Gabby Concepcion questions contract with manager Rose Flaminiano

by Julie E. Bonifacio
Sep 14, 2008
Gabby Concepcion expresses his discontent and doubts on his working relationship with manager Mrs. Rose Flaminiano.

Umiinit na nang husto ang sigalot sa pagitan nina Gabby Concepcion at ng manager niyang si Mrs. Rose Flaminiano. Inilabas na sa Entertainment Live! kahapon ang pagsisiwalat ng mga hinaing at pagtatanong ni Gabby sa nilalaman ng kanilang kontrata ng manager niya.

Sa pamamagitan ng abugado ni Gabby na si Atty. Raymund Fortun, ipinaalam nila sa Entertainment Live! ang pagsampa ng reklamo ng kanyang kliyente, ang pagpapadala nila ng sulat kay Mrs. Flaminiano upang ipawalang-bisa ang managerial contract na pinirmahan ng aktor.

May mga pagdududa diumano si Gabby sa mga nakapaloob sa kanyang five-year contract.

Una na rito, ang petsang nakalagay kung kailan nagsimula at kailan matatapos ang pag-manage sa kanya ni Mrs. Flaminiano.

Ayon sa abugado ni Gabby, hindi raw typewritten at halatang kinamay lang ang pagsulat ng petsa sa kontrata kung hanggang kailan ang tatagal ang pamamahala ni Mrs. Flaminiano sa showbiz career ng aktor.

Bukod dito, nadiskubre raw ni Gabby ang di pag-i-inform sa kanya ng tamang talent fee na nakukuha niya sa kanyang mga nilalabasan. Nais lamang daw ng aktor na mabigyang-linaw ang lahat ng mga bagay na gumugulo sa kanyang isipan tungkol sa kontrata niya kay Mrs. Flaminiano.

Continue reading below ↓

Noong Lunes, September 8, nakatakda raw sanang magharap sina Mrs. Flaminiano at Gabby, sa tulong ng veteran actress na si Daisy Romualdez. Pero dahil sa lakas ng ulan, hindi na nakarating agad ng Maynila si Mrs. Flaminiano na nanggaling pa diumano sa Tarlac.

Ayon naman sa aming source, natanggap ni Mrs. Flaminiano ang sulat mula sa abugado ni Gabby noong Huwebes.

Mamaya sa The Buzz, live na magsasalita si Gabby sa isang exclusive tell-all interview ni Boy Abunda, pagkatapos ng Your Song sa ABS-CBN

Read Next
Read More Stories About
Gabby Concepcion, Rose
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gabby Concepcion expresses his discontent and doubts on his working relationship with manager Mrs. Rose Flaminiano.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results