Katrina Halili clueless about Mother Lily's plan to sue her for contract violation

Sep 8, 2008
"Pasensiya na dahil hindi ko maintindihan ang puno't dulo ng istoryang 'yan dahil ang sabi ng lawyer namin, mukhang naayos na ang tungkol sa bagay na 'yan. Nakausap na ng lawyer namin si Mother Lily..." says Katrina Halili about Mother Lily Monteverde's plan to sue her for contract violation.

Sa ginanap na press conference para sa pelikulang Mag-ingat sa... Kulam ng Regal Entertainment sa Penthouse ng Imperial Palace Suites last Saturday, September 6, naitanong ng entertainment press kay Mother Lily Monteverde ang isyu tungkol kay Katrina Halili.

May lumabas kasing report na idedemanda raw ng Regal matriarch si Katrina dahil sa paglabag nito sa kontratang pinirmahan para sa Regal. Hindi pa man daw ito natatapos ay nagsara na ng deal ang kampo ni Katrina sa OctoArts Films.

Nasabi nga ni Mother Lily na hinihintay pa rin niya ang lawyer ni Katrina na makipag-usap sa kanila para ayusin ang problemang ito.

Agad namang kinuha ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang side ni Katrina, na mukhang pupungas-pungas pa sa kabilang linya ng telepono dahil ngayon pa lang siya bumabawi ng tulog. Kagagaling lang kasi ng young sexy actress sa U.S., kung saan nagkaroon siya ng mga personal appearances doon.

"Wala akong alam na idedemanda raw niya ako, kasi wala pa naman akong natatanggap na subpoena," tila clueless na nasabi ni Katrina sa PEP. "Ang nakipag-usap talaga kay Mother Lily ay ang father ko, at ang lawyer namin na si Atty. Palad. Sila ang mas nakakaalam ng detalye.

Continue reading below ↓

"Pasensiya na dahil hindi ko maintindihan ang puno't dulo ng istoryang 'yan dahil ang sabi ng lawyer namin, mukhang naayos na ang tungkol sa bagay na 'yan. Nakausap na ng lawyer namin si Mother Lily. Tungkol sa nature ng kontrata sa OctoArts, mas mabuting ipaharap ko na lang sa press ang lawyer ko sa takdang panahon, pero kailangang magkaliwanagan. Mukha kasing malabo rin ang mga lumalabas na isyu.

"Palagay ko, kailangan lang talagang magkaintindihan at magkausap-usap uli. Hindi ko rin alam ang sinabi ni Mother sa lawyer namin, pero si Atty. Palad ang nagsabi sa amin na okey naman daw," saad ni Katrina.

Confident si Katrina na maaayos ito at hindi na aabot pa sa puntong maiisyuhan ng TRO (Temporary Restraining Order) ang One Night Only, ang pelikulang gagawin ni Katrina sa bakuran ng kumpanya ni Mr. Orly Ilacad.

Speaking of One Night Only, naayos na ba yung gusot sa casting?

Continue reading below ↓

"Palagay ko, naayos na ang problema, pero hindi ko pa rin alam ang kumpletong casting. Hindi pa talaga nagpu-full blast ang shooting namin dahil hinintay pa akong makabalik from the U.S.," sabi niya.

Yung mga talents daw ng Star Magic na orihinal na isinama sa cast ay napabalitang nagsipag-atrasan nang malamang si Katrina ang ibebentang pinakabida sa pelikula.

"Hindi naman totoo 'yan, isa lang ako sa mga bida," paglilinaw ni Katrina. "Nagkataon kasi na nasabay yung naunang presscon sa pagpirma ko ng contract sa Octo, kaya parang lumalabas tuloy na pelikula ko lang ang One Night Only.

"Para kasing dalawang projects ang pinag-uusapan that time. Marami tuloy ang nag-conclude na ako ang pinakabida sa pelikula. Pero kung totoong may mga nagsipag-back out, wala naman akong magagawa doon. Hindi naman sasama ang loob ko, kasi desisyon nila yun, and they have their reasons.

"Kung totoo man yun, it's all up to them. Hindi naman ako nagkukuwestiyon. Ang iniintindi ko lang, inilapit sa akin ang project, may kontrata ako sa Octo, yun ang hinaharap ko. The same way na naghihintay lang naman ako ng project sa Regal, at mayroon pa akong ginagawa para sa ibang kumpanya [GMA Films], ang Sundo. At saka hindi naman kami pumipirma ng kontrata na hindi maayos at hindi tinitiyak ang terms and conditions."

Continue reading below ↓

FOLLOW-UP PROJECT WITH DENNIS. Katatapos pa lang ng Magdusa Ka, heto at sila na naman ni Dennis Trillo ang magkasama sa Gagambino.

"Natutuwa ako dahil napatunayan namin ni Dennis na magki-click kami. Kasi noong una, nakaka-discourage ang comments ng iba na kesyo pang-kontrabida lang daw ako. Malaki ang pasasalamat ko sa GMA-7 dahil sa tiwala nila, at kahit paano, may napatunayan ako na kaya ko naman sigurong magbida, kaya nga may bago uli akong assignment. At sunud-sunod din ang ginagawa kong pelikula," pagwawakas ni Katrina.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Pasensiya na dahil hindi ko maintindihan ang puno't dulo ng istoryang 'yan dahil ang sabi ng lawyer namin, mukhang naayos na ang tungkol sa bagay na 'yan. Nakausap na ng lawyer namin si Mother Lily..." says Katrina Halili about Mother Lily Monteverde's plan to sue her for contract violation.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results