na si AlfieLorenzo ilang buwan nang nakalilipas.

Maaalalang binatikos niAlfie ang Star Magic na diumano'y ginagamit si Juday upang gawan ng ingay ang pangalan ni Claudine,na noon ay naghahanda sa kanyang pagbabalik telebisyon sa pamamagitan ngprimetime soap na Maligno.

"Parang they try tofind a way para magkaroon ng ingay ang comeback ni Claudine at naiinis ako.Lumang style na ‘yon, ba't hindi na lang baguhin kung paano, di ba?" himutok niAlfie sa isang taped interview na ipinalabas sa The Buzz noong May 18.

Sinabi rin ni Alfie nahindi patas ang treatment na ibinibigay ng ABS-CBN at obvious daw na maspinapaburan ng network si Claudine kumpara sa alaga niya.

"Basta pagdating kayClaudine, masyado silang sensitibo. Para bang ang talent ko na si Judy Ann,kesehodang kung sino man ang pumintas diyan parang bale wala sa kanila,"reklamo ng palabang talent manager.

Pinabulaanan naman ngStar Magic ang mga sinabi ni Alfie sa pamamagitan ng isang statement. Noongbumisita si Claudine sa The Buzz lastJune 1 ay nagpahayag din ng kanyang sariling damdamin ang aktres.

"Actually,hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Kasi kapag nagkikita kami niTito Alfie, okey kami, e. Parang walang problema. I don't know kung saan galingito. Masakit yung sinasabi niya na ginagamit ko si Judy Ann becausepinaghirapan ko naman kung ano meron ako. Kung anumang talento meron akongayon, bigay ng Diyos yun. Pinagbubuti ko. Wala akong tinatapakan na tao,"paliwanag ng nakababatang Barretto.

ACCIDENTAL MEETING. Noong Miyerkules, September 3, habang nasa gitna nginterview si Juday para sa The Buzzay hindi sinasadyang biglang sumilip si Claudine sa dressing room.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Basesa naging reaksiyon ng dalawang aktres ay mistulang walang alitan na naganap sa kaniladahil masaya silang nagkumustahan.

Paliwanagni Juday matapos ang masayang brief encounter with Claudine, "Wala namantalagang intriga sa amin. Siguro hindi lang kami nabigyan din ng chance namaging close. We're friends. We are friends, oo, wala namang isyu sa amin.Siguro ang isyu lang ng mga tao sa amin is hindi kami nagkakasama sa trabaho, ‘yongganun, kaya ang feeling nila magkaaway kaming dalawa. Pero hindi, matatanda na kamipara dun."

Saisang hiwalay na interview ay masayang kinuwento ni Claudine na binalikan pa niyasi Juday sa dressing room matapos ang interview dito.

"Afterthat binalikan ko siya at ‘yon nagkuwentuhan kami ng konti," kuwento niClaudine ng makausap ito ng The Buzz saspecial fashion event ng batikang designer na si Randy Ortiz noong Huwebes, September 4, naginanap sa Edsa Shangri-La Hotel sa Mandaluyong City.

"Maypinagsamahan kami ni Juday. We're not that close pero grabe ang respeto namin saisa't isa. Kung may problema ang isa, nandoon kami para sa isa't isa kahit walakami sa happy times. Basta sa tough times, nandito lang tayo sa isa't isa."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN