Billy Crawford not comfortable going sexy, prefers wholesome image

IMAGE 0


"Ito talaga ang choice ko. I've always been like this.Sinasabi ko nga kanina, first of all, hindi ako kumportable sa katawan ko, to behonest with you," says Billy Crawford. Billy appeared twice onstage last night.Both appearances with his clothes on, unlike the other "Cosmomen."


International singing sensation Billy Crawford angisa sa featured centerfolds ng Cosmopolitan magazine sa Cosmomenissue ngayon. In fairness kay Billy, unlike other featured celebrities sacenterfolds, dumating at rumampa siya sa stage at nag-perform pa.

Yun nga lang, kung inaasahan ng mga kababaihan, and even gays,na magta-topless man lang si Billy, it didn't happen. Balot na balot ito ngdamit. Bukod sa suot niyang shirt ay may vest pa siya.

NOT HIS FORTE. Aminado naman kasi si Billy na hindiniya forte at hindi niya kaya ang ginawa ng ibang kasamahang celebrities sa CosmopolitanBachelors' Bash kagabi sa A Venue Event Hall, Makati City.

Katuwiran nga niya nang makausap ng PEP (PhilippineEntertainment Portal) after the show, "Ito talaga ang choice ko. I've alwaysbeen like this. Sinasabi ko nga kanina, first of all, hindi ako kumportable sakatawan ko, to be honest with you.

"Second of all, mas maganda na ang nai-in love sa akin, mgananay rin. Family ang dating ko. Wholesome ang dating ko. Lahat naman sila[guys] nakahubad, so, I might as well, tame na lang."

Yung pictorial naman daw niya sa Cosmopolitan,bagama't naka-topless siya ay nakadapa naman daw siya.

"Nakadapa naman ako, e! Hanggang diyan lang talaga ang kayako. Tanungin ko muna si mommy ko kung puwede pa after that," pagbibiro pa niya.

Hindi niya talaga naisip ang mag-topless?

"Ever since, kahit dati pa, two years ago, mas mapayat ako,actually. Mas skinny ako dahil nag-prepare ako for a movie. Pero, never akongnaghubad, e. Never akong nagta-topless. Ninenerbiyos ako. Iba, e! Mas mahirapsa akin ang gawin yan, kesa sa sumayaw at mag-perform in front of hundreds,thousands of people."

We asked Billy kung paano siya naghanda para sapictorial niya for Cosmo?

"Well, it's a lot of dancing and diet ng konti...pero, mahirapmag-diet dito sa Pilipinas, e. Honest naman ako. Mahirap mag-diet. You know,kapag medyo chubby ka, there's a lot more love to give, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, kung mahalin naman nila ‘ko, kung sino ako as a person,and what I do as a performer, gagawin ko lahat para sa lahat."

NOT GOING WITH THE FLOW. Kung tutuusin, maganda ngarin kay Billy na kahit sabihin pang na-expose na siya sa Western culture,hindi pa rin siya sumasabay sa agos, lalo na sa pagiging daring.

"I was raised here naman [Philippines]. Although, from my fatherside rin, Texas din naman. At alam n'yo naman sa States, wild na wild siladoon. Makikita mo naman kapag spring break, parang wala nang kinabukasan.

"But, I guess, I just have the best of both worlds. Yung saakin naman, with my personality, character and all, hindi magbabago ‘yan. Kung ano ang itinuro sa akin ng nanay attatay ko dati, ganoon pa rin. Kaya wholesome na wholesome ang dating ko," seynga niya.

WHAT'S SEXY FOR BILLY. Since hindi nga siyanagpapa-sexy, ano naman ang impression niya sa mga nakasama niya ngayongcelebrities na kayang magpaka-daring?

"Hanga ako sa kanila! You know, it takes a lot of work.Grabe ang mga trabaho nila. Kinakausap ko. Habang nandito,nagpu-push-up-push-up sila rito. Nagsi-sit-up-sit-up sila habang nagrarampa angmga iba.

"You know, they devote their life to make themselves sexy.But I think, kung sexy ka inside, mas sexy yun. Sa tingin ko lang."

And he's sexy inside?

"Ewan ko. Sexy ba ‘ko? Hindi ko alam. Ha-ha-ha!"

Ano ba ang sexy sa kanya?

"I think sexiness is confidence, first of all. You have tohave confidence. Sa States nga, may sexy contests, pero ang lalaki nila. Maymga maskulados, ang lalaki. ‘Tapos, of course, you have to have a nice body.Ako naman, ang biggest confidence ko naman is my tattoos, e. So, I think, forme, I love tattoo. I like tattoo and whoever likes tattoo, I think they aresexy. So, iba-iba naman ang kaseksihan."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

AFTER PDA, WHAT'S NEXT? Noong bumalik sa bansasi Billy (from the States) to host Pinoy Dream Academy, he was quoted sayingna hanggang September lang siya sa bansa and after that, he really has toconcentrate na on his work abroad.

Now, ano na ang plano niya since PDA will endsoon?

"Yes, aalis ako. Actually, September 25, aalis ako for acouple of weeks. Sa Los Angeles ako pupunta hanggang mid-October. ‘Tapos, babalik ako rito for a couple ofengagements lang. ‘Tapos, aalis ulit ako for France naman na. Nag-push backsila kasi, mid-season na sa France, so, most likely at the end of November orearly December ang talagang alis ko na papunta ng France."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN