Mark Herras admits MU with Ryza Cenon and crush on Katrina Halili in the past

by Nora Calderon
Sep 8, 2008
In Showbiz Central's Killer Task, Mark Herras was asked to name two other actresses that he got involved with but did not become a big news.

Sunud-sunod ang intriga kay Mark Herras. Una na rito ang balitang galit daw sa kanya ang mga fans ni Rhian Ramos, na dalawang beses na niyang nakatambal, una sa Sine Novela na My Only Love ng GMA-7 at ang I.T.A.L.Y. (I Trust And Love You) na co-production venture ng GMA Films at Viva Films.

May banta pa diumano ang fans ni Rhian na ibu-boo nila si Mark sa premiere night ng I.T.A.L.Y. sa Linggo, September 14, sa SM Megamall. Nagagalit naman daw ang mga fans ni Mark at handa silang lumaban para sa kanya.

Isa ito sa itinanong ng PEP sa kanya noong presscon ng movie sa Executive Lounge ng GMA Network Center, kung ano ang gagawin niya kung sakaling totohanin ng mga fans diumano ni Rhian ang balak nila.

"Ayoko pong isipin na mga totoong fans nga sila ni Rhian," seryosong sagot ni Mark. "Kasi kung totoong fans sila ni Rhian, hindi nila gagawin ‘yon dahil alam nilang magkatambal lang kami ni Rhian at walang katotohanan ang ibinibintang nila sa akin. Kaya ang ipinapakiusap ko na lang sa kanila, kung talagang fans sila ni Rhian, suportahan na lang nila ang movie namin. Yun din naman ang pakiusap ko sa mga fans ko, lalo na yung mga close sa akin, na tulungan na lang nila kami para kumita ang pelikula namin."

Continue reading below ↓

Tuloy, wala nang inilihim si Mark sa Showbiz Central kahapon, Sunday, September 7, nang humarap siya sa "Central Jury" segment, hosted by Rufa Mae Quinto and DJ Mo Twister. Pinag-usapan ang tungkol sa kanyang personal na buhay at ang kanyang love life, in connection na rin sa promo ng I.T.A.L.Y.

KILLER QUESTION. Parehong sinagot ni Mark ang Killer Question at Killer Task, sa katuwaan ng audience. Sa Killer Question, tinanong siya kung totoong hindi siya ang humahawak ng kinikita niya. Sa halip, binibigyan lang siya ng allowance ng kanyang Daddy Jun, dahil ayaw nitong gastusin lang ni Mark ang pera niya sa walang kabuluhang bagay.

Paliwanag ni Mark, "Matagal nang ganoon ang ginagawa namin ni Daddy Jun at ni Tito Hermie [kapatid ng mommy niya]. Mahirap din po sa akin na ako pa ang nag-aasikaso sa pera ko, sa mga babayaran ko. Okey lang sa akin na binibigyan lang nila ako ng allowance.

Continue reading below ↓

"Kung may kailangan naman po akong bilhin, humihingi ako sa kanila. Kung kulang naman ang allowance ko, halimbawa gumimik ako, tumatawag lang ako sa kanila na kulang ang pera ko, dinadalhan nila ako. Hindi po question sa akin ang tungkol sa pera, dahil nakita naman na sa maayos na patakbo sa pera ko, nakabili ako ng bahay, ng bagong kotse, at iba pang pangangailangan namin."

KILLER TASK. Ang Killer Task na ipinagawa sa kanya ay magbigay siya ng dalawang pangalan ng babaeng na-involve sa kanya, pero hindi masyadong napag-usapan.

"Una po si Ryza Cenon," pag-amin ni Mark. "Nagkaroon kami ng MU [mutual understanding] ni Ryza noong break na kami ni Jennylyn [Mercado]. Pero hindi po ‘yon nagtuloy dahil nang malaman ng network, sabi nila dapat ko raw ingatan ang love team namin ni Jen. Ilang beses din kaming nagtambal ni Ryza, pero nawala na yung MU namin, friends na lang kami."

Continue reading below ↓

Sino naman ang pangalawa?

"Sorry, hindi niya alam ito, ngayon ko lang sasabihin at ngayon lang niya malalaman...si Katrina [Halili]. Hindi niya alam na na-in love ako sa kanya, dahil hindi naman naging pormal na ligawan ko siya, at hindi niya alam na love ko siya. Happy lang ako noon na nakakasama ko siya sa mga lakad namin ng barkada [first batch ng StarStruck] at nang mag-celebrate siya ng birthday, nandoon ako with our friends. Friends na lang kami talaga ngayon ni Katrina."

Biniro naman si Mark ni Mo na may "killer info" naman daw na naging sila rin ni Rufa Mae Quinto.

"Hindi, naging close lang talaga kami, ‘tulad din ng ibang cast ng I.T.A.L.Y."

Sagot naman ni Rufa Mae, sasagutin daw niya yung "killer info" next Sunday sa Showbiz Central din.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
In Showbiz Central's Killer Task, Mark Herras was asked to name two other actresses that he got involved with but did not become a big news.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results