Sam Milby refuses to discuss details about "tampuhan" with Anne Curtis

Sep 24, 2008
Sam Milby says he and Anne Curtis are just friends, but is it okay with him if the Dyosa lead star would entertain suitors? He replies: "Siyempre, hindi okey para sa akin. Pero wala akong karapatan na sabihan siya na huwag siyang tumanggap ng manliligaw kasi hindi naman kami. But I still believe that if you're really meant for each other, yun ang mangyayari."

Tuwing tinatanong sina Anne Curtis at Sam Milby kung ano ang estado ng kanilang relasyon, laging "special friends" lang sila ang sagot nila. Kahit maraming nagsasabi at nagpapatunay na talagang may relasyon na sila ay panay pa rin ang pag-deny nila.

Pero kamakailan ay napabalita na nagkaroon ng matinding tampuhan sina Anne at Sam, at labis daw nasaktan ang young actress. Sabi tuloy ng marami, kung magkaibigan lang sila, how come dinamdam daw nang husto ni Anne ang away nila ni Sam?

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Sam kahapon, September 7, after ng ASAP '08. Ayaw nang magbigay pa ng anumang pahayag si Sam tungkol sa naging tampuhan nila ni Anne.

"Sinagot na ni Anne kung ano yung pinag-awayan namin, so yun na yun," iwas ni Sam. Subalit maging si Anne ay hindi idinetalye kung ano talaga ang pinag-awayan nila ni Sam. Basta ang sinabi lang ng dalaga ay magkaayos na sila ni Sam.

Continue reading below ↓

How true na isa si Jericho Rosales sa dahilan ng awayan nila ni Anne? Pinagseselosan daw kasi ni Sam si Jericho, na katambal ng dalaga sa pelikulang Baler ng Viva Films.

"Hindi ko pinagseselosan si Echo," diin ni Sam. "Friends lang naman talaga kami ni Anne, wala kaming commitment. Laging nangyayari yun. If there's movie coming up, laging may intriga. Promotion din kasi yun. Pero trabaho lang naman yung sa kanila."

Dagdag niya, "Napanood ko naman yung movie ni Anne with Aga Muhlach [When Love Begins], maraming kissing scenes doon. Pero okey lang, trabaho yun, e."

Masasabi ba niya na more than friends ang relasyon nila ni Anne?

"Siyempre kung more than friends, siguro kayo na. Pero ano, parang yung importante... Alam naman niya kung ano yung feelings ko para sa kanya," ang maingat na sagot ni Sam.

Kung sinasabi niya na magkaibigan lang sila ni Anne at walang commitment, hindi ba siya masasaktan kung may manliligaw na iba kay Anne? Okey lang ba sa kanya na tumanggap ng manliligaw si Anne?

Continue reading below ↓

"Kung okey sa akin? Siyempre, hindi okey para sa akin," sagot niya. "Pero wala akong karapatan na sabihan siya na huwag siyang tumanggap ng manliligaw kasi hindi naman kami. But I still believe that if you're really meant for each other, yun ang mangyayari."

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sam Milby says he and Anne Curtis are just friends, but is it okay with him if the Dyosa lead star would entertain suitors? He replies: "Siyempre, hindi okey para sa akin. Pero wala akong karapatan na sabihan siya na huwag siyang tumanggap ng manliligaw kasi hindi naman kami. But I still believe that if you're really meant for each other, yun ang mangyayari."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results