Sarah Geronimo to Ronnie Liang: "Make a move."

IMAGE 0


"Maniniwala na sana ako, kaya lang may mansion pa at saka may swimmingpool," says Sarah Geronimo about Ronnie Liang's interviews saying he has a crush on her.




Balik-recording scene ang Popstar Princess na si Sarah Geronimo. Aatupaginnaman ngayon ni Sarah ang promotion ng bago niyang album mula sa VivaRecords, Just Me, pagkatapos ng blockbuster movie nila ni John Lloyd Cruz na A VerySpecial Love.

"Proud po ako sa album kong ito. May duet pa po kami ngBackstreet Boys member na si Howie [Dorough], yun pong carrier single ng albumko na 'I'll Be There'. Sa U.S. ko po ni-record yung song. Darating po si Howiedito sa Pilipinas sa September 23 para personalna makita ninyo siya," biro ng masayahing si Sarah sa launch ng Just Mealbum sa Pier 1, Tomas Morato, Quezon City, kahapon, September 10.

Ang 16-track album ni Sarah ay production ni Christian deWalden. Inamin ni Sarah sa album launching na si Nick Carter na member din ngBackstreet Boys ang crush niya.

"Sayang nga po hindi ko siya naka-duet," sabi ni Sarah.

Kasunod ng paglabas ng album ni Sarah, may malakingkonsyerto naman siya sa Araneta Coliseum on November 8. Ididirek ito ni JohnnyManahan at si Louie Ocampo naman ang musicaldirector. Isa sa kumpirmadong special guest ni Sarah sa concertsi John Lloyd.

Pagkatapos ng concert, magsisimula na si Sarah na mag-shootpara sa pinakahihintay na follow-up movie nila ni John Lloyd. Posible rinna ang second movie nina John Lloyd at Sarah ang maging opening salvo for 2009ng Star Cinema.

"Parang for now, si John Lloyd po talaga yunghinahanap ng tao, e. Masasabi ko lang po yun kapag nagsimula na kami. Kasiganyan din po yung nangyari noon, gagawa na ng pelikula pero na-delay nangna-delay."

SARAH AND LLOYDIE'S FRIENDSHIP. Nang kumustahin naminang friendship ni John Lloyd kay Sarah sa presscon ng I Love Betty La Fea,sinabi ng aktor na hindi na sila masyadong nagkakausap ngayon. Hindi na gaya ngdati, noong ginagawa pa nila ang movie. Lagi raw kasing busy si Sarah kapagnasa ASAP ‘08.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ay, hindi naman po sa ganun. Kasi may chance po namaging close kami nung pelikula dahil palagi kaming magkasama. Perongayon...understood," eksplika ni Sarah.

Sa tingin ba niya, dapat si John Lloyd ang mag-reach out sa kanya?

"Dapat dalawa po kami. Okey naman po kami. Nakakausap ko siya. Nakaka-text kosiya. ‘Pag ASAP po kasi, wala naman po kasing chance namakipagkulitan kasi nagtatrabaho ka. Yung mga kinakanta ko, kailangan kongaralin yung mga sayaw. Kaya siguro parang minsan, parang hindi ko na siyanapapansin. Parang, uhm...walang time. Pero okey naman po kami kapagnagkikita kami."

MOVIE WITH PIOLO. May balita rin na naka-line-up na susunod namakakapareha ni Sarah si Piolo Pascual.

"Ah, talaga po? Hindi ko po alam. Isa po yun sa muntingkahilingan ko rin na makatrabaho si Piolo. Maganda po yun. Pero ang alam ko pomay gagawin sila ni Angel [Locsin]."

Kung sakali, kay Piolo niya ba ipagkakatiwala ang kanyangfirst kissing scene sa pelikula?

"Yung kissing scene po kasi, napatunayan sa A VerySpecial Love na hindi naman kailangan na makita na nag-touch yung lipsng dalawang tao. I think magagawa ‘yan second time around. Kasi si PJ, maramingfactors ang dapat i-consider. Yun nga po, yung aking market, yung mgasupporters ko po, mga bata. ‘Tsaka once na maumpisahan ko na po ‘yan, naku,magtutuluy-tuloy na po ‘yan. So, darating na yun sa love scene, hala! ‘Diba po totoo ‘yan?" pag-fast forward na pahayag ni Sarah.

SARAH'S SECRET CRUSH. Muli ay inungkat ng PEP(Philippine Entertainment Portal) ang sinasabing crush ni Sarah na kasama niyaevery Sunday sa ASAP '08. Hanggang ngayonay di pa rin nagbabago ng crush si Sarah, na ayaw pa rin niyang banggitin kungsino.

"Secret na lang po. Pero close po kami sa ASAP. Lagi po kaming nagkikitaevery Sunday sa show."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ka-age ba niya?

"Hindi po."

Si Piolo ba ito?

"Ay, hindi. Iba pa po si Piolo."

Bakit ang lalaking yun ang napili niyang maging crush?

"Tingin ko napapasaya niya ako. Hindi naman kilig. Yun din po ang hindi komaintindihan kung bakit napapasaya ako."

May magre-react ba kapag sinabi niya ang pangalan ng crushniya?

"Oo," matipid na sagot ni Sarah.

May girlfriend na ba?

"Ay, hindi."


May ibang kalabtim?

"Ayoko na pong magsalita. Wala naman pong magagalit. Kaya lang marami angmagre-react. Napo-foresee ko na po yung consequences kapag sinabi ko.Kaya hindi na lang."

RONNIE'S "MANSION." Naitanong din kay Sarah ang tungkol sa pagkagusto sakanya ng kasamahan niya rin sa ASAP ‘08 at ex-Pinoy Dream Academyscholar na si Ronnie Liang. May balita naipagpapatayo pa raw ni Ronnie ng mansion si Sarah.

"Si Ronnie, nakakatuwa naman po na he reaches out everytime we see each other, like kinakausap niya ako ng konti. Nagki-kiss pa siya.Nakakatuwa naman yung may ganung ano."

Nahalikan na siya ni Ronnie?

"E, bumebeso po," pagkokorek ni Sarah.

Kinilig ba siya na crush siya ni Ronnie at ititira pa samansion?

"Hindi naman daw totoo yun. Hindi na ako maniniwala kapag may mansionsiyang sinasabi."

Personally, ano ang dating sa kanya ngpagbanggit-banggit ni Ronnie na crush siya nito?

"Oo, ‘yan nga po. ‘Tsaka yung mansion-mansion...totoo ba‘yun? Maniniwala na sana ako, kaya lang may mansion pa at saka may swimmingpool."

Na-realize ba niya na binobola lang siya?

"Hindi naman po, pero ang masasabi ko lang po diyan, kungtotoong meron kang gustong gawin, hindi mo na kailangang i-publicize na parangganun. Pero hindi ko po sinasabi na ginagamit ako ni Ronnie. Huwag namanpong ganun. Make a move."

Pero nararamdaman ba niya na parang nagagamit siya?

"I didn't want to think it that way. Nakaka-offend naman ‘yon. It's offending.It's offending."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Totoo ba na ang mommy niya ang nasusunod sa kung sinuman ang magiging boyfriendniya?

"Wala naman po kasing perfect, e. Basta gusto ko lang po yung tatanggapinniya yung buong pagkatao ko. Yung mamahalin niya yung lahat ngkatangian ko, whether bad or good."

SARAH'S VIRGINITY. Wala namang duda na virgin pa rin si Sarah atthe age of 20. Bihira na ang tulad niya sa showbiz na nape-preservepa rin ang virginity.

"Naman! It should be preserved. Yun nga yung maireregalo... Regalo talaga, anopo? 'Tsaka nakasaad po yun sa Bibliya, di ba?"

Paano kung merong masyadong makulit na in love na in love sa kanya at niyayasiya?

"Kaya nga po you should be ano, e...you should be careful. ‘Tsaka yungself-control, mai-impose ko sa sarili ko."

Posible ba na ma-inlove siya sa isang foreigner?

"Ay, oo. Kailangan," nakangiting sabi ni Sarah.

Bakit kailangan?

"Para makabawi. Hi-hi-hi."

Nabanggit din ni Sarah na gusto niyang makasama sa concertniya on November 8 ang international artist na si Billy Crawford.

"I love performing with him. Halatang....oo nga.Napapasaya niya ako kapag nagpe-perform. Pero hindi si Billy, ha [yung crushniya]," lahad ni Sarah.

Bakit siya napapasaya ni Billy?

"Ano, I admire him. The way he performs, talagang very entertaining."

Alam ni Billy na may paghanga siyang ganyan?

"Ay, oo. Lagi ko pong sinasabi sa kanya. Kaso nga lang aalis siya, e.Sayang."

"DESIGNER'S DRESS" ISSUE. Lastly, nagpaliwanag siSarah sa unang pagkakataon tungkol sa fashion designer na gumawa ng gownniya para sa taping ng birthday special ni Dolphy, pero pinahubad daw ng kanyang Mommy Divine.

"Ah, yun po. Ang totoo pong istorya noon, yung damit po, parang maluwag siya.Basta may diperensya po. E, magsisimula na po. Opening po ako, e. Mabutinaman po, yung mommy ko, may dalang damit from Rajo Laurel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, hindi na po aabot kung hihintayin pa po naming maano [maayos] yung damit.So, yun nagbihis na po ako. Lumabas na po ako ng stage. Hindi totoo na hinagisng mommy ko yun [damit]. Pero naramdaman ko na magkakaro'n ng isyu yun atie-exaggerate."

Hindi niya sinabi sa mommy niya na magkakaroon ng isyu?

"Ay, sinabi ko po sa kanya. ‘Ay, naku, Mommy. Hintayin mo lang. Meron‘yan.' E, ‘yun nga, in-exaggerate.

"Bakit naman po gagawin ng mommy ko na ihahagis yung damit?Napaka-unethical naman.

"Nag-fit po ako that day. ‘Tapos hindi pa rin naayos. E, mag-o-opening na po.‘Tapos ngarag-ngarag po kami dahil hindi pa ako tapos mag-makeup, mag-ayos nghair. So, na-misinterpret po," tapos ni Sarah.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN