PEP EXCLUSIVE: Antoinette Taus returns to Manila in October for short vacation

by Rose Garcia
Sep 11, 2008
Former young star Antoinette Taus is scheduled to arrive in October for the wedding of her friend Cheska Garcia. Her visit will be brief since she is really bent on trying her luck to penetrate Hollywood.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) via Internet ang dating young star na si Antoinette Taus, na ngayon ay naka-base na sa Los Angeles, California. Nakaplano raw siyang umuwi ng Pilipinas in time for the wedding of her friend Cheska Garcia to Doug Kramer this October.

Pero taliwas sa napabalitang magtatagal si Antoinette sa bansa and that she's looking for someone na puwedeng mag-manage sa kanya while she's here in the country, siya na mismo ang nagsabi na bakasyon lang talaga ang pag-uwi niya ng Pilipinas.

"I'll only be in the Philippines for two weeks, then babalik na rin ako agad sa States," sabi ni Toni sa PEP.

Ilang taon na rin since Toni left the country to try her luck in Hollywood. Pero sa loob ng maraming taon, mukhang ngayon pa lang magsisimulang magkaroon ng katuparan ang pangarap niyang makapasok sa Hollywood.

Nang minsang ma-interview, may binanggit si Antoinette na may show siyang gagawin sa isang sikat na network. Sa pakikipag-usap ng PEP sa kanya, nasabi niyang her show might be shown on Fox Channel.

Continue reading below ↓

Pero hanggang doon lang din ang information na ibinigay niya at nangakong kapag kumpirmado na ang lahat ay siguradong ise-share niya ang magandang pangyayaring yun sa kanyang binubuong career sa Amerika.

At present, aside from continuously trying her luck in Hollywood, siya ang tumatayong editor in chief ng M Magazine, na nagpi-feature ng mga successful Fil-Ams sa Amerika.

Read Next
Read More Stories About
Antoinette Taus, Cheska Garcia
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Former young star Antoinette Taus is scheduled to arrive in October for the wedding of her friend Cheska Garcia. Her visit will be brief since she is really bent on trying her luck to penetrate Hollywood.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results