Mother Lily Monteverde: "I don't like Angel's manager because she is a liar."

Sep 8, 2008
"Well, she will always be my daughter. Siyempre ang mga anak nakakagawa ng kasalanan. But I don't believe her manager," says Mother Lily Monteverde about Angel Locsin and her manager, Becky Aguila.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang movie producer na si Mother Lily Monteverde right after the question-and-answer portion sa presscon ng Mag-ingat Ka Sa ...Kulam last Saturday night, September 6, sa Imperial Palace Suites. Ang naturang horror film, na tinatampukan nina Judy Ann Santos at Dennis Trillo, ang unang handog ng Regal Entertainment para sa year-long celebration ng kanilang 48th anniversary.

Tinanong ng PEP si Mother Lily kung ano ang nararamdaman niya sa pagdiriwang ng ika-48 anibersaryo ng kanyang film outfit.

"Well, I think it's a great thing what we have done for Regal Films. We will always be there and forever," saad ni Mother Lily.

Inasahan ba niya na tatagal ang Regal Films ng 48 years sa kabila ng problemang kinaharap niya at ng buong movie industry?

"Well, it has been my dream, it is always a dream, and it's always a beautiful dream, and the dream will always comes true."

Continue reading below ↓

Mga ilang taon pa kaya ang nakikita niya bago makamit ang tagumpay ang Regal Films?

"You know, till the end of my life," ngiti sabay hagikhik ng lady producer.

Kasabay ng pagdiriwang ng anibersaryo ng Regal ang kaarawan ni Mother Lily. Natawa ang lahat kay Mother Lily nung sinabi niya na type niya ang numerong 69, na siya ring edad niya ngayon.

"My birthday wish is to make me a better person and I always want to change for a better one, and I always want to feel young. I'm 70 but I want to feel like 17."

Nagbigay-paliwanag din si Mother Lily tungkol sa petsa ng birthday niya. Aniya, "My birthday in Chinese is on September 17. But the other one si August 19. It falls on the birthday of [Bill] Clinton and Manuel L. Quezon."

Kung meron siyang problema ngayon na gusto niyang maayos, ano kaya ‘yon?

"Problema? Wala. No, of course I want all of us na we will always be together, ‘yan ang bonding. The whole showbiz will help one another, from networks to all independent producers. Sana it should be guided na kailangang mag-align and make everybody happy."

Continue reading below ↓

NO, THANKS. Sa naturang presscon din in-announce ng manager ni Judy Ann na si Alfie Lorenzo dapat sana'y surprise birthday party ng ABS-CBN at Star Cinema Productions para kay Mother Lily. Pero tinanggihan na raw ito ng Regal matriarch.

"No naman," depensa ni Mother Lily. "Because I want to make it very simple. Ayoko na ng malaking party. Wala namang party. It's just a simple celebration with my family," paliwanag ng film producer.

Wala naman daw siyang sama ng loob o galit sa ABS-CBN at Star Cinema kaya ngayon pa lang ay tinanggihan na niya umano'y surprise party para sa kanya.

"Siyempre naman, mahal ko rin si Gabby Lopez, ‘no?"

"I DON'T LIKE ANGEL'S MANAGER." Nagkita na ba sila ni Angel Locsin pagkatapos ng isyu tungkol sa kontrata ng young actress sa Regal?

"Well, I haven't seen her but I just feel that I release her because I wanted her to grow. But I'm sorry to say that I don't like her manager [Becky Aguila] because she is a liar. If it comes to place to sue her, definitely, if I ever file an injunction, matatalo ang Star Cinema. But I don't want to do that for the sake of ABS-CBN and Gabby Lopez. Pero hindi ako okey doon sa manager. Basta Angel, I have nothing against her. She just follows her manager," pahayag ni Mother Lily.

Continue reading below ↓

So, okey lang sa kanya ang movie na gagawin ni Angel with Piolo Pascual under Star Cinema?

"Well, of course. Kaya lang, there are times when I read in the papers na her lawyer always say na tapos na ang contract, napipikon ako. Kasi I look stupid, e. Di ba, parang hindi...sana nagpapasalamat na lang sila in print. Although, Angel sent me a flower and say thank you for everything naman, e.

"Well, she will always be my daughter. Siyempre ang mga anak, nakakagawa ng kasalanan. But I don't believe her manager. That's what I told Malou Santos. Sinabi ko na kay Malou, e, I only released her because of Gabby Lopez. I want our business relationship, and as friend, we'll always be there na it cannot be broken. That's why I have to sacrifice for a sue case."

Naniniwala ba si Mother Lily sa kasabihan na sacrifice is the key to paradise?

Continue reading below ↓

"Yeah, I will have so many blessings in my life. Baka I might not have blessed this, I may not have Angel Locsin. But ano, e, ang daming blessing na binigay ni Lord sa akin. Now, I have learned a lot and for this is just the beginning of my life, and I also wanted to change myself to a better me."

Totoo bang sinabi niya na bilang kapalit ng kontrata ni Angel sa Regal ay hihilingin niya sa Star Cinema na ipahiram din sa kanya ang bankable male stars ng nabanggit na film outfit?

"No naman," sagot ni Mother Lily. "There is no exchange deal. Only, it's just a proposal. If ever they will not grant, sorry. Okey lang. Just let God handle everything. Marami namang bagay na hindi mo makukuha. Marami ring bagay na makukuha mo. Hindi naman lahat makukuha."

Hindi raw siya magtatampo sa Star Cinema kapag hindi siya sa pagbibigyan sa kanyang kahilingan.

Continue reading below ↓

"Of course not. I cannot argue with success," pagtatapos ni Mother Lily.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Well, she will always be my daughter. Siyempre ang mga anak nakakagawa ng kasalanan. But I don't believe her manager," says Mother Lily Monteverde about Angel Locsin and her manager, Becky Aguila.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results