Mocha members Mocha Uson and Hershey delas Alas file libel case against "Pinoy Parazzi"

IMAGE 0


Hershey delas Alas (left) and Mocha Uson (right) with theircounsel Atty. Rado Dimalibot filed their libel case against the tabloid PinoyParazzi yesterday, September 11, at the Office of the City Prosecutor in QuezonCity.


Tuluyan nang kinasuhan ng libel ng dalawang miyembro ngall-female group na Mocha na sina Mocha Uson at Hershey delas Alas angpahayagang Pinoy Parazzi. Anila'y hindi na nila puwede pangpalampasin ang pambabastos na ginawa sa kanila ng naturang pahayagan.

Kasama ang kanilang abugado na si Atty. Rado Dimalibot,isinampa nina Mocha at Hershey ang kasong libel kontra sa Pinoy Parazziat sa mga officers at staff nito kahapon, September 11, sa Office of the CityProsecutor, Quezon City.

Nag-ugat ang kasong ito sa malisyosong paratangdiumano ng Pinoy Parazzi sa mga miyembro ng grupo bilang mga lesbiyana.Sa tatlong issues ng naturang pahayagan ay lumabas ang mga litrato ng grupongMocha na kuha sa isang private party ng naturang all-female group. Kita samga nasabing larawan ang malinaw na paghahalikan nina Mochaat Hershey na nagresulta sa pagkuwestiyon sa kanilangpagkababae at katauhan; sa isang issue ng naturang tabloid ay tahasan silang tinawag na mga lesbian.

Hindi itinanggi nina Mocha at Hershey ang nangyaring halikanngunit laking-gulat nila nang kumalat ang mga naturang larawan dahil ayon sakanila, "girls night out" sa isang pribadong resort saLaguna kuha ang mga ito ilang linggo lang ang nakararaan.

Labis ding ipinagtataka ng grupo kung paano sila nakunan atkung paano nailabas yun ng Pinoy Parazzi. Wala naman daw sa kanilanggrupo na kumukuha ng litrato that time, lalo pa nga't puro babae silangmagkakasama noon. Kaya imposible raw na isa sa mga kagrupo nila ang gagawa noonat ibibigay pa sa tabloid para ilathala.

Hindi na raw nila pwedeng palampasin ang kontrobersiyang itodahil apektado na pati ang kanilang mga pamilya at kaibigan, bunsod ng mganegatibong paratang na kanilang naririnig bunga ng "malalaswanglarawan" na inilabas ng anila'y mapanirang tabloid.

Para matapos na ang paninira umano sa kanila ng PinoyParazzi ay nag-file na nga sina Mocha at Hershey ng kasong libel kontradito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Unang-una wala kaming ginagawang masama. Pangalawa,kailangan siguro kapag inaapi ka na, dapat ay ipagtanggol mo naman ang sarilimo. Hindi naman puwede yung hayaan mo na lang na mabastos ka ng ganun-ganun. Satotoo lang mas madali para sa amin na tumahimik na lang kami, mag-relax na langkami, hayaan na lang namin sila. Pero, why are we going through all thispainstaking process, pati yung pressure? Gusto lang naming ipagtanggol yung mgasarili namin," may diin na pahayag ni Mocha sa panayam ng PEP (PhilippineEntertainment Portal), matapos ang kanilang pag-file ng kaso.

"Naiyak po kami dahil pinaratangan kami na lesbians,"maluha-luhang sabi naman ni Hershey. "Wala po kaming sinasabi na against kamisa mga lesbians. Wala rin kaming sinasabi na masama yung pagiging lesbian.Actually, may mga kaibigan po kaming lesbians. Pero hindi po talaga kamilesbians."

Dagdag pa ni Mocha, "At saka yung feeling po namin na maynamboso sa amin sa isang pribadong lugar, yun ang pakiramdam namin na na-invadeyung privacy namin. Hindi lang po yun, e. Ang mas disturbing, lumabas pa sa PinoyParazzi. At hindi lang isang beses nila ginawa. Tatlong beses, tatlongissues yung lumabas na sinasabing lesbians kami."

Hiningan din ng PEP ng pahayag si Atty. Dimalibot tungkolnga sa isinampa nilang kaso.

"Nilapitan nga ako nina Mocha to help them sa legal process.We just filed for a criminal case. Libel nga ang kasong isinampa namin againstthe officers of the publication including the publisher, editor-in-chief,managing editor, creative director and circulation manager. This is just thestart of the cases we intend to file. We're still discussing nga about thecivil cases. Because when you file for civil liability, we have to quantify inmonetary amount yung mga damages that have been caused.

"We are not in a rush to file civil liability. In fact namansa batas, once you filed a criminal complaint, deemed filed na rin naman yungcivil liability unless you reserve it in court. So there's really no hurry.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"But kung mapapansin n'yo yung na-file naming criminalcomplaint, doon lang sa mga officers muna, kasi meron pa kaming balak i-fileagainst certain individuals. We are still accumulating information because webelieve na imposible na yung Pinoy Parazzi lang by themselves angnakakuha ng larawan. There should be one or two persons who are actually thereal source of the pictures. We intend to file additional cases pa rin."

Ayon naman sa manager ng Mocha na si Byron Cristobal, "Angsa akin lang ibang usapan na ito, pambababoy ito. Ilalaban talaga namin ito, tothe point na gusto naming maipasara yung publication. Kaya gusto rin naminglumapit kay Mayor Alfredo Lim, para humingi ng tulong. Kasi nasasakupan niyaang Manila kung saan nandun ang office ng Pinoy Parazzi.

"Actually, just recently nung mabawasan ng isang member angMocha, si Bambie, sa amin malaking dagok na yun. Kasi hinahanap siya ng mgafans, e. ‘Tapos may dadating pang ganitong pambabastos sa grupo. Huwag namannila kaming tapak-tapakan."

Paano nakaapekto sa kanila ang isyung ito?

"Sa mga pamilya po namin. Sa mga kaibigan po namin. Siyempreapektado po sila. ‘Bakit ganun, bakit ganyan?' Pati po yung mga followersnamin, nagtatanong po sila. Pero marami pa rin naman ang sumusuporta. At nagpapasalamatpo kami sa kanila," sabi ni Hershey.

After lumabas ang isyung ito ay nakapag-perform na ulit silasa mga shows nila. Pero ano ang reaksyon ng mga tao ukol sa isyu?

"Meron pong mga tao na hindi nagustuhan yung mga nakitanila. Meron din po na patuloy na sumusuporta po sa amin. Sa mga nakaraang showspo namin, akala po namin mawawalan po ng mga tao, e. Pero dumami po yung mganakikiisa po sa amin na nagsasabing, ‘Tama yan, ipagtanggol n'yo yung pribadonyong buhay. Kahit na ganyan ang nangyari, tuloy pa rin ang suporta namin sainyo.' Doon na lang po kami kumukuha ng strength sa mga taong sumusuporta saamin," wika naman ni Mocha.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bakit hindi na sumama sa pagsampa ng kaso ang iba pangmembers ng Mocha na sina Grace at Bez?

"Dahil nga po sa isyung ito, naapektuhan po yungrelationship nila with their parents, with their family, to the point na hindina sila pinapayagang mag-appear sa mga presscon at interviews, parang it's toomuch for them to take. Pero tuluy-tuloy pa rin po ang pagpe-perform namin as agroup," ani Hershey.

Dagdag pa ni Mocha, "Kasi kaming dalawa po yungpinaka-involved po, e. Picture po namin ni Hershey yung lumabas nanaghahalikan. Wala naman pong malice sa amin yung halikan na yun. It's afriendly kiss."

"Yung paghahalikan na ganyan, it's actually a very privatematter," reaksyon naman ni Atty. Dimalibot. "And their privacy was actuallyintruded, but ang mas mahalaga when we filed a criminal complaint for libel isthat, malice was put sa ganung private act, and it was done publicly by PinoyParazzi. Ibig sabihin, yung pagkakuha na nga nung picture is malicious,yung pagpa-publish pa nito is all the more malicious.

"Kasi pinapalabas dito, including the articles that boldlysaid my clients are lesbians, na the truth and fact is hindi naman. They arejust young girls having fun na minsan lang lumabas.

"Ang tinitingnan pa naming anggulo is that they [PinoyParazzi] are paying for contributions ng pictures. All the more that thereis malice because they did it for money.

"Pero alam n'yo, isang point na gusto kong i-emphasize, eventhe Supreme Court issued a memorandum circular to all the judges na halostinatanggal na yung imprisonement sa libel, e. They are encouraging the judgesto just impose fine. Okey lang sa amin yun kasi hindi naman ang pagkukulong samga tao sa Pinoy Parazzi ang gusto namin, e. We want to fight for myclients' rights and for them to be vindicated. Sila yung biktima dito, so hinditalaga ito publicity stunt."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Talking about publicity stunt, ano ang reaksyon nina Mochasa intrigang gimik lang ang lahat nang ito para mapag-usapan sila?

"Unang-una po, hindi po ito gimik," ani Mocha. "At sakanakakapagod naman pong proseso ito. Kaya nga po gusto na naming tuldukan ito.Gusto naming ipakita sa mga taong nagsasabing isa itong gimik, na ganito kamikaseryoso, to the point na nag-file kami ng kaso."

Dagdag ni Hershey, "At saka kung gimik lang, e, di sananaghubad na lang kami sa publiko. Yun ang gimik, di ba? Kawawa naman po yungmga pamilya namin at mga kaibigan na naapektuhan din ng isyu na ito.Hindi ponamin sisirain yung dignity po namin kung gimik lang ito."

Did they talk to the owner of the place where they heldtheir party na may nangyaring ganun? E, supposed to be, private place yun namay private party. Bakit nagkaroon ng photographer?

"Candidly we have done that. But we are not suspecting theowner or the caretaker. They are the last people in mind," pahayag ni Atty.Dimalibot.

So, kailan magsisimula ang hearing ng kasong ito?

"The case will eventually be raffled off so right now hindipa namin alam kung sino ang hahawak na prosecutor. But we will know in duetime, by next week siguro. Ordinarily naman they will ask for the officers of PinoyParazzi to file their counter-affidavit first. Mabilisan din naman ito,after filing their counter-affidavit, we will react to them. Siguro 30 to50 days maghi-hearing na ito," paliwanag ni Atty. Dimalibot.

Para kina Mocha at Hershey, bagama't may ganitong kaso atisyu, tuluy-tuloy pa rin ang buhay nila, pati na ang pagpe-perfrom nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
"Tuluy-tuloy pa rin po. Mas masaya po kami ngayon nanakapag-file na kami ng kaso. We're trying to prove our point here kasi pohindi po namin puwedeng palampasin yung pambabastos po ng Pinoy Parazzipo sa amin," huling sabi pa ni Mocha.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN