Judy Ann Santos on her tax case: "Kung makulong man, e di okey lang!"

Sep 8, 2008
Judy Ann Santos says she's definitely not going to get married inside a cell, but she might consider doing a movie inside prison, if she indeed goes to prison.

Nagbabalik si Judy Ann Santos sa Regal Films ni Mother Lily Monteverde with her latest movie Mag-ingat Ka Sa...Kulam na ipalalabas sa October 1. Ito rin ang 48th anniversary offering ng Regal Films sa mga manonood.

Muling makakasama ni Judy Ann sa pelikulang ito si Dennis Trillo, na una niyang nakasama sa award-winning movie ng Regal na Aishite Imasu (Mahal Kita) 1941 na dinirek ni Joel Lamangan.

Naging best actor si Dennis sa Aishite Imasu at bumongga ang career mula noon. Sa pangalawang pagkakataon kaya'y maging best actor na naman si Dennis at bumongga muli ang career nito?

"Dasal tayo," sagot ni Judy Ann nang patungkulan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ng tanong. "Hindi. Ako, magaling naman na artista si Dennis kaya [deserving] siyang manalo. Ako, talagang ipinagdasal ko talaga na sana siya ang manalo sa Aishite Imasu. Kasi ang galing naman talaga niya doon. I'm sure kahit hindi ako ang kasama niya doon, mananalo pa rin siya. Nagkataon lang siguro na ako ang kasama niya.

Continue reading below ↓

"Sa pagkakataong ito, sana bigyan nila ng chance na panoorin ang pelikula namin. Kasi iba rin naman ang ipinakitang atake ni Dennis sa pelikula namin," pahayag pa ni Judy Ann.

Bukod sa Mag-ingat Ka Sa...Kulam, may apat na pelikula pa siyang gagawin sa Regal Films, at may apat pa na natitira sa five-picture contract na pinirmahan niya sa Star Cinema; plus, may isa pa sa GMA Films. Hindi kaya siya magkaproblema sa pelikulang gagawin niya for GMA Films dahil nakakontrata siya with Star Cinema?

"Walang problema kasi may addendum kaming pinirmahan na I could do another movie with GMA as long as [it is] Ouija 2."

Paano na ang schedule niya?

"Hindi ko alam. Ha-ha-ha!"

Dahil diyan, baka maurong nga raw ang wedding nila ng boyfriend niyang si Ryan Agoncillo sa 2010.

"O kaya yung kontrata na lang ang i-move? Ha-ha-ha!"

JUDAY-RYAN MOVIE. Anong susunod na pelikula niya pagkatapos ng Mag-ingat Ka Sa Kulam?

Continue reading below ↓

"May gagawin ‘ata kami sa Regal with Ryan. Wala pang title. Basta pelikula ni Ryan at Juday."

Pang-Valentine offering ba ito?

"Hindi ko alam."

Malalaman pa lang daw nila kung kailan uumpisahan ang shooting right after ng presscon ng Mag-ingat Ka Sa... Kulam.

"In fairness, may naipasa nang concept sa akin."

Magkakaroon na ba sila ng umaatikabong bed scene at kissing scene sa susunod na movie nila ni Ryan?

"Mukhang hindi naman kami panonoorin ng mga tao," sagot ni Juday tungkol sa mga itinanong naming eksena.

Mala-forbidden love daw ang kuwento ng susunod na pelikulang gagawin nila ni Ryan. Totoo ba?

"Siguro baka heavy drama or baka light din. Depende baka light in the beginning ‘tapos magiging heavy towards the end. Maraming puwedeng mangyari, e. With Direk Maryo J. [delos Reyes]. Siguro tama nga rin para iba ang makita ng tao sa amin."

CLOSED CHAPTER. Next month ipalalabas na rin ang bagong teleserye sa ABS-CBN, ang Humiling Ako Sa Langit with Derek Ramsay. Wala na ba siyang tampo sa ABS-CBN?

Continue reading below ↓

"Tapos na siguro ako doon sa chapter na yun ng buhay ko. Kumbaga, natutunan ko na ring tanggapin kung anuman yung dumarating sa akin. Siguro kung may mga tampo mang magaganap at naganap na noon pa, dala lang yun ng bugso ng damdamin. Pero it doesn't mean naman na magtatanim ako ng galit sa kanila kasi tao lang naman ako.

"Wala naman akong karapatang magtanim ng sama ng loob sa mga pinagkakautangan ko ng malaking utang na loob. Kumbaga, ano lang, though wala naman akong regrets sa mga sinabi ko noon, mas mabuti nga na sabihin ko yun kesa itago ko sa puso ko. Baka atakihin naman ako kung iki-keep ko naman sa sarili ko, di ba?

"Maraming moments na yung mga tampo. Wake-up call din sa akin. So, may mga dahilan kaya nagaganap yung mga tampo-tampo. Si Lord may magandang lesson para sa akin. Thankful pa rin ako sa ABS-CBN. Hindi na ako nag-iisip ng paghihiganti or whatever. Baka kalabitin na ako ng karma, ‘Digital' na ako, ‘Day," biro pa ni Juday.

Continue reading below ↓

Paano siya "hinilot" ng mga executives ng ABS-CBN?

"Ako na rin yung nagpa-set ng meeting with them para na rin tapos na. Kasi parang, nakapagbakasyon na rin naman ako. Though they wanted to talk to me already even before I left for Europe. Kaya lang, ako na rin ang nag-decide na parang baka I have to think pa muna.

"Kasi ayoko rin naman may masabi akong isang bagay na pagsisisihan ko. So, nag-isip-isip muna ako. Nag-relax na muna ako. So, nung kinausap ko sila, at least nakapahinga na ang utak ko, nakapahinga na ang didbidb ko. Hindi ko naman napag-aralan. Pero naproseso ko nang mabuti yung mga bagay na dapat kong ipaalam muna sa kanila.

"Na-relax ako, naproseso ako ng Mayo at lahat ng bagay, nalaman ko kung saan ko dapat ilugar yung sarili ko. And nailagay ko yung sarili ko sa isang lugar na puwedeng ako na lang yung makakaintindi sa sarili ko.

Continue reading below ↓

"Kumbaga, dito na lang ako. Ise-settle ko yung sarili ko dito. Hindi na ako mag-e-expect ng kahit na ano, hindi na ako gagawa ng kahit na ano. Kumbaga, kung ano yung ibigay sa akin, ibig sabihin, yun lang ang kayang ibigay sa akin. I wouldn't expect anything anymore, kasi masakit lang. Nandun na ako sa parte ng pag-iisip ko na kung akin, akin. Kung hindi, hindi."

Tuloy na ba yung gagawin nilang sitcom ni Ryan sa ABS-CBN?

"Yun and hindi ko sure, e. Kasi ang alam ko magmi-meeting pa pagbalik niya. Sana matuloy, kasi may mga kinu-consider pa rin naman na concept, director, and everything. Kasama yun sa huling kontrata na pinirmahan ko sa kanila. Siguro matutuloy yun kasi nakalagay sa kontrata ko."

LOYAL RYAN. Pabalik na ng Pilipinas si Ryan sa Biyernes, September 12. Hindi ba siya nag-aalala na baka may naka-date si Ryan sa Argentina?

"Hindi siya ganun. Loyal yun. Even before, loyal yun sa mga naging girlfriends niya."

Continue reading below ↓

Paano niya nalaman? Nag-research siya sa past girlfriends ni Ryan?

"Yes, nag-research. Ginoogle ko. Ha-ha-ha!"

Ano ang una niyang gagawin pagdating ni Ryan?

"Siyempre, magha-hug muna, ‘no."

'Tapos ng hug?

"Hug ulit. ‘Tapos, hug na hug na hug."

'Tapos?

"Ay, naku! Ayaw ng endorser," natatawang sabi ni Judy Ann.

MISSING RYAN. Gaano niya na-miss si Ryan?

"Sobra! Kasi ngayon lang naman kami nagkahiwalay ng ganito katagal. Mahigit isang buwan, huh! Siguro sa ibang tao na makakabasa nito they will find it na, ‘Parang tanga naman itong si Juday. Ang OA naman.'

"Pero siguro kung na-experience nila na magmahal nang matindi at palagi nilang kasama yung tao ng araw-araw, ‘tapos first time mahihiwalay ng ganun katagal, I'm sure they will understand me. Pero I would understand kung feeling nila OA ako sa pagsasabing miss na miss ko ang dyowa ko, hindi ba?"

Ano particularly ang nami-miss niya kay Ryan?

"Lahat! Lahat-lahat! Naku, naku, naku! Kayo talaga," pagsasaway ni Juday sa mga nambubuyong reporters, kasama na ang PEP.

Continue reading below ↓

May hiniling na ba siya na pasalubong mula kay Ryan?

"Wine. Hindi, kasi gusto ko talagang makatikim ng iba't ibang klaseng wine sa iba't ibang bansa."

Nabili na ba ni Ryan?

"Meron pa siyang two days free before he goes home."

READY TO BE MRS. AGONCILLO. Hindi maipagkakaila na sa status ng buhay ngayon ni Judy Ann, kitang-kita na mas gusto na niyang maging misis.

"Ano lang siguro, parang...sa isang tao, buong buhay na ring nag-artista, ang pinaka-role na lang talaga na hinihintay ko lang na magampanan, e, yung maging asawa at maging isang nanay. Ako naman, nanay na ako kay Yohan [their adopted daughter], e. Yung pagiging ilaw ng tahanan ba ang tawag doon?"

Sa rami pa ng naka-line-up na proyekto at mga kontratang napirmahan ni Judy Ann, tiyak na matatagalan pa silang magpakasal ni Ryan kung hihintayin nilang matapos lahat ng commitments nila sa showbiz.

"Ano, ah...puwede naman, basta gusto naming magpakasal, magpapakasal kami anytime."

Continue reading below ↓

Kahit wala pa silang bahay? Hindi ba't nasabi niya na requirement nila before getting married ay makapagpatayo muna ng bahay?

"Maraming pagbabagong magaganap," makahulugang sagot ni Juday.

Pupunta ba siya sa concert ni Ogie Alcasid?

"Nag-usap na kami kagabi habang nasa dubbing ako [Kulam]. Yung date na ‘yon, may screening ako ng Ploning sa L.A. [California, U.S.A.]. Baka i-surprise ko na lang siya. Basta it's a surprise number na lang."

SEEING PIOLO. Hindi ba sila magkikita doon ng love team niya noon na si Piolo Pascual na karamihan sa mga kinakanta ay nilikha ni Ogie Alcasid.

"Ay, hindi!"

Parang ayaw pa niyang makita si Piolo?

"Hindi naman. Kaya lang, siyempre hindi mo pa rin maiiwasan yung mga taong iintrigahin ka pa rin, di ba? Okey naman kami. Just to play it safe. I'm sure tahimik ang buhay niya. Ako naman napakatahimik ng buhay ko at napakasaya ko. Para na rin matahimik kaming dalawa. Ayoko namang magbigay pa ng chance sa ibang tao na iintrigahin pa kami. Basta we're okay. We're friends. Ryan and him are okay also. So, let's just leave it at that."

Continue reading below ↓

Wala na rin bang chance na magtambal ulit sila ni Piolo?

"Ako, ang sinasabi ko lang ngayon, huwag na muna. Huwag na muna kasi, may mga tao pang hindi kayang tumanggap ng ibig sabihin ng partnership ng pelikula, e. May mga tao pa rin na umaasa. Para sa akin, nandito na po ako sa buhay na pagpasok sa seryosong buhay. Sana respetuhin na lang nila yung naging desisyon ko. Yung amin lang, mature na rin sana sila sa pagtanggap ng nangyayari sa karera ng mga artista."

Sabi naman ni Piolo, kahit Mrs. Ryan Agoncillo na siya, okey pa rin siya na makagawa ng project with Judy Ann.

"Yung sa amin, wala namang isyu, e. Yung mga tao lang naman na nagkakaroon ng false hope and expectations na kung hindi naman siguro naging ganun ang reaksyon nila, e, okey lang. Pero kung iniisip ng mga tao kung okey kami, okey kami."

Continue reading below ↓

TAX CASE. Samantala, tanggap na ni Juday ang anumang kahihinatnan ng kaso niya sa BIR (Bureau of Internal Revenue).

"Kung makulong man, e, di okey lang."

Na-imagine ba niya na magpakasal sa loob ng kulungan?

"Ay, hindi. Pangit ‘yon. Ano lang siguro puwede akong gumawa ng pelikula sa loob ng kulungan."

Nagawa na ni Robin Padilla ‘yan nung nakakulong siya sa Muntinglupa, ipinag-produce siya ng pelikula ng FLT Films.

"Ay, oo nga. Huwag na nating gawin," tapos ni Judy Ann.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Judy Ann Santos says she's definitely not going to get married inside a cell, but she might consider doing a movie inside prison, if she indeed goes to prison.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results