Katrina Halili answers new issues on arriving from the U.S.

by Rose Garcia
Sep 7, 2008
"Hindi ko po talaga alam kung saan nanggagaling ‘yan. Siguro napapansin po nila, kasi noong bago po ako umalis, three weeks po ako na walang tulog. Dire-diretso po yung Magdusa Ka, Obra, ‘tapos nag-shoot pa ako ng Sundo kasi kailangan ko pong umalis," explains Katrina Halili about reports that she has developed an attitude because of her success now.

Bumalik na sa Pilipinas ang young sexy actress na si Katrina Halili after almost three weeks of stay in the United States. Kasama niya sina Jonalyn Viray at Kris Lawrence para sa series of shows kaugnay ng promotion ng GMA Pinoy TV sa California.

Pero ngayong nasa bansa na, trabaho pa rin ang aatupagin ni Katrina. Magsisimula na siyang mag-taping ng Gagambino kasama si Dennis Trillo at magre-resume na rin siya ng shooting para sa Sundo with Robin Padilla. Abala rin si Katrina ngayon para sa promo ng isang men's magazine, kung saan siya ang nasa cover.

Ngunit sa kabila ng trabaho, sari-saring intriga pa rin ang kinakaharap ngayon ni Katrina. Live na humarap ang sexy Kapuso star sa Startalk kahapon, September 6, at nakapanayam siya nina Butch Francisco at Lolit Solis.

Itinanggi ni Katrina ang isyung yumayabang na raw siya dahil sa natatamong tagumpay. Aniya, "Unang-una, kung yumabang na po ako, nang dumating ako, wala nga po akong escort sa airport. Wala rin akong sundo. Nagpahatid pa ko sa crew ng Startalk. Kaya sabi ko nga po, ‘Thank you po ha, nandito kayo.' ‘Tapos, naka-economy class pa ko, di ba?"

Continue reading below ↓

Ayon kay Lolit, baka raw may mga naiinggit lang kay Katrina kay may isyung yumayabang na siya. Tanong naman ni Butch, kung nagbago ba ang pakikitungo niya sa mga tao.

"Hindi ko po talaga alam kung saan nanggagaling ‘yan. Siguro napapansin po nila, kasi noong bago po ako umalis, three weeks po ako na walang tulog. Dire-diretso po yung Magdusa Ka, Obra, ‘tapos nag-shoot pa ako ng Sundo kasi kailangan ko pong umalis.

"Siguro, hindi na ako masyadong nakakapag-smile. Siguro po, yun lang, pero hindi naman, hindi naman nagbago," diin niya.

CASTING ISSUE. Is it true na pinapalitan daw niya ang lahat ng co-stars niya sa One Night Only ng OctoArts Films?

"Ay, hindi po ako ang nagpapalit!" tanggi niya. "Pero alam ko po, inaayos po nila. Kararating ko lang po kasi kaya wala pa po akong alam. Sila Boss Orly Ilacad po ang nag-aayos. Hindi ko pa po sila nakakausap ulit. Pero matutuloy po, One Night Only."

Continue reading below ↓

Ang naturang isyu sa casting ng One Night Only ay nagsimula nang balitang ipina-pullout ng Star Magic—ang talent arm ng ABS-CBN—ang lahat ng contract artists nila sa pelikula. Ayon sa mga report na lumabas, ayaw raw ng Star Magic na magmukhang suporta ang mga artista nila gaya nina Angelica Panganiban, Roxanne Guinoo, at Diether Ocampo kay Katrina, na talent ng GMA-7.

SEXY PICTORIAL. Tinanong naman ni Lolit si Katrina kung bakit pumayag ang young sexy actress na magpa-pictorial sa Maxim, to think na kalaban ito ng FHM, kung saan hinirang siya bilang Sexiest Woman ng dalawang beses. Ito ba ay dahil sumama ang loob niya dahil hindi siya ang napiling sexiest Pinay sa FHM this year kaya nagpaka-daring naman siya sa kalabang magazine nito?

"Hindi po, hindi naman talagaa ko sa FHM," paglilinaw ni Katrina. "Sabi ko nga po sa Maxim, 'Bakit ngayon n'yo lang ako kinober e, ang tagal-tagal na?'"

Continue reading below ↓

Pero pinaalala ni Butch kay Katrina na iba ang naging sagot niya sa tanong during her VTR. Natawa si Katrina rito at sabay sabi na lang na, "Open naman po ako sa kahit saan magazine na mai-cover, so sana i-cover n'yo na ako."

Pero bakit mas daring ang cover shoot niya ngayon?

"E, siyempre, ganoon naman pong talaga. Siyempre, mas natututo na ako ngayon. Kasi, di ba, palagi naman akong nagpi-pictorial? Pero wala naman akong ipinapakitang private parts ko. Pero palagi naman akong paseksi nang paseksi. Ang baduy naman kung nakadamit ako, di ba?" paliwanag niya.

MARVIN & DENNIS. Tungkol naman sa kanyang love life, totoo bang nanliligaw sa kanya si Marvin Agustin?

Mabilis na "hindi po" ang sagot ni Katrina. Pero hiniritan siya ni Lolit na bakit parang nandidiri raw siya.

"Nay, hindi po...kaibigan ko po yun!" natatawang sagot ni Katrina.

What about Dennis Trillo?

"Kaibigan ko rin po si Dennis."

Continue reading below ↓

Tinanong naman ni Lolit si Katrina na kung siya si Cristine Reyes at nakipag-break sa kanya si Dennis dahil sa rason na career move, ano ang magiging reaction niya?

"E, maiintindihan ko naman po yun. At saka, bata pa rin naman ako. So, career din muna. Bata pa ko, marami pang boys!" natatawa niyang sagot.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Hindi ko po talaga alam kung saan nanggagaling ‘yan. Siguro napapansin po nila, kasi noong bago po ako umalis, three weeks po ako na walang tulog. Dire-diretso po yung Magdusa Ka, Obra, ‘tapos nag-shoot pa ako ng Sundo kasi kailangan ko pong umalis," explains Katrina Halili about reports that she has developed an attitude because of her success now.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results