Bruce Quebral says Wendy Valdez is not hindrance to his career

by Rose Garcia
Sep 10, 2008
"Feeling ko naman, hindi mo naman siya masasabing hindrance because we're both supportive naman of our career, our goals, and life. So, hindi siya hindrance," says Bruce Quebral about his current relationship with Wendy Valdez.

Puro guesting at modeling ang pinagkakaabalahan ngayon ni Bruce Quebral habang wala pa siyang regular show sa ABS-CBN. Yun ang naging pahayag ni Bruce sa PEP (Philippine Entertainment Portal) nang makausap siya sa taping ng Juicy sa TV5 kahapon, September 8.

Bagamat sinabi ni Bruce na okay lang sa kanya kung ito lang muna ang pinagkakaabalahan niya, aminado ang dating housemate ng Pinoy Big Brother na iba talaga kapag may regular show na ginagawa.

Pagkatapos ng Blackout denim and underwear fashion ng Bench, Bruce will be visible again sa Cosmo Bachelor ng Cosmopolitan Magazine. First time daw niyang nag-centerfold dito at first time din niyang rarampa sa A. Venue Events Hall sa Makati City. Gaganapin ang annual Cosmo Bachelor Bash this Thursday, September 11.

Natatawa rin si Bruce sa pagsasabing pinaka-daring na raw na ginawa niya so far ang naging pictorial niya sa Cosmo, kung saan tuwalya lang ang nakatakip sa maselang bahagi ng kanyang katawan. Open naman daw kasi si Bruce hindi lang sa pagpo-pose sa magazine at pagrampa nang daring, kundi pati na raw sa mga roles, basta walang problema sa management niya.

Continue reading below ↓

"Siyempre, depende sa mga handlers ko," sabi ni Bruce. "Kung pumayag sila at nag-agree rin sila sa story, and if it will do good for my career, why not, di ba? Siyempre, kung anuman yung magiging decision ko, iko-consider ko rin sa magiging decision ng manager ko."

Pagkatapos ng PBB stint niya, although may mga projects naman siyang nagawa, tila hindi pa rin umuunlad nang husto ang showbiz career niya. Ano ang masasabi niya rito?

"Well, after that naman, I had projects naman. My last was Palos. So siguro it takes time lang para mabigyan ulit ako ng panibagong project. Pero on my part naman, hindi naman ako nagpapabaya," saad ng model turned actor.

EXCLUSIVELY DATING. Marami ang nagsasabi na tila hindi nagiging favorable sa kanilang dalawa ng rumored girlfriend niyang si Wendy Valdez, especially on his part, ang pagiging identified nila sa isa't isa. Ano ang reaksiyon niya rito?

Continue reading below ↓

"Feeling ko naman, hindi mo naman siya masasabing hindrance because we're both supportive naman of our career, our goals, and life. So, hindi siya hindrance," sabi niya.

Up to now, "exclusively dating" pa rin daw ang status nila ni Wendy. Magiging problema ba kung magko-commit na sila sa isa't isa kung totoo ngang hindi pa talaga sila?

"No, para sa akin, if you are more focused with the relationship, anong mangyayari sa career? Anong mangyayari sa family mo? E, we're both breadwinners so we both decided to focus na lang muna on that," paliwanag ni Bruce.

Wala naman daw problema sa kanilang dalawa dahil simula naman nang lumabas sila sa Bahay ni Kuya, hindi raw sila na-involve sa iba since they are exclusively dating nga.

"One year na since we got out of the house, it was June 30 of last year, pero wala namang ibang na-involve sa amin pareho. So, we're both okay with that."

Continue reading below ↓

Hindi rin agree si Bruce sa sinasabi na hindi maganda ang effect nila ni Wendy sa isa't isa na tipong nagkakahilahan sila pababa.

"Well, it's their opinion. I don't see it that way. Parang lahat naman may opinion sa ganyan. Pero bottomline is, at the end of the day, yung effect namin sa isa't isa. Yung suportahan namin and we share things."

PLAN OF HIS OWN. On Bruce's part, may mga sarili rin siyang plano especially for his future.

"I'm 26 years old when I got out of the house. I'm turning 27 this year. I'm weighing my options since I graduated last 2006, so siguro I'm planning to apply for other work, like abroad. So far, wala pa namang plano na ganoon. But of course, I'm weighing my options, di ba?"

Bruce was a Home Economics graduate of the University of the Philippines bago pa man mag-artista. Aminado siya na hindi rin daw niya nakikita na ang pag-aartista ang magiging long-term career niya.

Continue reading below ↓

Aniya, "I can be a manager in a hotel. I can also be a teacher. Pero, siyempre, if ever, mas gusto ko yung maging manager ng hotel. I have options. Yung showbiz naman kasi, hindi naman talaga siya stable job. And I've been in this business for only a year. For me to be successful in this career, I should invest more time."

May timetable ba siya sa pag-aartista?

"I don't know. Only God knows. So far, enjoy naman ako sa showbiz and there's no regrets, really," pagwawakas ni Bruce.

Read Next
Read More Stories About
Wendy Valdez
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Feeling ko naman, hindi mo naman siya masasabing hindrance because we're both supportive naman of our career, our goals, and life. So, hindi siya hindrance," says Bruce Quebral about his current relationship with Wendy Valdez.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results