Jennica Garcia-Mart Escudero relationship has Jean Garcia's blessing

Sep 19, 2008
"May tiwala ako sa dalawang ‘yan. Lalo na sa anak ko, she will never do anything na hindi ko gusto. Pinalaki ko na maayos at punung-puno ng pangaral si Jennica," says Jean Garcia about daughter Jennica Garcia and boyfriend Mart Escudero.

Wala nang itinatago sina Jennica Garcia at Mart Escudero tungkol sa kanilang tunay na relasyon. Ayon sa nakarating na report sa PEP (Philippine Entertainment Portal), inamin na ng dalawa na matagal na silang may relasyon. Sinagot daw ni Jennica si Mart noong 18th birthday ng dalaga last December 2007.

Nasabi na raw ni Mart sa ina ni Jennica na si Jean Garcia ang tungkol sa relasyon nila ni Jennica, kaya aware naman ang aktres sa estado ng dalawa. Pero hindi pa rin nagkukulang si Jean sa pagpapaalala sa dalawa na hindi porke't pumayag siyang magkaroon sila ng relasyon ay magagawa na nila ang gusto nila.

Ayon kay Jean ay panay ang check niya kung nasaan si Jennica. Inaalam nito kung nasa bahay na ba ito o kung nasa trabaho pa. May tiwala naman daw ito kay Mart dahil alam niyang mahalaga rin sa binata ang career nito.

"May tiwala ako sa dalawang ‘yan," sabi ni Jean sa panayam ng PEP. "Lalo na sa anak ko, she will never do anything na hindi ko gusto. Pinalaki ko na maayos at punung-puno ng pangaral si Jennica.

Continue reading below ↓

"I know na she will never break the trust na meron ako sa kanya. But as her mother, nandiyan ako parati to guide her. She's only 18 years old at kailangan pa niya ang pagkalinga ko. Si Jennica naman, she's very open sa akin. I know all her secrets kaya kung magkakaroon ng anumang problema, malalaman ko."

Sa ngayon ay kampante si Jean na magiging maayos ang relasyon ng dalawa. Importante raw kasi sa dalawa ang showbiz career nila kaya magiging focused sila sa trabaho.

"Pinagsasabihan ko naman ang dalawang ‘yan na mahalin nila ang trabaho nila. They are given the best opportunities sa edad nilang ‘yan. Huwag nilang sayangin. Nakikita ko naman na talagang serious sila sa trabaho and that is very important," pahayag ni Jean.

Sa pagtatapos ng Ako Si Kim Samsoon, sunod na mapapanood ang tambalan nina Jennica at Mart sa bagong telefantasya na Gagambino na pagbibidahan ni Dennis Trillo.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"May tiwala ako sa dalawang ‘yan. Lalo na sa anak ko, she will never do anything na hindi ko gusto. Pinalaki ko na maayos at punung-puno ng pangaral si Jennica," says Jean Garcia about daughter Jennica Garcia and boyfriend Mart Escudero.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results