Sarah Geronimo is falling for a very good dancer

by Archie de Calma
Sep 11, 2008
"Wala naman akong magagawa kung manliligaw sila, kung gusto nila ako. Pero sino ba ang magkakagusto na parang naggagamitan na lang para mapag-usapan? Definitely, hindi ko po gusto ang ganoong idea," says Sarah Geronimo about being courted for publicity's sake.

Napapangiti na lang ang Pop Princess at ang tinatayang next Box-Office Queen na si Sarah Geronimo sa kung anu-anong intrigang nagli-link sa kanya, sa kung kani-kaninong lalaki. Ang latest na gumagawa ng ingay ay ang pagkaka-link niya sa singer na si Ronnie Liang, na nagpapagawa na raw ng mansyon para kay Sarah.

"Sana, may mansiyon talaga! Ano naman ang puwede kong i-comment?" natatawang sabi ni Sarah sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

Alangan din kasing magsalita si Sarah na nanliligaw raw sa kanya si Ronnie, na halatang sa publicity lang naman nangyayari. Hindi man lang ba nagte-text sa kanya ang dating Pinoy Dream Academy runner-up?

"Hindi ko na matandaan kung sinu-sino ang nagte-text, pero hindi naman ako basta sumasagot, e," nasabi na lang ng dalaga.

Ano na ang nangyari kay Mark Bautista na openly ay nanligaw talaga sa kanya?

"Ayokong isipin na binasted ko siya, pero siya na mismo ang nagsabing nanligaw siya sa akin. Pero gusto ko lang kasing mas pahalagahan yung friendship. Nag-uumpisa pa lang kami, magkaibigan na kami. Parang ayokong isipin na magkakaroon kami ng relasyon. Mayroong ilang factor kapag ganoon.

Continue reading below ↓

"But, we're still friends," paglilinaw ni Sarah. "Naging prangka siya sa akin, naging prangka rin ako sa kanya. Mas magtatagal kami ni Mark as friends dahil matindi na ang pinagsamahan namin."

CERTIFIED BOX-OFFICE STAR. Obvious na darami pa ang admirers at suitors ni Sarah na makikiagaw sa espasyo sa mga tabloid para sa tsismis at publicty–lalo na't certified box-office star na rin siya dahil kumita nang husto ang first movie niya where she played a major lead role, ang blockbuster na A Very Special Love.

"Ganoon po ba yun? Dahil lang kumita ang movie namin?" natatawa niyang sabi. "Kung yun lang ang dahilan kung bakit manliligaw sila, hindi po yata maganda!"

Sarah doesn't want to sound boastful, pero nasabi nga niya na maingat siya sa ganitong bagay.

"Wala naman akong magagawa kung manliligaw sila, kung gusto nila ako. Pero sino ba ang magkakagusto na parang naggagamitan na lang para mapag-usapan? Definitely, hindi ko po gusto ang ganoong idea," malumanay na paliwanag ni Sarah.

Continue reading below ↓

SARAH IS NOW A WOMAN. Pero ang bago sa mga nasabi ni Sarah, sa paglulunsad sa press kamakailan ng kanyang bagong album sa Viva Records na Just Me ay ang pahayag niyang: "I am a woman now!"

Isang pagdedeklara na may napupusuan na rin si Sarah, pero mananatili raw niyang lihim ito hangga't maaari.

"Nakakahiya kung magsasalita ako. Basta, mahilig siyang magsayaw!" at natawa na lang siya. "Ayoko nang magsalita pa about him. Nakatutuwaan ko lang naman siya. Basta, masaya ako kapag nakikita ko siya. Hindi ko nga alam kung alam na niya yung ganoong feeling ko. Nakakahiya talaga!"

Nabawasan na nga ang pagkabungisngis ni Sarah, at yun ang nagpatotoo sa sinabi niyang, "I am a woman now!" Marami ang nagsasabing baka si John Lloyd Cruz ang lalaking nabanggit ni Sarah.

"Ay, hindi po! Wala talaga!" tanggi ni Sarah.

Marami ang nag-warn kay Sarah na maganda ang dating ng tambalan nila ni John Lloyd at huwag na raw magpakapersonal sa anggulong ito at baka doon pa masira ang kanilang team-up.

Continue reading below ↓

"Magpapatuloy ang working relationship namin ni Lloyd, kasi ang susunod kong movie, siya pa rin ang kapareha ko, for Viva and Star Cinema uli. Para sa Valentine's Day na next year," sabi ni Sarah.

Mukhang papaghintayin pa niya si Piolo Pascual na nagsabing gusto nitong makatambal si Sarah sa isang pelikula.

"E, gusto ko rin pong maka-partner si Papa P," sambit ni Sarah. "Pero darating din yun. I'm really very happy na sinasabi ni Papa P yun, na gusto niya akong makatrabaho. Hindi naman malayong mangyari yun.

"Kaya lang, kailangan siguro na habang may demand for a follow-up project with Lloyd, yun na muna ang pagtuunan namin ng pansin. Gusto ko rin sana, it will be something very different sa unang nagawa namin," pagwawakas ni Sarah.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Wala naman akong magagawa kung manliligaw sila, kung gusto nila ako. Pero sino ba ang magkakagusto na parang naggagamitan na lang para mapag-usapan? Definitely, hindi ko po gusto ang ganoong idea," says Sarah Geronimo about being courted for publicity's sake.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results