All-female group Mocha cries foul over "lesbian" tag

Sep 9, 2008
"Wala kaming nakikitang masama sa ginawa namin. Ang masakit dito, kinunan ang mga litrato nang hindi namin alam at inilabas sa isang diyaryong tahasang nag-akusa sa aming kami'y mga lesbiyana," says Mocha (left) about photos of her and fellow Mocha member Hershey (right) kissing in a swimming pool.

Noong nakaraang linggo ay lumabas sa dalawang magkasunod na issue ng tabloid na Pinoy Parazzi ang mga litrato ng grupong Mocha, na kuha diumano sa isang private pool party ng naturang all-female group. Kita sa mga nasabing larawan ang malinaw na paghahalikan ng dalawa sa mga miyembro ng grupo na sina Mocha at Hershey, na nagresulta sa pagkukuwestiyon ngayon sa kanilang pagkababae at katauhan, kung saan sa isang issue ng naturang tabloid ay tahasan pa silang tinawag na mga "lesbian."

Hindi itinanggi nina Mocha at Hershey ang nangyaring halikan ngunit laking gulat nila nang kumalat ang mga naturang larawan dahil ayon sa kanila, "girls' night out" sa isang pribadong resort sa Laguna kuha ang mga ito ilang linggo lang ang nakararaan.

Noong nakaraang Sabado, September 6, ay nagsalita na ang grupo sa Startalk, kung saan binigyang linaw nila ang lumabas na issue. Sinabi nila sa naturang interview ang epekto ng kontrobersiya na ito sa kanilang mga pamilya at kaibigan na siyang mas naapektuhan bunsod ng mga negatibong paratang na kanilang naririnig bunga ng "malalaswang larawan" na inilabas ng anila'y mapanirang tabloid.

Continue reading below ↓

Labis ding ipinagtataka ng grupo kung paano sila nakunan at kung paano nailabas yun ng Pinoy Parazzi. Wala naman daw sa kanilang grupo na kumukuha ng litrato that time, lalo pa nga't puro babae silang magkakasama noon. Kaya imposible raw na isa sa mga kagrupo nila ang gagawa noon at ibibigay pa sa tabloid para ilathala.

Sa phone interview ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kina Mocha at Hershey, muling tahasang pinabulaanan ng dalawa na sila ay mga lesbian.

"Kami po ni Mocha ay hindi lesbiyana. Normal lang yung nangyari dahil mag-best friend kami. Laro-laro lang po yun kasi nga nagtu-truth or dare kami," paliwanag ni Hershey.

Dagdag ni Mocha, "Wala kaming nakikitang masama sa ginawa namin. Ang masakit dito, kinunan ang mga litrato nang hindi namin alam at inilabas sa isang diyaryong tahasang nag-akusa sa aming kami'y mga lesbiyana."

"Basta ang masasabi lang namin, hindi kami against sa mga lesbiyana, nirerespeto namin sila. Ang issue dito ay yung pag-violate sa aming privacy at pagkalat ng maling paratang laban sa amin," sabi pa nina Mocha and Hershey.

Continue reading below ↓

Nilinaw rin nila na hindi ito isang gimik. Bakit naman daw nila gagawin ito sa kanilang mga sarili. Sino ba naman daw ang may gustong gumimik para siraan ang sarili?

Inihayag din nina Mocha at Hershey na kasalukuyan nilang pinag-uusapan kasama ang kanilang manager na si Byron Cristobal kung ano ang posibleng hakbang na gagawin nila kontra sa Pinoy Parazzi. Kokonsulta rin daw sila sa abugado kung anong legal move ang puwede nilang gawin.

Samantala, sinubukan din ng Startalk na kunin ang panig ng Pinoy Parazzi at sinabi nilang magbibigay sila ng pahayag pagkatapos magsalita ni Mocha.

Read Next
Read More Stories About
Mocha
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Wala kaming nakikitang masama sa ginawa namin. Ang masakit dito, kinunan ang mga litrato nang hindi namin alam at inilabas sa isang diyaryong tahasang nag-akusa sa aming kami'y mga lesbiyana," says Mocha (left) about photos of her and fellow Mocha member Hershey (right) kissing in a swimming pool.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results