Gretchen Barretto: "Kung hindi importante ang tao, hindi nila pag-aaksayahan ng panahon."

Sep 19, 2008
When asked what makes Gretchen Barretto happy, she answered, "Maraming bagay, napaka-cheap ko, any little thing that will make me happy. A good career is enough reason to be happy."

Matapos ang mga nakaraang intrigang kinasangkutan ni Gretchen Barretto, madalang na siyang nakikita sa mga pampublikong okasyon. Kaya naman nang makita siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa pagbubukas ng bagong shop ng ine-endorse niyang Plains & Prints sa Shangri-La Plaza Mall, Mandaluyong City, kahapon, September 8, ay agad namin siyang kinumusta.

"Heto, masaya pa rin, iniintriga pa rin. Walang nagbabago," tugon ni Gretchen sa PEP at The Buzz. Dagdag pa niya, tuloy pa rin ang pagsunod ng publiko sa kanyang mga kilos.

Huling nakita si Gretchen sa telebisyon nang gumanap siya bilang isang kabit ng mayor sa Maalaala Mo Kaya. Dito muling naipakita ni Gretchen ang kanyang kakayahan sa pag-arte.

Ayon sa aktres, upang magampanan nang husto ang kanyang role ay hinugot niya mula sa kanyang mga karanasan ang pagsasabuhay ng kanyang karakter. "Siguro 'yong mga karanasan ko sa buhay, mas focused ako ngayon, mas marami akong na-experience na mas masakit, so 'yon ang ginamit ko." (Click here to read related article.)

Continue reading below ↓

Matapos ang proyektong ito, ayon kay Gretchen, ay inaasahan niya na magkakaroon siya ng isang proyekto sa pelikula.

"Ang hinihintay ko 'yong script na ipre-present sa akin, hindi pa napre-present. Pero nagsalita na si Tita Malou Santos [Star Cinema managing director], di ba? It's either with Aga [Muhlach] or John Lloyd [Cruz]. I guess kailangan basahin ko muna 'yong script para malaman ko kung sino talaga ang babagay," pahayag ni Gretchen.

Bukod sa pelikula, may plano rin na sundan ang kanyang unang music album na Unexpected.

"Mayroon akong gagawin na bagong album and we will launch it, I think, January [2009]," ani Gretchen. "I'm having Louie Ocampo as the musical producer. Lahat ng mga songs doon, siya ang musical director, the producer. 'Yon po ang surprise ko para sa lahat ng mga tumangkilik ng aking Unexpected album, so regalo ko ito."

BARRETTO SISTERS. Bukod sa kanyang career, naitanong namin kay Gretchen kung ano ang naging payo niya sa kanyang nakababatang kapatid na si Marjorie Barretto, na ngayon ay pinupukol ng intriga tungkol sa relasyon diumano nito sa isang pulitiko.

Continue reading below ↓

"Sabi ko kay Marjorie, ‘Hay, naku, malayo na talaga ang narating ni Marjorie Barretto dahil...' Ako kasi, ang paniniwala ko, kung hindi importante ang tao, hindi nila pag-aaksayahan ng panahon," nakangiting sagot ni Gretchen.

Dagdag niya, "Kaya kay Marjorie, ‘Kaya mo 'yan!' Ang show business magulo na, di ba, maintriga? E, pulitika pa ang pinasok niya so dapat enjoy-in na lang niya. Sabi niya, e, sanay na raw siya maintriga. E, kailangan masanay, di ba?"

Ano naman ang masasabi niya sa sinasabi ng publiko na sa kanilang magkakapatid na "ang kalaban ng isa, kalaban ng lahat?"

Tugon niya, "Alam mo, hindi naman sa kalaban ng isa, kalaban ng lahat. Ngayon na tumatanda kami, mas marami kaming alam. Dapat siguro hindi away nang away. Ang iniisip namin ngayon, kung paano aayusin ang bawat gusot, hindi 'yong nakikigusot pa kami. Alam mo 'yon, 'yon ang mga natututunan namin."

Sa huli, nagbigay ng mensahe si Gretchen sa "detractors" ng kanyang kapatid na si Marjorie. Aniya, "Ay, salamat at pinapasikat ninyo si Marjorie Barretto. Ngayon, Marjorie Barretto na talaga siya."
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
When asked what makes Gretchen Barretto happy, she answered, "Maraming bagay, napaka-cheap ko, any little thing that will make me happy. A good career is enough reason to be happy."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results