German Moreno honored at Malolos, Bulacan Walk Of Fame

IMAGE 0


As their way of thanking German Moreno for hiscontributions in helping Bulakeños and Bulakeñas in showbiz, the people ofMalolos, Bulacan, gave Kuya Germs his own star in their Walk Of Fame.



Masayang-masaya si German "Kuya Germs" Moreno dahil kahit umuulan lastSeptember 10 ay tinuloy pa rin ng mga taga-Malolos, Bulacan, ang pagbigay ngparangal sa kanya bilang isa sa mga adopted sons of Bulacan.

Ginanap sa hardin ng Malolos Capitol ang pagbigay-parangalkay Kuya Germs at sa iba pang mga celebrities na taga-Bulacan. Kaugnay ito ngkanilang "Singkaban Fiesta: Sining at Kalinangan Ng Bulacan." Milagro nga nangbiglang tumigil ang ulan, kaya naging maayos ang pagsalubong nila kay Kuya Germsat sa ibang mga bisita nila.

Sa tulong at suporta ni Governor Jon-Jon Mendoza ng Bulacan, naglagay sila ng Walk Of Fame sa hardin ng Malolos Capitol. Nakalagay dito ang mga pangalan ng mga sikat na Bulakeños at Bulakeñas atilalagay din nila ang kanilang mga handprints katabi ng kanilang star.

Kabilang sa mga pangalang nakalagay na roonay sina Jolina Magdangal, Ian Veneracion, Sam Milby, Cheryl Cosim, AlfredVargas, Kyla, Jay-R, Arnold Clavio, at marami pang iba. Hindi lang mgaaktor ang nakalagay sa Walk Of Fame kundi pati mga ibang artists, musicians, at TVand print journalists na tubong-Bulacan.

Bagama't hindi nga tubong-Bulacan si Kuya Germs,pasasalamat ito ng mga taga-Bulacan sa pagtulong at pagmolde nito sa mga Bulakeño't Bulakeña para magkaroon ng pangalan sa showbiz.

"Nagpapasalamat ako sa mga taga-Bulacan dahil saparangal na binigay nila sa akin. Kung noon ay ako ang nagsimula ng Walk OfFame sa Eastwood Gardens bilang parangal sa mga artista natin, ngayon ay akonaman ang binigyan nila ng pagkakataon na mapasama sa Walk of Fame nila dito saBulacan.

"Hindi nila alam kung gaano ako natutuwa dahil isaitong malaking bagay para sa pagiging artista natin sa mahabang panahon. Yungmakita mo lang ang pangalan mo na kasama sa mga kilalang mga artista ngayon,naku, nakakataba ng puso talaga."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa pagiging adopted son niya ng Bulacan, nagbigayng kanyang salita si Kuya Germs na tutulong sa anumang proyekto ng Bulacan samga darating na taon. Ito raw ang kanyang pagbibigay-ganti sa pagtanggap sa kanyang mga taga-Bulacan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN