Jake Cuenca admits dating Bea Alonzo

by Rommel R. Llanes
Sep 8, 2008
"Hindi naman po sa wala akong PR. Ang laki-laki nga po ng utang na loob ko sa mga press kaya bakit ko naman po sila dedeadmahin o hindi papansisin? Kung may mga hindi po ako napapansin sa kanila at na-offend ko po sila, sorry po, hindi ko po yun sinasadya. Baka po ‘pag minsan, hindi ko lang talaga sila nakikita dahil nagmamadali ako," explains Jake Cuenca about complains that he snubs some members of the entertainment press.

Sa isang interview ni Andrew Schimmer ay sinabi niya na "mayabang" na raw ngayon ang dati niyang kaibigan na si Jake Cuenca. Nang magkita raw kasi sila sa isang awards night ay hindi na siya nito pinansin.

Ayon pa kay Andrew, mula raw nang magkasunud-sunod na ang project ni Jake ay nagbago na raw talaga ito. Malayong-malayo na raw ang ugali nito sa dating Jake na nakilala niya noong kasama pa niya ito sa GMA-7.

Sinubukan ng PEP (Entertainment Portal) na kunin ang reaction ni Jake, kahapon, September 7, pagkatapos ng ASAP ‘08 tungkol sa sinabi sa kanya ni Andrew. Pero ayaw nang mag-comment pa tungkol dito ng young actor.

Sabi ni Jake, "Ayoko na pong magsalita tungkol diyan. Siyempre, masakit po sa akin yun dahil itinuring ko po siyang kaibigan at hanggang ngayon naman ay itinuturing ko pa rin naman siyang kaibigan."

Hindi lang si Andrew ang may tampo kay Jake. Maging ang ilan sa entertainment writers ay nagtatampo rin daw sa aktor. Ilang beses na raw kasi nilang na-interview si Jake, pero tuwing nakikita sila nito sa ibang lugar ay deadma lang sa kanila ang binata. Wala raw PR si Jake.

Continue reading below ↓

"Hindi naman po sa wala akong PR. Ang laki-laki nga po ng utang na loob ko sa mga press kaya bakit ko naman po sila dedeadmahin o hindi papansisin? Kung may mga hindi po ako napapansin sa kanila at na-offend ko po sila, sorry po, hindi ko po yun sinasadya. Baka po ‘pag minsan, hindi ko lang talaga sila nakikita dahil nagmamadali ako.

"Malapit po sa akin ang press. Nung nasa GMA-7 pa lang ako, nung nagsisimula pa lang ako, grabe na ang suporta sa akin ng press. Mahal na mahal ko po ang press," saad niya.

DATING BEA. Sa isang interview kay Bea Alonzo ay inamin nito na lumalabas sila ni Jake. Pero hindi lang daw silang dalawa, grupo raw sila kung lumabas. Pero ayon kay Jake ay nagkaroon na rin naman daw ng mga pagkakataon na lumabas sila ni Bea na silang dalawa lang.

"Basta lumabas na kaming dalawa, nagdi-date. Pero hindi namin binibigyan ng kahulugan kung anuman meron kami ngayon. Basta magkaibigan kami," sabi niya.

Continue reading below ↓

'Pag nagdi-date sila ni Bea, saan sila nagpupunta?

"Sa amin na lang yun!" natatawang sagot ni Jake.

Darating ba sa puntong liligawan niya si Bea?

"Basta sa ngayon, ini-enjoy lang namin yung friendship namin," maikling sagot ni Jake.

STILL IN CONTACT WITH ROXANNE. Si Roxanne Guinoo ang ex-boyfriend ni Jake. Totoo nga ba na mula nang maghiwalay sila ay hindi na sila nagpapansinan kahit nagkikita sila sa isang lugar o okasyon?

"Hindi po yun totoo," tanggi niya. "Nag-uusap naman kami. Bale kinamusta ko nga po siya nung magkasakit siya, e. Wala kaming problema sa isa't isa."

Masasabi ba niya na friends sila ni Roxanne?


"Opo, friends kami," sagot ni Jake.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Hindi naman po sa wala akong PR. Ang laki-laki nga po ng utang na loob ko sa mga press kaya bakit ko naman po sila dedeadmahin o hindi papansisin? Kung may mga hindi po ako napapansin sa kanila at na-offend ko po sila, sorry po, hindi ko po yun sinasadya. Baka po ‘pag minsan, hindi ko lang talaga sila nakikita dahil nagmamadali ako," explains Jake Cuenca about complains that he snubs some members of the entertainment press.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results