Francine Prieto: So you wanna be a sexy star?

IMAGE 0

This exclusive interview of Hi! magazine is a proof that there's more to Francine Prieto than her being a sexy star. Dress: by Forever 21. (Hi! September issue)


Dahil may katawan ka naman, may itsura, marunong mag-project, and most of all, malakas ang appeal mo, kaya type mo nang maging sexy star. Think again. Dahil ang tunay na requirements go beyond that hourglass figure. Take it from Francine Prieto, who tells Hi! na ang talento at prinsipyo are what put the “star” in “sexy.”

Isa ka sa finest sexy stars of today. Pero bago mo narating ang status na yan, you joined a string of contests nung bata ka pa. Umpisahan natin sa "Little Miss Philippines" sa Eat Bulaga!. Naaalala mo pa ba kung ano’ng tanong sa ‘yo nun?

He-he-he. Mahiyain kasi ako nung bata, e. So, kahit ano’ng itanong mo sa ’kin, hindi talaga ako sasagot. Basta ang tanong sa ’kin ni Joey de Leon, kunyari naliligo raw ako at nawalan ng tubig, ano raw ang gagawin ko. Pero, hindi ko na maalala yung sagot ko, maliit pa ‘ko nun, e. Basta parang sinusundan ko lang din yung sinasabi ni Joey.

Ano pang mga contest ang sinalihan mo?

May pinasalihan pa sa ’kin, yung “Lotlot Look-Alike.” Ha-ha-ha! Oo, yung Lotlot and Friends sa Channel 9. Siyempre, hindi ako nanalo. Hindi ko naman kamukha si Lotlot [de Leon]. Pero may coronation night sila, Ms. Friendship yata ako. ’Tapos sumali rin ako sa “Munting Mutya ng Pilipinas,” yung sa Lunch Date.

May naipanalo ka ba sa mga yun?

Wala. Madalas lang, ‘pag nagmu-muse ako, yung Best Muse lang. Yun lang.

Nung nagdalaga ka na, hindi ka pa rin nawalan ng pag-asa?

Sumali pa ’ko sa Elite 1995 Model Look, isa ako sa 15 finalists. The next year, sumali ako ng Bodyshots 1996. ’Tapos 1998, may sinalihan ako, yung Ms. Southeast Asia Peninsula. Sa Thailand yun, tatlo kaming representative ng Philippines. Fifty kami lahat, pero dun, second runner-up ako.

And then came Binibining Pilipinas?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi pa! After nun, sumali pa ’ko ng Miss Fort Ilocandia. Actually dapat yun, yung sister ko ang sasali. Pero since sa age niya hindi pa puwede, ako tuloy ang pinasali. Sabi ni Mommy, “’Di bale, pang-practice mo lang yan!” Ha-ha-ha! E, kasi nga, sasali ako ng Binibining Pilipinas ng 2003, e.

Childhood dream mo ba ang makasali sa Binibini?

Hindi naman. Ang dami lang taong naghihikayat sa ‘kin. Kung hindi raw [Binibining Pilipinas], Mutya ng Pilipinas.

Dati ka na bang matangkad?

Hindi. Nung 13 ako, dun ako tumangkad. Naging 5’6” ako. Dati hindi, wala pa yatang 5 feet yung height ko nung una, e. ’Tapos nung nagka-mens, nagkasakit—yung lagnat, laki daw tawag dun—tumangkad na ’ko. Every year tumataas hanggang sa naging 5’10” na ’ko. Yun, nag-stop na dun.

DILANG-ANGHEL

Nung hindi mo nauwi ang korona sa Binibini, ano’ng sinabi mo sa sarili mo?

Kasi, ’di ba, sa Binibini, kahit hindi ka matawag sa top 5, aantayin mo yung ending, yung finale na kayong lahat [paparada]? Ako, hindi! Nagbihis na ’ko. Uuwi na talaga ’ko. E, ano pa’ng gagawin ko dun? Uwi na lang ako, gusto ko nang matulog. ’Tapos, kasama ko yung isang contestant pa, si Number 7 ’ata, si Faye, ’tapos nandun pa yung ibang mga manang sa Araneta. Sabi ko, “Hindi bale, magbo-bold star na lang ako!” Ayun, nagkatotoo naman siya. Ha-ha-ha!

Paano ka napunta sa sexy genre?

Nag-screening pa kasi muna ’ko ng Mutya. Kasi may kaibigan yung nanay ko na makulit. E, sabi ko, ayoko na nga. ’Tapos tinatanong ako, “O, yung mga ka-batch mo sa That’s [Entertainment] lahat nag-sexy na. Si Ara Mina, Patricia Javier, Maricar de Mesa. Bakit ikaw ayaw mo pa?” “Ay, hindi, may limitations po ako.” Hanggang kissing scene at wet look lang ako nun. Pero ipinakilala ako kay Robbie Tan ng Seiko. Sabi niya, “Ay iha, dapat wala kang limitations!” ’Ayun na nga, ang galing niyang manghikayat, e. Napapasok na ’ko sa sexy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano’ng expectations mo nung nag-uumpisa ka pa lang magpa-sexy?

Puro takot. What if gumawa ako ng movie, magpakita ako ng katawan, ’tapos biglang flop. Kasi, ang daming nagpasukang ganun, e. Isang pelikula lang, ’tapos biglang wala na sila. Yung pagpapakita ng katawan, okey lang. Nung sinabing dapat walang limitations, e, di, sige, walang limitations. Pero siyempre, dapat mo pa ring protektahan yung sarili mo. ’Di ba dati, ang dami-daming nagrereklamong mga artista na na-exploit sila? E, para sa ’kin, mae-exploit ka talaga kung hahayaan mo. Puwede ka namang magreklamo kung gusto mo. Puwede namang hindi mo gawin kung ayaw mo.

Ano ba ang biggest misconception tungkol sa mga sexy star?

Na puwede silang mabili. Na pera lang ang katapat nila. Na hindi naman totoo. Siguro yung iba, I mean, kahit naman siguro hindi sexy star, kahit normal na tao siguro. Pero yun nga, madalas ’pag sexy star, parang feeling ng mga dirty-minded, kayang-kaya nilang bilhin. Kung gusto ka nilang maging ka-date, babayaran ka lang nila.

Kung gagawa ka ng isang batas concerning sexy stars, ano ang sinasabi nito at ang kaparusahan sa paglabag nito?

Respeto lang. Ang sexy star kasi, artista siya, hindi lang siya sexy star. Nagkakataon lang na kaya niyang gawin na magpakita ng katawan. Sa ibang bansa naman, sina Angelina Jolie, Monica Bellucci, nagpapakita ng katawan ang mga yan, pero hindi natin sila tinatawag na sexy star—actress pa rin. ’Tapos yung kaparusahan? Pugot ng ulo! Ha-ha-ha. Loko lang. Kasi naman, madalas ’pag sexy star, parang hindi ginagalang at nirerespeto ng iba, e. Ewan ko lang din, siguro may iba rin na nagpapabastos din, ’di ba? Pero kung hindi mo hahayaang bastusin ka, siguro hindi ka babastusin. Rerespetuhin ka naman din.

STEPPING STONE


Describe the perfect gentleman.

Well, hindi taga-showbiz. Ha-ha-ha! Hindi, loko lang. Sa tingin ko, dapat kasi ang isang lalaki, mula bata pa, tinuturuan na ng right manners. Unang-una, dapat yung respeto sa babae. Kahit anong klaseng babae yan—matanda, bata. ’Tsaka, hindi siya nakikipag-away sa babae. Yung kaya niyang [pigilan] yung temper niya, ’di ba? Hindi yung mas madaldal pa kaysa sa babae.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May nahanap ka na bang ganito?

Wala. Nung mag-start akong magpa-sexy, parang nakakatakot na. Kasi noon nga, nakakatakot yung mga lalaki kasi hindi mo alam kung bakit ka gusto. Mahirap baka gawin ka lang pang-display. Or baka iba yung i-expect sa ’yo. Nakakatakot lang, lalo na ngayon, iba na yung mga lalaki kung manligaw.

Kung ma-meet mo si Mr. Right, willing ka ba to give up your career for love?

Depende siguro. Kung hindi na ’ko active, puwede. Pero kung okey pa naman yung career ko, ’tapos [papapiliin ako], mahirap yun. Iba pa rin yung sarili mong kita. Ang pangit nung umaasa ka lang sa asawa mo or sa boyfriend mo.

Eventually, gusto mo rin bang maka-graduate from being a sexy star?

Lahat naman, stepping stone. Ako naman, gusto ko subukan lahat ng roles. Bilang artista, para ka mag-grow, dapat lahat masubukan mo. Maganda rin yung iba-iba yung ginagawa mo.


Ano ang maipapayo mo sa mga nangangarap na maging sexy star?

Dito kasi sa showbiz, lahat puwedeng pumasok. Pero ang tumatagal lang talaga, yung may talent siyempre. Aanhin mo yung ganda mo kung wala ka namang talent? Pangalawa, yung ugali, dapat marunong makisama. Hindi naman kailangang mabait o maging anghel kasi wala namang ganun. Pangatlo, once mabigyan ka ng opportunity, mahalin mo, gawin mo yung best mo. Maging professional ka. ’Pag nabigyan ka ng ganung klaseng suwerte, mahalin mo lang.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN