Ogie Alcasid says media will not get anything from ex-wife Michelle Van Eimeren

IMAGE 0


"I don't think na may mapapala sila kay Michelle. Hindi nashowbiz yung tao. Hindi na siya basta haharap pa sa media para sa kunganu-anong tanong. They will just be here to be part of the celebration," saysOgie Alcasid about ex-wife Michelle Van Eimeren's return to the Philippineswith their kids.



Babalik sa Pilipinas ang mgaanak ni Ogie Alcasid kasama ang dating asawang si MichelleVan Eimeren kaugnay ng pagtatanghal ng 20th showbiz anniversary concertng singer-songwriter-comedian na Twenty/Twenty na gaganapin sa AranetaColiseum sa September 27.

Ilang araw bago ang nabanggit na date ay nasa Pilipinas naang mga anak ni Ogie, kaya may nagsabi rito na kukuyugin ang mga ito ng mediaat press. Tiyak na kukulitin si Michelle tungkol sa mga bagay-bagay na maykinalaman kina Ogie at Regine.

"Basta, sa isang hotel sila titira," obvious napag-iwas ni Ogie sa isyu. "Hindi naman sa itatago ko sila sa media atpress. Tiyak na may mga makaka-trace pa sa kanila, pero I don't think na maymapapala sila kay Michelle.

"Hindi na showbiz yung tao. Hindi na siya basta haharappa sa media para sa kung anu-anong tanong. They will just be here to be part ofthe celebration."

Dito masusubok kung paano mame-maintain ni Ogie ang stance niya tungkolsa pag-iwas sa pagdalirot ng press sa kung anu-anong personal na bagay.

"Kasi, naipaliwanag ko na rin 'yan ng ilang beses,hindi kami basta magsasalita habang nariyan yung annulment proceedings sa kasonamin ni Michelle.

"Always welcome naman si Michelle sa Pilipinas. Sheknows for a fact that our kids are still Filipinos, kahit Australian citizenssila. May roots pa rin sila rito sa Pilipinas.

"Pupunta lang sa bansa ang mga anak ko para sabakasyon," aniya pa.

Eleven years old na ang anak ni Ogie na si Leila, samantalangang bunsong si Sarah ay around five years old na.

"Hindi pa sigurado ang itinerary nila, pero nagbabalakkasi kaming magbakasyon din sa Boracay, kung may time pa," banggit niOgie.

INSECURE REGINE? May isyu pang nginangatngat nanaman ng insecurities si Regine sa pagbabalik ng mga anak ni Ogie kay Michelle.Napabalita noon na everytime pupunta si Ogie sa Australia ay talagangnag-iiiyak daw sa pighati si Regine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ganoon?" natatawang reaksiyon ni Ogie."Sakyan ko kaya 'yan? Seriously speaking, hindi naman totoo 'yan. Not foranything else, pero nalulungkot siyempre yun kapag nahihiwalay ako sa kanya.

"Yun ngang nasa Los Angeles si Regine, text kami nangtext. Kahit paano, may kulang din sa akin kapag wala siya sa tabi ko. Ganoonlang yun.

"I don't think na kung nag-i-insinuate sila ng conflictwith Regine and my kids, never na mangyayari 'yan. I'm sure of that.

"Ayoko nga lang talagang nagsasalita pa tungkol kinaMichelle at Regine dahil pinagsasabihan na kami ng lawyers namin, na kung gustonaming maayos ang annulment, kailangang we prohibit ourselves fromtalking," sabi ni Ogie.

SPOILED KIDS. How true? Super-spoiled daw ang mgaanak ni Ogie at ang lahat ng magustuhan ng mga ito ay ibinibigay sa kanila ngama.

"Hindi naman ako namumroblema, pero may time lang namahirap paliwanagan ang mga bata, kasi, lumaki sila sa isang rich country nagaya ng Australia.

"E, rito sa Pilipinas, maraming pulubi, mga namamalimossa kalye at maaga pa lang, may mga kabataan nang kailangang maghanapbuhay. Ofcourse, hindi naman daranasin ng mga anak ko yun, pero gusto kong ma-realizenila na ganoon ang tunay na buhay. Hindi lahat ng magustuhan nila, kailangangmakuha nila ng ganoon lang.

"May time na si Leila, nahilig sa pangangabayo. Aba, gustoba namang ibili ko siya ng kabayo! E, pagkamahal-mahal niyon, ah!

"Tingnan mo, hindi naman praktikal. Kasi, iba na rinang gusto niya. Nahihilig naman siya sa sewing at ballet.

"But, my kids know how to fix their beddings. Kapagnagising na sila, aayusin na nila yung pinagtulugan nila. May maliliit silangchores sa bahay, kasi, hindi naman sila sinanay ni Michelle na may nanny.

"Maski noong nasa Pilipinas sila, personal silanginaalagaan ng mommy nila. Hindi kami nagde-depend sa mga katulong, kaya independentsila," sabi pa ni Ogie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tiyak na another milestone sa career ni Ogie ang kanyang20th anniversary concert dahil, aside from his past achievements, another GoldRecord Award was given to him by Universal Records dahil sa outstanding salesng The Great Filipino Songbook, isang updated compilation ng oldclassics sa sariling interpretasyon ni Ogie.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN