Rayver Cruz denies courting Rhian Ramos, but admits dating her once

by Rommel R. Llanes
Sep 15, 2008
"Wala namang masama doon, di ba, na makipagkaibigan ako kay Rhian? At katulad nga ng sabi ko, friendly date lang naman yun, lumabas lang naman kami. Wala namang masama doon," reasons Rayver Cruiz about going on a friendly date with Rhian Ramos (inset).

Pagkatapos tumigil sa panliligaw kay Shaina Magdayao, balitang ang Kapuso young actress na si Rhian Ramos naman ang pinopormahan ngayon ng young actor na si Rayver Cruz. In fact, nag-date na nga raw ang dalawa sa isang restaurant sa Parañaque.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Rayver kahapon, September 14, pagkatapos ng ASAP '08 kung saan ay regular mainstay siya ay itinanggi niya na nililigawan niya si Rhian.

"Totoong lumabas kami, but it's a friendly date lang naman. Hindi ko siya nililigawan," paglilinaw ni Rayver.

Si Rayver ay alaga ng ABS-CBN while si Rhian ay mula naman sa GMA-7. Paano ba sila nagkakilala?

"Nagkasama kasi kami sa isang show, sa event ng Smart. ‘Tapos ayun, nalaman ko na taga-South din pala siya. Hiningi ko yung number niya. ‘Tapos ayun, nagti-text-an kami. Tiyempo naman na nung minsang wala akong ginagawa, tinawagan ko siya para yayaing lumabas. Nagkataon din naman na wala siyang ginagawa that time kaya ‘ayun, nagkasama kami," lahad ng young actor.

Continue reading below ↓

Isang beses pa lang daw lumabas sina Rayver at Rhian. Pero puwede pa kayang masundan yun?

"Hindi ko pa alam," sagot ni Rayver. "Siguro ‘pag hindi siya busy, puwedeng yayain ko ulit siyang lumabas."

Aminado naman si Rayver na type niya si Rhian kaya niyaya niya itong mag-date sila. "Siyempre naman, maganda naman kasi talaga siya," sambit ng binata.

So darating sa puntong liligawan niya si Rhian?


"Hindi ko pa masasagot ‘yan sa ngayon,"


Sa tingin niya ba ay girlfriend material si Rhian?


"Oo naman!" mabilis na sagot ni Rayver.


Ano ang magagandang qualities na nakita niya kay Rhian?


"Mabait siya, sweet ayun, maganda," aniya.

Mula sa magkalabang network sina Rayver at Rhian. Hindi ba nababahala si Rayver na baka pagbawalan siya ng ABS-CBN na makipaglapit kay Rhian?

"I don't think so naman na pagbabawalan nila ako. Wala namang masama doon, di ba, na makipagkaibigan ako kay Rhian? At katulad nga ng sabi ko, friendly date lang naman yun, lumabas lang naman kami. Wala namang masama doon," diin ni Rayver.

Continue reading below ↓
Read Next
Read More Stories About
Rayver Cruz, Rhian Ramos
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Wala namang masama doon, di ba, na makipagkaibigan ako kay Rhian? At katulad nga ng sabi ko, friendly date lang naman yun, lumabas lang naman kami. Wala namang masama doon," reasons Rayver Cruiz about going on a friendly date with Rhian Ramos (inset).
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results